Parang naiinis tuloy siya sa sinabi ni Harry at parang gusto niya na siya lamang ang pinag e-effort-ang lutuan ni Valentine. Wala nang iba kundi siya lang.

"Ayoko nga no! Para kay hubby lang ako magluluto. Maghanap kayo ng mag luluto para sa inyo." Masungit na sabi ni Valentine sa kanila.

Tila nag diwang ang puso ni Saint sa narinig. Para sa kanya lang daw ito mag luluto. NA iyon din naman ang gusto niya. Hindi naman kasi lagi nagluluto ang nanay niya dahil busy ito sa trabaho. Mag mula nang mamatay ang ama nito ay ang ina nito ang kumakayod para sa kanila. Late na ito umuuwi kaya kung hindi siya ang mag luluto ay may dala namang take-out ang nanay niya.

"Sa 2 linggo na nakalipas ay araw-araw ka nang luto ng luto ng pag kain para kay Saint, pero parang ayaw naman niyang nilulutuan mo siya." pagpuna ni Rick.

Hindi naman sa ayaw niyang pag lutuan siya ni Valetine, sa totoo lang ay nagugustuhan niya ang pag e-effort sa kanya nito na pag lutuan. Ngayon lamang siya nakaramdam na pinag e-effort-an siya. Palagi kasi siya ang nag e-effort kaya naman nagsawa na siyang mag effort dahil hindi naman naa-appreciate iyon ng mga tao.

He stopped being caring for other people after his break-up. Nagising na siya sa kahibangan na palagi na lamang siya ang nagbibigay ng effort na tini-take for granted na siya.

"I would never be tired of cooking and making effort para kay hubby." she simply and then smiled at Saint.

Saint felt like he skipped a beat we she said that. Pero hindi kasi siya sure kung baka pinagt-trip-an lang siya ni Valentine. 'Cause out of nowhere, Valentine suddenly appeared in his life. He doesn't know what her true intentions. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang pakay sa kanya ni Valentine, kung bakit ito nag e-effort para sa kanya.

"Pero, ano ba talaga kayo ni Saint?" Harry asked, while the other anticipates what Valentine will say.

"Wala."

"We're together."

Nagkatinginan silang dalawa ni Valentine

"What?"

"What?!"

Sabay na sabi ng dalawa, nakakunot ang noo ni Valentine kay Saint. Habang ang mga kaibigan naman niya ay mariin lamang silang tinitingnan.

Nagkibit-balikat lamang si Saint samantalang seryoso siyang tinitingnan ni Valentine.

"What? We're not together. Ni hindi pa nga kita nililigawan." simpleng sabi niya kay Valentine.

Gulat siyang tiningnan nito atsaka nag ningning ang mga mata.

"May 'pa' so it means may balak kang ligawan ako?!" excited na sigaw nito.

"Uyyyy!" Sabay ding tukso ng mga tropa ni Saint.

"Pare, ligawan mo na kasi ngayon! Ano pa bang iniintay mo?" Kantyaw ni Harry

Umirap lamang sa ere si Saint at uminom ng tubig. Inaamin naman niya na may kaunti na siyang nararamdaman para kay Valentine. Pero hindi iyon sapat upang ligawan na niya ito. Hindi pa siya handa na mag commit pang muli sa isa pang relasyon.

Ni hindi niya nga alam kung baka pinag t-tripan lamang siya nitong si Valentine. He was just finished rebuilding his walls, and he can't afford to break it down again. Siya yung tipong once is enough. If he failed the first time, he'll quit immediately and never try again.

Nagulat siya nang biglang kinalog-kalog siya ni Valentine. Kaya naman tumilapon ng kaunti ang tubig na iniinom niya.

"Wai--'wag mo 'kong alugin ano ba-- Natatapon yung tubig Valentine!" Saway niya dito ngunit hindi ito tumigil at nag iirit pa.

"Aaahhhhh! May balak kang ligawan akoooo! I kennat guys. Ligawan mo na ko now hubby. Kahit nga hindi mo na pala ako ligawan, sasagutin na agad kita hubby." Valentine screamed in a high pitched voice while she was still shaking him.

"Hindi kita liligawan, asa ka pa." Masungit niyang sabi dito kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Valentine.

He has to be strong, hindi pwedeng ma-fall agad siya. Sawa na siyang manligaw, at kahit halatang gusto siya ni Valentine ay hindi niya ito liligawan. Eventually, magsasawa din sa kanya si Valentine. That is what he says to himself over and over again.

"Ligawan mo na kasi pre! Move-on, move-on din kay Diana ha?" Kantyaw na naman ni Harry. Gusto na niyang sapakin itong si Harry pero pinipigilan lamang niya ang sarili. Kaya hindi na lamang niya ito sin

"Oo nga hubby, tutulungan kitang mag move-on. Makakalimutan mo na din yang pangit mong ex in no time." Mataray na sabi nito.

Biglang nawala sa mood si Saint nang mabanggit na naman ang ex nito. Although it's been a year since that, may kaunting galit pa rin siyang nararadaman mula dito. Ayaw na niyang marinig ang pangalan ng ex niya dahil naiinis lamang siya.

Patuloy pa rin sa pangungulit si Valentine, sumakit na ang braso niya sa pag kakakabit ni Valentine dito. Maigi na lamang at oras na para sa susunod nilang klase at makakatakas na siya mula kay Valentine.

Isinukbit na niya ang bag sa balikat at inaya na ang mga tropa. Nagpaalam na ang mga tropa niya kay Valentine, samantalang siya ay tahimik lamang na iniintay ang mga ito.

Hindi na siya nag abalang mag paalam kay Valentine at tumalikod na. Ngunit may biglang humili sa kaniyang braso. Pag harap ng katawan niya ay biglang humalik sa kaniyang pisngi si Valentine.

"See you later, kiss." She then winked and left him standing there, stunned. His heart beating so fast and his ears turning red. His friends screaming 'ooooohhhh' in the background.

Para siyang bumalik sa high school na kinikilig sa kaniyang crush. Hindi naman ito ang first time na hinalikan siya ni Valentine. Pero hindi pa rin talaga siya nasasanay sa mga surprise attack nito.

"Sana all, hinahalikan sa pisngi!" Malakas na sigaw ni Harry.

"Sana all!" dagdag pang hiyaw nina Rick at Wendell.

Napahawak na lamang siya sa kaniyang pisngi at umiling. Binilisan na niya ang lakad dahil inaasar na naman siya ng mga ugok na kaibigan.

His heart is still beating so fast kaya napa mura na lamang siya.

Hindi na siya magpapaka-ipokrito, he fuckin likes her kiss. Sino bang lalaki ang hindi magugustuhang mahalikan. He knows that this is bad, na unti-unti na siyang may nararamdaman para kay Valentine. But he needs to be cautious, maigi nang may defense pa rin ang puso niya.

Binilisan na niya ang lakad papunta sa kalse upang maiwasan ang nakakainis na kantyaw at asar ng mga gago niyang tropa. Ni hindi na nisy aito nilingon at nagdere-deretso na lamang ng lakad

He hurriedly sat down unto his chair and brought out his notes, Buti na lamang at dumating ding kaagad ang prof nila at nag simula nang mag lecture.

Habang nakikinig ay hindi niya maiwasang maisip si Valentine. That weird girl is slowly creeping inside his heart and mind. She slowly invades his system and it's gonna be bad for him.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3

Yaassss! Eto na yung last chapter doon sa dati kong account!!! So yung next na nito yung updateeee!! Next kong gagawin ay mangalap ng readers sa fb.com hayzzxx hassle beshhhh

anyways enjoy reading kung sino man kayong nagbabasa. Pa vote at follow na din kung may time kayo.

Gleivia <3

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now