CHAPTER 6

8 0 0
                                    


MICAELLA

Panibagong araw na naman. Mamumroblema na naman ako sa lecheng retreat na yun. Sarap pektusan ni sir Galvez sa noo! Psh.

"Hoy Micaella Sebastian! Na-rape ka ba at ganyan ang muka mo?! May sakit ka ba?" Pagtatanong ni nanay. Hindi ko naman masabi sakanya yung tungkol sa retreat at ayoko namang mamroblema pa sya. Kaming magaganda,  hindi sakit sa ulo. *winked*

"B-binaboy nila ko.. P-pinagsmantalahan nila ang kahinaan ko.. M-madumi na ko n-nanay! Huhuhuhu" nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ni nanay

"M-mga w-walanghiya sila!! Sino ang bumaboy sayo anak?! Sino mga gago sila!! Anak sabihin mo ang may gawa sayo ni--

"Joke lang nay! Hahahahahahaha. Hindi na kayo mabiro. Hahahahahahaha!" Hindi ko mapigilan ang tawa. Grabe ang nanay ko. So ganun pala magiging reaksyon nya pag na-rape ako. Bigla namang umusok ang ilong ni nanay at inihahanda ko na ang tenga ko sa armalite nya

"WALANG HIYA KA TALAGA MICAELLA!! KAKALBUHIN KITA HAYOP KA!"

Hindi ko na tinapos ang pag rarambo ni nanay at pumunta na ko sa banyo. Naligo at gumayak na. Gusto kong maaga pumasok. Nag light make up lang ako ngayon. Mahirap na baka lalo akong pagkaguluhan. Dyosa ako ng mga dyosa. Wash day ngayon kaya naka civilian kami.

Nag skater skirt lang ako at isang crop top. Perfect! Damit pamasko ko 'to nung nakaraan. Nung mga panahong uso pa ang skater skirt. Mga feeling magaganda  nagsusuot din nito. Mga hindi naman marunong mag hilod! Paglabas ko ng kanto namin dahil magaabang ako ng jeep nakita ko si Carlo. Yung pinsan ni Jasmine. Naglatinginan kami at kumaway naman sya sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Baka malaglag pa brief neto pag ngumiti ako.

Papalapit sya sa kinatatayuan ko kaya kinuha ko ang baril sa bag ko at binaril ko sya. Ayun, headshot! Pero syempre joke lang yun no.

"Hi Ella!"

Pagbati nya sakin habang napaka lawak ng ngiti nya sakin.

"Micaella ang pangalan ko. Hindi Ella. Okay?" Pagtataray ko sakanya.

"Ang aga aga ang sungit mo. Ngumiti ka naman para lalong lumitaw ang kagandahan mo. By the way anong ginagawa mo dito sa kanto?" Bobo ba to? Sarap kotongan e.

"Ano ginagawa ko dito? Binibilang ko lahat ng jeep na dadaan. Tss, malamang nag aabang ng jeep dahil papasok ako." Lalas maka bobo ng tao ngayon.

"Hahaha! Kakaiba ka talaga Ella. You're one of a kind, sabay ka na sakin. Jan ka lang ha? Wait for me. Kukunin ko ko lang yung big bike ko.

" Ah. So may big bike sya. Sige pwede na din. "Sige para makatipid na din." Sagot ko naman.

Bumalik naman sya sakay ng big bike nya. Ang astig ah, ang gwapo nyang tignan. Pero syempre hindi ko sya pupuriin. Baka magka hudrocephalus to.

"Hop in. Let's go?" Kaya sumakay na ko.

Ang bango bango nya. Tska hindi sya kaskasero mag drive. Gentleman huh.

Nakarating naman kaming ligtas sa university. Nung makababa ako sa big bike nya nag pasalamat lang ako at ngumiti.

"Uy thankyou. Kahit ambaho mo." Tsaka ko sya inirapan.

"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga Ella. Can we be friends?" Aba. Friend request agad?

"Hm let me think.. Sige na nga! Pwede na din!" At ngumiti ako sakanya. Friendly din naman ako no!

"Ang cute mo talaga Ella! Thanks for the friendship! Ihahatid kita mamaya sainyo. Okay ba? Don't say no. What are frieds are for diba?" Nakangiti nyang sabi tsaka nya ginulo ang buhok ko. Ang maganda kong buhok correction.

Naghiwalay na kami ng way kase ibang section sya. Kaya sa kabilang building sya. Naglalakad ako sa hallway ng nakasalubong ko naman si Rheynan. Nagtama ang mata namin at nginitian nya ko. Napaka masayahin talaga nun. Hindi ko na nga nakikita yun sa kanto namin e. E ano nga bang pakelam ko?

Psh. Pumasok na ko ng room as usual mga nakataas ang kilay nila sakin. Sumulpot naman si Sarah sa harapan ko

"So nilalandi mo na pala si Carlo ng section 3?" Iniscan nya ko mula ulo hanggang paa.

"Nilalandi? Hindi ko ata alam meaning nun. Baka ikaw alam mo, turo mo naman sakin?" Bored kong sagot sakanya. Halatang nainis sya sa sinabi ko

"Ang kapal mo din no?! Kala mo kung sino ka! Malandi ka talaga!"

Shoot! Pasok sa tenga ko. Nagtitinginan na samin yung mga cassmates namin. Gusto nya tarayan? Game! That's my forte my dear.

"Lalaki lang yan Sarah. Ay oo nga pala, the last time I check uhaw na uhaw ka sa lalaki." Ngumiti naman ako sakanya at alam kong naiinis na sya sakin. Sasampalin na sana nya ko ng pinigil ko ang kamay nya at ako ang sumampal sakanya

"Wag kang magmamaldita. Pataray ka palang, pasampal na ko!" At tska ko sya iniwan at umupo na ko sa upuan ko. Kay aga aga susubukan nya ko. No way!

"Uy my loves. Ang tapang mo talaga! Kaya crush na crush kita e!" Kahit papano nawala badtrip ko kay Sarah dahil dito kay Anthony. Nakakahawa talaga energy nya.

"Baliw ka talaga." Sagot ko sakanya ang ngumiti. Hindi naman na nya ko kinulit dahil dumating na si Mr. Galvez. Ang panot kong prof.

"Our retreat will be held this coming Saturday. So Im expecting by friday bayad na kayong lahat. Is that clear?"

"Yes sir!" Sagot naman namin sakanya.

Ayan mamomroblema na naman ako. Lintik kase ang mahal. Pwede sana kung 4 gives e. Kaso hindi naman bumbay tong teacher na 'to. Dalawang araw nalang ang natitira at kailangan kong magbayad! OMO! Money, please come to mama!

--
Pano kaya makakabayad si Micaella walang pera? Hahaha. May pasok na bukas! Tapos na bakasyon. Enebeyen -.-

Four letters, one word (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon