May mabangong halimuyak ang kanyang naamoy, amoy cotton candy. Pag lingon niya ay kaunting distansya na lamang mula sa labi nang taong nakayakap mula sa likuran niya.

Lumawak ang mata niya nang mapagtanto niyang si Valentine pala ang taong sumugod sa likuran niya at niyakap siya. Naka uniporme ito na pang law student, naka fishtail braid naman ito ngayon.

Nang tumingin siya sa mukha nito ay nakita na naman niya ang matamis na ngiti ni Valentine. Hindi niya alam pero tila lumakas ang tibok ng kanyang puso. Nakatingin lamang sila ni Valentine sa mata ng isa't isa. Corny man pakinggan pero biglang parang naging sila na lamang ang tao sa mundo.

Ni hindi nila narinig ang eksaheradong tikhim at ubo ni Harry. Sina Rick at Wendell naman ay naka awang pa rin ang mga bibig habang tinitingnan ang dalawang tao sa harapan nila na tila may sariling mundo.

Dahan dahang bumaba ang tingin ni Saint sa labi ni Valentine. Nang mapansin ni Valentine iyon ay ngumuso ito sa kanya. Nakita lahat iyon nang tatlo, kaya akala ng mga ito na hahalikan ito ni Saint. Pero nilagay ni Saint ang malaking palad sa mukha ni Valentine at nilamukos dito.

Inis na inilayo ni Valentine ang mukha sa palad ni Saint at hinawakan ito.

"Domestic Violence ka hubby ha!"Pang aakusa nito kay Saint habang hawak pa rin ang palad ni Saint na inilamusok nito sa mukha niya.

"Wala tayo sa bahay, kaya paano naging domestic violence iyon?" babawiin na sana niya ang kamay niya mula kay Valentine nang ipagdaop ni valentine ang palad nilang dalawa.

" Hindi ba't pangalawang tahanan ang eskwelahan. So technically, domestic violence still counts." she smugly said. Napapailing na natawa na lamang si Saint sa pagiging witty nito. Rinig din ang pagpipigil ng tawa ng tatlo mula sa background.

Napangisi na lamang siya sa idinahilan nito. 'Well, her reasoning is kind of witty tho' banggit niya sa sarili at saka nag kibit balikat na lamang dito.

Umupo na si Valentine sa tabi niya habang hawak pa rin ang kanyang kamay. Ang kabilang braso naman nito ay iniyakap din sa hawak nitong kamay niya. Mukha tuloy koala si Valentine at ang braso ni Saint ang kawayan.

Nang tumingin si Valentine sa kanyang harapan ay nakita niya ang tatlong lalaking naka awang ang mga labing nakatingin sa kanila. Hindi niya ito napansin kanina dahil focused lamang siya sa kanyang hubby na isang linggo na niyang hindi nakikita. Ngumiti siya ng matamis sa mga ito at kumaway.

"Hello!" She cheerfully said to them while smiling very sweetly.

"h-hi." Hindi pa rin makapaniwalang bati nina Wendell at Rick. Nakangiti lamang si Harry dahil kilala na naman niya si Valentine.

"Pare, ipakilala mo naman kami." asik sa kanya ni Harry

"Wendell, Rick, Harry, meet Valentine. Valentine, meet Wendell, Rick, and Harry." bagot na sabi ni Saint. Ni hindi man lang itinuro kung sino si Wendell, Rick o Harry

"I'm Mary Valentine, Saint's wife!" sabi naman ni Valentine at naki pag handshake sa tatlo.

"Wife?" naguguluhang tanong ni Wendell.

"Siya yung sinasabi ko sainyong chicks ni Saint na pinakasalan niya sa marriage booth." sabi nito sa mga kaibigan. Bumaling ito kay Valentine ay nakipag handshake.

"Harry nga pala, ako yung bestman sa kasal-kasalan niyo ni Saint. Kababata niya din ako kaya pag kinasal kayo for real ay ako din ang best man." magiliw na sabi nito kay Valentine.

"I like you na Harry! Dahil diyan ay may pabalot ka nang handa sa reception namin ni Saint hubby!" Nag apir pa ang dalawa.

Nakangiting napapa-iling na lamang si Saint dahil sa kabaliwan ng matalik niyang kaibigan at ng weirdo na si Valentine.

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now