Wizard's Tale 2: Chapter 10

Magsimula sa umpisa
                                    

I kept my composure. Bawal mataranta! Ang tagal kong pinractice 'to kaya focus lang ako. Dahan-dahan kong idinirekta ang hangin sa east-side ng circle.


"Next to the South, by the Power of Fire."


Wag matakot. 'Yan ang bilin sa akin ni Lolo Lorcan kaya nagmatapang talaga ako. With the word FIRE on my mind, I raised my energy para sabayan ang elementong ito.

Nakaramdam na nga ako ng something hot sa kamay ko hanggang sa may nag-spark at lumabas ang apoy. Nagsimula nang mabuo ang isang fireball sa kamay ko at, "To south of the circle." Maayos ko itong naidirekta sa nararapat nitong pwesto.

Huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na ang momentum ko!


"Then to the West, by the Power of Water."


Inisip ko si Prince Rouel—I mean 'yung ginawa niya para magpalabas ng tubig. And speaking of tubig, nanunuyo na ang lalamunan ko kaya nag-isip ako lalo ng tungkol sa tubig.

Tubig. Tubig. Tu—Too big! Okay, alam kong wala sa lugar na mag-joke ngayon but the tubig is really too big noong namuo ito sa kamay ko! Pero hindi ako pwedeng mabigo. I directed it at the west-side of the circle.


"And we ended at the North, by the Power of Earth."


Last na 'to kaya sana makisama ang Element of Earth! Nakayuko na lang ako, nakapikit at nagdarasal na sana magawa ko rin ang ginawa ni Kerria. Pagmulat ko sa mata ko, "Aray!" Napuwing ako.

At masakit siya sa mata pero natuwa pa ako! 'Yun ay dahil nasa harapan ko ang isang successful formation of the Earth Element! I slowly directed it to the north-side of the circle.

Finally, I completed the summoning of the four elements! Kaso imbes na magsaya, nag-question mark lang uli ang mukha ko. "Now what?" Kailangan ko pang gawin 'yung pinakahuling ginawa ni King Hollace. "Pagsasamahin ko na 'yung apat na elemento."

Ang kaso, hindi pa ako nakakahingi ng advice mula sa Hari. Hindi ko alam kung ano at paano ang gagawin ko!

"Kung kailan naman nasa climax na, bumalik pa sa conflict!" Sobrang na-badtrip talaga ako at wala akong nagawa kundi pabayaan muna yung orbs of Elements na nakatiwangwang. I stepped out of the circle—which was a very big mistake!

The mechanics of casting a circle: You start with an Invocation, Summoning with Manipulation, and end it with Banishing. Para mas simple, kung ano ang sinimulan, dapat tapusin!

Once you start performing inside a circle at pinabayaan mo ito without even banishing the energies that you summoned, it might backfire on you. "Lagot na..."

The four orbs started moving in an unusual manner. Para itong mga time-bomb na nagbabadyang sumabog at sa sobrang takot ko, nakalimutan kong tumakbo palayo.

*boooooom!*

Nabingi ako sa sobrang lakas ng pagsabog at halos nabulag sa sobrang liwanag. I definitely felt the impact pero hindi grabe. That's because someone saved me.

"Mahal na Prinsesa..."

Napatingin ako sa kanya. Gumamit siya ng black barrier para hindi ako masaktan. Pero kitang-kita ko na malala ang naging epekto sa kanya ng pagsabog dahil iniharang niya ang kanyang sarili para sa akin.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon