On This Day

23 6 3
                                        

: Kindly listen to Akin Ka Na Lang by Morrisette Amon

~~~

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Limang hakbang na papalapit sa direksyon ko ang maririnig. Mahaba at puting-puting tela ang sumasayad sa lapag habang siya'y naglalakad.

At kahit nakatakip ang mukha ay nakikita ko ang napakagandang ngiti sa kaniyang mga labi.

At ang mga matatamis na ngiting 'yon ang nagpabalik sakin sa mga panahong pinagsamahan natin.

Pinagsamahang nagpalapit ng aking damdamin sa iyo.

Mula sa pagtakas sa iyong amang nananakit.

Sa masayang pagtakbo at pagligo sa ilalim ng malalamig na buhos ng ulan.

Sa pag-akyat ng bakod ng eskwelahan.

Hanggang sa oras na una kitang napatahan sa pag-iyak.

Hanggang sa panahong ang mga halakhak mo ang tanging musikang laging nais kong marinig.

At unang beses tayong nakapunta sa mga paboritong lugar.

Nababaliktanaw ko, may isang lugar tayong hindi inaasahang narating, napakaraming ilaw ang makikita sa paligid, ngunit tanging ngiti mo ang nakasilaw saking damdamin.

Tama, noon pa ma'y napakaganda mo na.
Talagang napakaganda. Napakaganda ng babaeng minamahal ko sa suot nitong puting kasuotan hawak ang paboritong bulaklak.

Sa bawat patak ng tubig sa'yong mata, mga pangarap ko kasama ka ang aking naalala.

'H'wag ka sanang umiyak sa araw nato',...

'Yan ang dalangin ko. Dahil hindi ako maaring tumakbo papalapit sayo at punasan ang luha mo. Pero ang pag-iyak mo, alam kong kaligayan at bugso ng damdamin ang dahilan, kaya naman hindi kita pipigilan.

Umiyak ka lang...

hahayaan kita...

Hahayaan lang kita...dahil sa araw na 'to.

Ang araw na pinakahihintay natin, araw kung saan ang lahat ay mananahimik,

ngingiti,

at titingin sa'yo.

Ang araw kung saan ang lahat ay mapapahanga sa taglay mong ganda.
Sa araw na ang bawat hakbang papalapit ay hakbang para sa bagong yugto.
Ang araw  na magtutuldok sa paghihintay ng tamang panahon...

...tamang panahon na napakatagal hinintay. Para sa nagsusumigaw na puso,...

"I love you" bigkas ko sa hangin, habang nakatingin sayo.
"Love you, too" sagot mo rin sa hangin at ngumiti.
Tunay kang maganda. Higit sa araw na'to.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Heto na. Kaharap ko na. Kaharap ko na ang babaeng pinakamaganda sa aking mga mata.

"I love you..." Muli kong bigkas pero ngayon, kaharap na kita at naririnig mo na ako.

Ito na ang araw para magtapat ng pagmamahal.

Ang babaeng mahal ko,
Nakaharap nasakin ngayon...
at nakangiti.

"Salamat, Kuya."
Nasa harap ko na ang babaeng minamahal ko. Pilit kitang nginitian at pinahid ang luhang umaagos sa'yong pisngi.

At sa'king pisngi...

...lumipat ang mga luhang 'yon.
.
.
.
Kuya...

Kuya... Tama.

Ang apat na letrang iyon. Ang isang katagang iyon. Ang apat na letra at isang salitang iyon ang naging hangganan ng tinig ng tadhana ko sayo.
Ang tanging panghahawakan ko at laging panghahawakan.

"Don't worry, I know you'll be happy." Nakangiti kong sabi sayo.
Then I kissed you...

In your forehead...

...as always.

And hug you as tightly as I can.

Dahil ito na ang araw kung kailan ang paglapit sayo ay magwawakas.

Ang araw kung kailan ang pagpahid sa susunod na luha ay sa ibang palad mo na makukuha.

"Take care of her." Iniabot ko ang kamay mo sa lalaking susunod mong mamahalin...mamahalin ng mas higit sa kaibigan mo, higit sa itinuring mong kapatid...
.
.
.
Ako.
.
.
.
Ito na ang araw at oras.

Itinaas ko ang aking pagtingin, umaasang ang mga tubig sa mata'y hindi tuluyang dumaloy.

"Whoever object this wedding shall now speak or forever be silent."

Ito ang araw kung saan ang pananahimik ng pusong nagwawala ....

...ang magiging dahilan ng pangwalang hanggang kaligayahan ng babaeng minamahal nito.
.
.
.
Ito ang Tama
.
.
.
Ito ang tama pero hindi ko pa Rin maiwasang hilingin na...
.
.
.
Sana ako na lang...
.
.
.
Sana sa'kin na lang...
.
.
.
Sana tayo na lang.

Sana tayo lang.
.
.
.
Dahil sa loob nang ating mga pinagsamahan nakalimutan kong hindi lang tayong dalawa sa mundo.
Sa mga panahong tinitignan kita, mga panahong hinahabol ko ang iyong bawat sulyap at ngiti ay may kasama tayo.
Hindi lang ako ang umiibig sayo,
Kasama ang kapatid ko.
Na sa bawat takbo ng panahon,
Unti-unti na pala akong naiiwan sa likod.
Hanggang wala na pala.
Sa takot ko na masira ang pagsasama,
Pinili ko ang magparaya.

.
.
.
Napapikit aking mariin. Inihanda ang sarili sa susunod na maririnig.
"I do."

Ito araw kung kailan ang kataga sa simbahan ay kayang pumatay...

"I now pronounce you..."

...ng walang dugong pinapaagos...

" HUSBAND and WIFE."

...maliban sa Luha.
.
.
.
Pilit kong tinutuyo ng panyong regalo mo sa'kin ang tila ilog sa patuloy na pag-agos at ayaw maubus na mga luha.

Hindi ko na alam kung ano o para saan pa ang pagluha ko.
Hindi ko maintindihan bakit kumikirot pa rin kahit matagal ko nang tinanggap

Sadyang napakasaya mo sa araw na'to. Napakatamis ng mga ngiting iginagawad mo sa lahat. Ngumiti ka rin sa akin at kumaway.

"Ahh, tama. Minsan din akong humiling sa bituwin sa kalangitan. Na minsan sanang ang pangalan mo ay madugtungan ng aking apilyedo."

Ayaw tumigil ng luha. Higit pa itong umaagos.
.
.
.
Cause I know, that the wish came true.
But not the way I wanted it to be.

Ang mga ngiti at kasiyahan mo. Ang lungkot at pagkasira ng puso ko. Kahit tanggap ko nang hindi na ako ang makakasama mo sa huli.
Hindi ko pa rin kayang hindi pigilan ang maiinit na tubig na hindi umagos.

On this day, I handed the woman I love and watch her married another man.

Pilit akong ngumiti pero sa totoo lang...
.
.
.
Sa totoo lang gusto kitang bawiin...
Yakapin...
At hangkan at sabihin...

"Jamila Flores–, Akin Ka Na lang."
~~~~
'(Thank you! <3 )

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

On this DayWhere stories live. Discover now