~KISAP MATA

177 90 18
                                    

Dedicated to: All our Heroes frontliners

𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘: jasmintenebro'

' KISAPMATA '

Nakikita mo ba ang mga bagay na dapat mong makita? Pumikit ka, naririnig mo ba ang bawat segundo ng iyong paghinga o ang malayang
pag-agos ng iyong mga luha?

Nararamdaman mo ba na sa gitna ng tahimik na mundo'y bakit hindi payapa?

Sa bawat araw, buwan o taong lumilipas, iba't-ibang unos ng trahedya ang sati'y 'di pinalalagpas. Paulit-ulit na sati'y humahampas; sakit, pighati at pangamba ang ating dinaranas.

Sa gitna ng pandemya o ng kahit ano pang sakuna, hindi na maiiwasan ang takot at pangamba—pangambang umuusbong sa puso ng bawat isa.

Paano na ang bukas o sa makalawa?

Paano 'pag ang hirap ay hindi na natin
kinaya?

Pa'no na ang ating mga minamahal at pamilya?

Paano ba tayo magkakaisa sa panahong kailangan ang isa't-isa?

Isa, dalawa, tatlo...
Sa lahat ng pangyayaring ito, pakiusap imulat mo ang mga mata mo. Piliin mong umunawa imbes na magreklamo. Hindi ito ang oras para magtigas ka ng ulo.

Magmasid ka nga sa paligid mo, isipin mo ang mga taong nasa unahan at nagsasakripisyo para sa ikakabuti mo at ng buong mundo.

Nakikita mo ba ang halaga ng mga taong nagbibigay serbisyo para sa kapwa ? Mga taong buwis buhay na nangunguna sa pagtulong at paghahanap ng solusyon sa problema. Sinusuong ang sakuna na ni mismong sariling kaligtasan nila'y 'di na inalintana. Nakangiti ang mga mukha ngunit mababakas ang pag-aalala sa kalagayan din ng pamilya. Malaki ang ginagampanan nila kaya dapat lang nating ipagmalaki at bigyan sila ng importansya.

Napakarami na ang ating napagdaanan ngunit patuloy pa rin tayong lumalaban. Lahat naman tayo nahihirapan ngunit magtiwala lang tayo na ito'y ating malalampasan. Paulit-ulit man tayong sinusubukang sakupin ng kadiliman ngunit nanaig pa rin ang liwanag at pagbabayanihan.

Maniwala ka na may magagawa ka!

Magtiwala ka sa ating Puong Maykapal na Dakila.

Mahalaga na tayo'y manalig at manampalataya.

At sabay-sabay nating pagmasdan ang pagdating ng bagong umaga kasabay ng pag-usbong ng bagong pag-asa. At asahan mong ang lahat ng ito'y mabubura sa isang KISAPMATA.

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon