SURVIVAL 0

18 1 1
                                        

A woman is experiencing an unknown headache and other sickness. Madalas itong nerbyosin kapag nakararanas siya ng sakit ng ulo, lalo na kapag wala itong makausap na pwede niyang mapagsabihan. Napagdesisyonan nilang mag-asawa na manatili muna siya sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid upang may makausap ito kahit papaano.

Sa kabilang banda, maiiwan ang 17 years old na babae kasama ang kaniyang tatay, ate at kuya.

Wala sanang problema maliban na lamang sa hindi siya marunong magsaing, magluto at hindi gaanong kagalingan sa paglalaba.

Matatawag itong oa para sa iba pero para sa babaeng iilan lamang ang alam gawin sa bahay at palaging nakadipende sa kaniyang ina ay napakahirap nito. Kayanin kaya niya?

~*~

"Ba-bye." Hinalikan ko muna sa pisngi si Mama bago siya lumabas ng bahay upang sumakay sa kotse at mag-stay muna sa mga kapatid niya.

Ang sabi niya sa amin last week, maybe last month ay palagi raw sumasakit 'yong ulo niya. Palagi rin daw siyang ninenerbyos at hindi makatulog. Nakakausap naman namin siya paminsan-minsan para mailihis 'yong pag-iisip niya ng kung ano-ano pero saglit lamang iyon. Hindi katulad kapag doon siya sa mga kapatid niya, marami silang pwedeng maikwento sa kaniya. Mga chismis, chika gano'n.

"Ate, hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kapatid kong kumukuha ng damit upang maligo.

"May kanin ba?"

"Meron."

"Sige magluluto ako mamaya. Himasin mo muna 'yong kanin, maliligo lang ako nang mabilis." Umalis na ako sa kwarto niya at sinimulang himasin ang kanin na sigurado akong gagawin niyang kimchi fried rice mamaya.

Gaya nga ng sinabi niya ay mabilis lamang itong naligo. Inihanda na niya ang mga kakailangin niya habang ako naman ay nagtimpla ng malamig na milo.

Nag-cellphone muna ako pagkatapos kong magtimpla ng milo dahil alam kong matagal-tagal pa 'yong fried rice.

"Oh luto na, kumuha ka na."

Kumuha ako ng mangkok at sumandok ng kanin at saka muling naupo sa upuan. Sabay-sabay kaming kumaing tatlo kasama si kuya.

"Kapag may natitirang kanin niyan palaging ganito kinakain natin." sabi ko.

"Oo nga, palaging fried rice niyan."

Hinugasan ko na ang mga plato't kutsara habang si ate ay mga kawali ang hinugasan. Nagtoothbrush na rin ako at umakyat na sa kwarto ko sa taas dahil may kausap pa si ate ko. Pinaalalahanan ko na lang siya na patayin ang mga ilaw at tanggalin ang pagkakasaksak ng electricfan.

"Oo na, oo na. Chill." sagot nito dahil sa tuloy-tuloy na bilin ko habang paakyat ako sa hagdan.

Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko, binuksan ang electricfan at nahiga agad sa kama. Nagscroll lang ako sa fb habang inaantay na mag-11 ng gabi. 'Yon kasi ang oras nang pagtulog ko.

Pinatay ko na ang ilaw pagsapit ng 11:00pm at nagdasal bago ako pumikit upang matulog.

Kaya ko 'to. One week lang naman.

A Challenge: Help Me, Mom!Where stories live. Discover now