~ KATANUNGAN

79 67 2
                                    

𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘: ClumsyPisces

" KATANUNGAN "

Noong nagsimulang lumubog ang araw, humalik sa aking balat ang hanging sobrang ginaw. Ang lawak ng karagatan ay aking abot-tanaw. Sa gitna ng kadiliman ang mga bituin ay lumitaw na naging saksi na sa'king puso't-isipan ikaw at ikaw pa rin ang sinisigaw.

Heto na naman ako sa isang tabi nakaupo. Nalilito't naglalaban ang isip at puso. Nakatulala at 'di alam ang gagawin, dapat bang ipaglaban o iwasan ang damdamin? Hindi maintindihan, pilit na sinasagot ang mga katanungan...

Mahal sabihin mo nga,

Bawat ala-ala ba'y ibabaon nalang sa lupa?

Bawat masasayang araw na kasama ka'y kalilimutan ko na lang ba bigla?

Paano ba kalimutan ang ating nakaraan? Nakaraang patuloy ko pa ring 'di mabitaw-bitawan.

Paano ba ang humakbang ng tuluyan at walang pag-aalinlangan?

Parang hindi humihinto ang kamay ng orasan. Sa bawat araw na nagdaan ay patuloy pa rin akong nahihirapan. Bakit ang hirap gawin, ang iwasan ka't 'di na muling isipin?

'Di ba sabi mo tayo hanggang dulo?
Heto na ba ang sinasabi mong dulo mahal ko? Mga pangakong sabay nating binuo, pangakong hindi na rin ata magkakatotoo—ngayong wala na tayo.

Lahat gagawin ko para sayo ngunit masakit dahil kahit anong gawin ko wala pa ring nagbabago.

Saan tutungo ang landas ko?
Paano ako didiretso kung ikaw rin lang naman ang mundo ko sa puno't dulo?

Ang dami kong katanungan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot-sagot ng mabilisan.

Ilang ulit na akong nasaktan ngunit bakit hindi pa rin ako natututo ng tuluyan?
Ilang beses na ako iniwan ngunit tila patuloy pa rin akong naghihintay sa wala ng kasiguraduhan?

Sa kabila ng sakit at pighating aking nararamdaman ay kailangan ko na bang tanggapin ang katotohanan—katotohanang wala na akong babalikan?

Ngayon sa huling sandali ay nais kong tanungin sayo ang bumabagabag at naging dahilan ng labanang nangyayari sa isip at puso ko.

Aasa pa ba ako sa pagbabalik mo o sasanayin ko na ang sarili ko na humakbang papalayo... at walang bakas na nanggaling mula sayo?

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon