Kabanata 107: I Fell in Love with My Bestfriend

Start from the beginning
                                    

"Ayan naka post na, na-tag ko na kayong dalawa." natatawang sabi ni Marie kay Ella.

"Burahin mo." inis na sabi ni Ella.

"Okay lang iyon babe." natatawang sabi ni Lance at niyakap nito si Ella ng akmang hahablutin nito si Marie.

"Dapat hindi ka pumayag." sabi ni Ella kay Lance. Pero tinawanan lang siya ng dalawa.

"Hi Ella. Hi Marie." bati ni Tiffany hindi nila namalayan tatlo na nakalapit na pala ito kasama si Ramon na nakaakbay kay Tiffany.

Pasimpleng bumitaw si Ella kay Lance pero hinigpitan ng lalaki ang pagkakayakap sa kanya.

"Papasok ka pa lang? Hindi ba alas-syete ang pasok mo?" tanong ni Marie, alas otso na ng mga oras na iyon at dahil wala naman teacher sila Ella ng first subject kaya pumasok sila ng late gayundin si Lance na may meeting naman ang first subject teacher nito.

"Mamaya pa rin ang pasok ko. Maaga pa nga masyado, kaso hindi ko nasabihan si Ramon. Nasundo niya ako ng maaga sa bahay, kaya ito maaga kami." nakangiting sabi ni Tiffany.

"Kami din kasi. Baka excited din ang mga teachers at admin sa one-week trip sa El Paradiso. Two weeks na lang kasi makakapunta na tayo doon." excited na sabi ni Marie kay Tiffany.

"Kaya nga e. Hi Lance, nakita ko iyong painting niyo ni Ella sa second exbihit. Congrats balita ko iyon ang pinaka malaking value. I mean one million pesos lang naman ang value ng painting niyong dalawa." masayang sabi ni Tiffany.

"Salamat. Bonding kasi namin ni Ella iyon. Ayaw nga niya isama, pinilit ko lang siya." nakangiting sabi ni Lance pero napansin nito ang masamang tingin ni Ramon sa kanya.

"Nice move." sarkastikong singit na sabi ni Ramon. Siniko ito ni Tiffany.

"Una na nga kami. Maya kita-kita tayo sa uwian, birthday ko." nakangiting sabi ni Tiffany.

"Talaga so saan ang kainan?" sabi ni Marie.

"Sa karaoke bar malapit lang dito sa Academy. Invited kayong tatlo pakisabihan na rin si Patty." sabi ni Tiffany at hinila nito si Ramon palayo.

....................

"Pare napatawag ka?" tanong ni Ramon ng paghatid niya kay Tiffany sa classroom nito biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Kailangan ko ng baril. Ihanda mo pag-uwi ko." seryosong sabi ni Rod sa linya.

"Oo pare may nakahanda na. Kailan ka uuwi?" nakangising sabi ni Ramon.

"Two weeks na lang. Nagpapalamig muna ako. Ang hayop na Kian nagising na pero pumunta ng Italy para magpagamot." natatawang sabi ni Rod.

"Mukhang madidiskaril ang career ng dahil sayo, mukhang hindi na makakanta." natatawang sabi ni ramon.

"Huwag lang siya uli magpapakita. Tutuluyan ko na siya." maangas na sabi ni Rod.

"Bakit pala two weeks ka pa bago umuwi?" nagtatakang sabi ni Ramon.

"Para surprise." sabi ni Rod napahinto sandali ito bago magsalita muli ito.

"Namimiss ko na sila Ella, shit. Hindi ko matanggap na ganoon lang niya ako kadali ipinagpalit." galit na sabi ni Rod. Nakita niya ang post ni Marie sa social media account nito kanina lang na picture nila Ella at Lance.

"Ano balak mo sa dalawa?" tanong ni Ramon.

"Basta ihanda mo iyong baril may tatakutin lang ako. Sige na pare, hindi ako puwede matagal makipag-usap. Nakabantay si Rico sa mga tawag ko. Tatawagan na lang kita uli." nagmamadaling sabi ni Rod at pinutol nito ang linya.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now