Prologue

6.3K 91 0
                                    

“ohemjiiiiiiiiiiiii! am I in heaven now? what’s this? bakit ang gwapo nang nilalang na ito?”

Magkahalong kilig at tuwa ang nararamdaman ni Hazel ng mabungaran niya ang isang lalaking natutulog sa kwartong kanyang pinasok nang mga oras na iyon. Hindi malaman ni Hazel kung sisigaw ba siya o magtatalon sa tuwa dahil feeling niya nanalo siya sa lotto o higit pa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya ng ganoong kagwapong lalaki at feeling hihimatayin siya sa kilig.

“ bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit panay-panay ang pagtibok ng puso ko? Hazel, stop dreaming. “ ani niya sa kanyang sarili saka kinurot ang kanyang pisngi.

Nang gumalaw ang lalaki sa ibabaw ng kama nito hindi malaman kung saan siya magtatago dahil nanatili siyang nakastock-up at nakakatitig dito. Muling bumaling sa kabilang side ng kama nito ang lalaki at nang mga oras na iyon ay napadilat ito at tumitig sa kanya.

“sino ka? anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? magnanakaw ka noh? “ nagulat na ani sa kanya ni John, ang may-ari ng pad na napuntahan ni Hazel.

“over ka naman sa ganda kong ito magnanakaw ang tingin mo sa akin! “ biro ni Hazel sa kanya  saka tumawa ng malakas

“bakit ka natawa? may nakakatawa ba? “ ani ni John sa kanya

“ wala! “ ani ni Hazel na pinipigil ang pagtawa

“alam mo bang trespassing ang ginawa mong pagpasok sa teritoryo ko? umalis ka na bago pa kita ipahuli sa mga pulis” bruskong sagot ni John sa kanya saka tinulak siya palabas ng kwarto niya.

“teka nga sayo ba talaga ang pad na ito? ang tagal ko dito ngayon ko lang nalaman na may pad dito! “ ani ni Hazel sa kanya

“wala kang paki-alam kung akin ba ito o hindi ang gusto ko umalis ka na dito ngayon din! “ ani ni John sa kanya

“ang taray mo naman! wag mo na akong ipagtulakan aalis ako hindi mo ako kailangan ihatid pa! “ ani ni Hazel dito.

Lumabas ng pad si Hazel sa pad ni John pero muli niya itong kinatok dahil nakita niya ang mga bodyguards ng kanyang ama sa labas at mukhang siya ang hinahanap.

“ Michael, Jayson, James, ahmmmm papasukin mo ako please kung ano man ang pangalan mo hinahabol ako ng mga kidanapper! sige na please. “ ani ni Hazel saka patuloy na kinakatok ang glass door ni John

Naiinis na naiiling na muling binuksan ni John ang pintuan at pinapasok si Hazel. Nagmamadali namang pumasok si Hazel saka nagtungo sa bintana upang silipin kung papunta nga sa pad ang kanyang mga bodyguards at tama nga ang kanyang hinala pumunta ito sa pad.

“ sino ba sila? “ galit na ani sa kanya ni John

“wag mo ako ituturo sa kanila please! “ nagmamaka-awang ani ni Hazel kay John.

Muling napa-iling na pinuntahan ni John ang pintuan upang pagbuksan ang mga nakatok.

“sino kailangan niyo? “ ani John sa mga lalaking nakabarong na tila may kasalang pinuntahan.

“boss, may nagawi ba ditong babaeng matangkad, maputi, chinita at medyo mahabang buhok?“ ani ng isang lalaki.

Napadasal naman ng hindi oras si Hazel ng muli siyang tingnan ni John na parang nang-aasar. Kasalukuyan siyang nakatago si Hazel sa mga kurtina ng bintana at halos ibihis na niya ang mga ito kakasiksik.

“wala boss walang nadayong ganyang babae dito at kung meron man sasabihin ko kaagad sa inyo! “ ani ni John sa mga ito.

Nang maka-alis ang mga bodyguards ni Hazel ay nakahinga na ito ng maluwag.

“ ngayon mawalang galang na kasi hindi ka naman kagalang-galang  pwede ka na sigurong lumayas kasi nasira mo na ang pahinga ko! “ ani ni John sa kanya

“hmppp, talagang aalis ako! bastos! “ sigaw ni Hazel sa kanya saka lumabas ng tuluyan sa pad ni John.

Tahimik na nilakad ni Hazel daan ang patungo sa bahay ng bestfriend niyang si Lizzie upang doon magpalipas ng gabi. Kinagulat naman ni Lizzie ang pagdating niya kung kaya naman binaha siya nito ng mga tanong

“you mean napadpad ka sa bachelor’s pad sa tapat ng mansion niyo? “ ani ni Lizzie sa kanya

“oo bakit? sino ba yung lalaking yun na napakataray at brusko? “ ani ni Hazel sa kanyang bestfriend.

“hindi mo kilala gosh girl si John Bautista yun ang pinaka sa lahat ng pinaka gwapong lalaki sa socialite world.” ani ni Lizzie sa kanya na kinikilig habang nagsasalita.

“sows, yown hindi ko siya feel! “ palusoi ni Hazel saka nahiga sa kama ng kanyang bestfriend.

“girl, alam mo bang wala pang babaeng nakakapasok sa kanyang pad even gis girlfriend na si Candy. “ ani ni Lizzie sa kanya saka tumabi na din sa kanya sa kama

“may girlfriend yun?” ani ni Hazel sa kanyang kaibigan

“ oo girl at kasal na lang ang kulang perfect couple na sila! “ ani ni Lizzie na kinilig ng sobra sobra.

“ang suwerte ko pala kasi ako ang unang nakapasok sa pad niya! “ ani ni Hazel sa kanyang isipan dahilan upang sumilay sa kanyang mga labi ang isang pilyang ngiti

“oh bakit napangiti ka dyan? “ ani sa kanya ni Lizzie

“ wala! “ ani ni Hazel sa kanyang kaibigan saka tinalikuran ito.

Napapangiti siya sa tuwing maalala niya ang reaction ni John nang makita siya nito sa kwarto nito. Sumagi din sa isip niya ang nakita niya at hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman parang lumulutang ang kanyang kinahihigaan

“ ang suwerte mo Hazel Choi, minsan ka lang makakita ng gwapong lalaki naka-jackpot ka pa! pak! pak! “ ani niya muli sa kanyang sarili saka may ngiting ipinit ang kanyang mga mata. Parang hindi niya kayang matulog dahil laman ng kanyang isip ang gwapong mukha ni John Bautista.

The Status Series 1: Fixed MarriageWhere stories live. Discover now