CHAPTER 2 (Trouble)

44 2 0
                                    

MICAELLA

Pagmulat ko ng magaganda kong mga mata agad akong pumunta sa banyo ng kwarto ko. Pero syempre joke lang yon! Wala kong kwarto, at wala din akong sariling banyo! HAHAHA. Maganda lang talaga ko. Pero mahirap lang kami. Pero maganda talaga ko. Kontra ka? Pektusan kaya kita?!

Maaga kong gumayak para pumasok. Kailangan kong magsipag sa pag aaral no! Jusmiyo. Mahal ang bigas ngayon. Kaya aral aral muna!!

"O Mica, kumain ka muna hindi yung muka mo na naman inaatupag mo! Kung ano ano na namang kolorete pinaglalagay mo sa muka mo!"

Aga aga bunganga agad. Psh!

"Nay naman. Kay aga aga! Alam mo namang kailangang magpaganda lalo ng anak nyo. Para mas lalo silang mabighani sakin."

Totoo naman kasi. Diba?!

"O sya. Bahala ka, pumasok ka na at baka mahuli ka." Si nanay talaga o. "Opo nay! Mahal na mahal kayo ng dyosa nyong anak!"

Panibagong araw na naman. Wala namang bago e. Makikita ko mga kaaway ko, mga jejegirls na feeling magaganda. Ako lang may karapatan mag maganda no!

Pagdating ko sa classroom, syempre taas noo akong naglalalad papunta sa upuan ko. "So the bitch is here." Malanding sabi ni Sarah. Isa sa mga insecure sakin. Wala e, maganda e. "Oo. Nandito ka na kasi." sabay tawa ng nakakaloko. Umuusok naman ang ilong nya sa galit. Aba, hindi naman ako nagsimula e. Hindi ko nalang sya pinansin at umupo na ko sa upuan ko. Bigla nalang tumabi sakin si Anthony

"Goodmorning my loves! Nakatulog ka ba ng maayos?" Nakangiti nyang bati sakin. "Tse! Don't call me my loves nakaka-irita Anthony, sa totoo lang!" Sabay irap ko sakanya. Pero deep inside natatuwa ko sakanya. Nakakahawa kase yung energy nya e.

Nagsimula na kong makinig nung dumating yung Philosophy teacher ko. Syempre boring ang klase pero dahil matalino ako, makikinig ako ng all ears. Oha!

Lunch namin pero hindi ko makita ang bestfriend ko. Mga classmates kong babae lang ang kasama kobg kumakain dito sa cafeteria. Carbonara lang ang kinain ko, eto lang murang tinda dito e. You know, 50 pesos lang ang baon ko. Pwede na din, maganda naman ako e. (Ano konek)

"Uy Mica, narinig ka naming pinag uusapan nila Chloe sa powder room ah." Sabi ni Vallerie. Isa sa ka-close kong classmate dito sa New Era university. "O talaga? Ganun talaga mga inggitera. I don't mind them." Simpleng sagot ko sakanya. "E parang galit na galit sila sayo e. Naku Mica, ingat ha?" Sabi naman ni Kate. Bestfriend nya si Vallerie. Close din naman kami. "Sus. Mga panget nga naman! Bahala sila. Palibhasa hindi nila ko mapantayan. Psh" Sabay lagay ng face powder at lipstick.

Natapos ang next class ko ng hindi ko padin nakikita ang bestfriend ko. Kahit baluga yun namimiss ko na din yun no! Huling kita namin nung uminom kami. Hayy, bahala nga sya.

Habang naglalakad ako sa hallway para makauwi na, nakasalubong ko ang grupo ni Chloe na titig na titig sakin. Well what's new? Madaming naiinis sakin kase dyosa ko. Whahaha! Hindi nila ko mapantayan. Kontra ka? Sampal bka gusto mo?!

"Hi cheapy girl!" Sabi ni Julie na kaibigan ni Chloe. Kaya naman napahinto ako sa harap ng mga hipon na 'to. "Nandidito na ang nagmamaganda." Sabi naman ni Lady. "Hey bitch, pwede bang tigil tigilan mo pag aangas dito sa school?! Isa ka lang naman na di hamak na scholar kaya ka nakapag aral dito!" Sabi ni Chloe. "Oo nga! Mag maangas ka na kung nagbabayad ka na ng tuition dito. Right girls?" At nagtawanan silang lahat. Hindi padin ako umiimik dahil una sa lahat, wala kong pakielam. Pangalawa, wala kong pakielam, at pangatlo, wala kong pakielam. "Ano hindi ka sasagot? Masyado kang malandi. Manang mana ka talaga sa nanay mo!!"

Then shoot! Nagpintig na ang tenga ko sa narinig ko.

"E gago ka pala talaga e!" Hinablot ko na ang buhok ni Chloe habang sinugod na din ako ng mga alipores nya. "How dare you to touch my hair you bitch!" Sigaw nya. "And how dare you to say that to my mom!" Kala nya papatalo ako? Wag nya kong englishin. Baka samain sya sakin! Nakuha namin ang atensyon ng ibang estudyante.

Hanggang sa dumating na yung dean para awatin kami. Nagka pasa at kalmot tuloy ako sa muka. Pesteng mga babaeng yon! Nabawasan tuloy ang kagandahan ko. Konti lang no!

"Ms. Sebastian! I did'nt expect you can do this kind of sh*t! Im so dissapointed to you!" Galit na sabi ni Dean Castro. "But sir, Im just defending my self! Sila Chloe po ang nauna sir!" Pagpapaliwanag ko. Aba, sila naman talaga nauna no! "How dare you to say that! You stupid liar! Ikaw ang naunang humatak ng buhok ko!" Giit nman ni Chloe na gigil na gigil. "The nerve! Hindi na nga nagbabayad ng tuition ganyan pa inaasal!" Sabi naman ng alipores nyang si Lady. "Shut up! Nakakahiya kayong dalawa! I won't tolerate your attitude! The two of you, one week suspension. You understand?!" Galit na galit si Dean. Bwisit na Chloe to! Gusto ko syang kalbuhin!! "But si-- no more buts Ms. Sebastian! Get out of my office now!" Uughh! Shit lang. Tinignan ko ng masama sila Chloe ng lumabas kami sa office ni dean Castro. Naka ngiti pa sila ng pang asar! Hindi ako pwedeng ma suspend. Masyado akong mahuhuli sa lessons! Palibhasa mga bobo sila kaya hindi naiisip ang pag aaral. Psh! Wow. As in wow!

Umuwi ako ng puro kalmot at pasa ang muka ko. Ang napaka ganda kong muka correction. Nagpalit ako agad ng pambahay at naglinis na ng katawan. Isang linggo akong matetenga sa bahay. Ugghh!

Nakita ko si nanay na naghihiwa ng mga gulay sa kusina. "Nay mano po." Pagbati ko. "Pambihira Micaella! Ano yang nasa pagmumuka mo?!" Sigaw ni nanay sakin "Malamang kalmot nay. Muka bang tattoo? Tss." Inis kong sagot. "Aba namimilosopo ka pa! Napaka hilig mo talagang makipag away! Kumain ka na. At matulog para maaga kang makapasok bukas." Hindi ko pa nga pala nasasabing suspended ako. Paniguradong mag su-super sayan si nanay neto. Pano kaya? OMG! "Eh n-nay? M-may s-sabihin p-po s-sana "Kelan ka pa nabulol Micaella? Ano may aaminin ka? Sabihin mo na."

Naghahain na si nanay ng kakainin namin. Kinakabahan talaga ko! Bahala na nga si Captain Barbel "E nanay, ano.. kasi.. suspended po ako ng one week. Hehe." Nag peace sign pa ko pagtapos "ANO?! SUSPENDED KA!? AT ISANG LINGGO?! ABA MICAELLA HINDI AKO NAGPAPAKAHIRAP MAG LABANDERA PARA LANG MAKIPAGAWAY KA! SA BUONG PAGAARAL MO NGAYON KA LANG NA SUAPINDE!!" Ayan. Sabi na e, nag super sayan na si nanay. "E nay, 17 lang po ako. Teenager kaya normal la-- "TUMIGIL KA SA KATWIRAN MO! NAKU MICAELLA! MASASAKAL KITA!" Uwaaahhh! Tiklop talaga ko sa nanay ko kahit anong taray ko. Lord please help me!

Kinabukasan pag gising ko wala na si nanay sa higaan namin. Kaya minabuti kong lumabas ng apartment na tinitirahan namin para hanapin si nanay. Sakto namang nakita ko sa kabilang pinto si Mang Otep na nagkakape.

"Mang otep! Napansin nyo ho ba ang nanay ko?" Pagtatanong ko. "Ang nanay mo ba Mica?" Sagot nya. "Ay hindi. Baka po kayo hinahanap ko. Mang otep! Mang otep nasan kayo? Psh. Malamang si nanay po!" Totoo naman e. Nagtanong ako tinanong nya din ako. Nakakabobo nemen! "Nako Mica! Pambihira ka talaga. Tinawag sya kanina ni Susan at magpalalaba daw." "Ahh. Ganun po ba? Salamat mang otep." Humarap muna ko sa salamin namin para tignan ang maganda kong muka. Namumula padin ang muka ko dahil sa kalmot ng mga hipon na yun sa muka ko. Lumabas ulit ako para pumunta kila ka Susan para puntahan si nanay.

Habang naglalakad ako sa kanto namin may narinig ako ng pagsutsot. "Pst! Hoy!" Aba lintik to ah. "Hoy ikaw!" Hindi na ko nagpapigil at nilingon ang lalaking tumatawag sakin. "Gago ka din e no? Hindi hoy ang pangalan ko!" Pagsabi ko sa lalaking nasa harap ko. Na sa tantya ko ay ka-edaran ko lang sya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapupulang labi. Fuck! Ang manyak ko! Erase erase! "Ang sungit mo naman miss. Ang ganda mo pa naman." Sabi naman nya. "Alam kong maganda ko! Sino ka ba? At hoy ka ng hoy?!" Then I just rolled my eyes on him. The nerve! "Bago lang kasi kami dito sa lugar nyo. Wala pa kong kakilala, tamang tama gusto kong mag lakad lakad kaso nakakita kong anghel na bumaba sa lupa kaya tinawag kita." Ngumiti naman sya ng sobrang lapad. Impernes pogi tong si abnormal na to ah. "K" tipid kong sagot. At nagdire-diretso na ko sa bahay nila Ka Susan. Narinig ko pang nag ho-hoy na naman ying abnormal na yin pero hindi ko nalang pinansin.

Ano kaya pangalan nya? :)

Four letters, one word (ON-GOING)Where stories live. Discover now