CHAPTER 4

20 1 0
                                    


MICAELLA POV

Ala sais pa lang ata pero gising na ko. Excited na kung excited! Nakakabagot kaya ng isang linggo ka lang nasa bahay. Psh. Namimiss ko na mag aral. Nagmadali akong gumayak at nagpaalam na ko kay nanay.

"O gising ka na nak?" Pagbaba ko nakita ko agad si nanay na namamalantsa ng uniform ko para sa susunod na araw.

"Ay hindi nay, hologram ko lang 'to." Sagot ko naman.

"Ayos ka rin no? Umayos ka Micaella baka samain ka sakin." Hala. Nagbibiro lang naman ako e. Highblood na naman tong nanay ko! Niyakap ko si nanay mula sa likod nya.

"Si nanay naman. Kalma lang, chill. I love, you!" Sweet ko no? Syempre kami nalang magkasama sa bahay mag lolokohan pa ba kami.

Paglabas ko ng bahay namin, nakita ko agad si Cassandra. Pero bakit magkasma sila ni Abnormal? Psh. E ano nga bang pakielam ko?

"Muka ka talagang tao kapag naka-uniform ka Mica. Hahaha!" Pang aasar agad ni Cassandra. Mica, kalma lang. Wag mong hayaang sirain ng babaitang yang ang araw mo.

"O talaga? Kesa naman sayo kahit anong gawin mo hindi ka mag mumukang tao." At ngumiti ako ng nakakaloko. Inirapan nya ko at tinaasan ko naman sya ng kilay. Hindi ko uubusin lakas ko sakanya no.

"Hi Micaella Sumaway Sebastian!"

Napa nganga ako ng literal. Si abnormal alam ang buong pangalan ko? Wow. As in wow.

"Ikaw ha, alam kong artistahin ako. At ikaw siguro ang isa sa mga fans ko no?" Tinaasan ko sya ng kilay. Nakakapag taka talaga tong abnormal na 'to. Imbis na sagutin nya ko tumawa lang sya. Ang sexy naman nya pag tumatawa. Aaiissh!! Mica ano ba yang naiisip mo!

"So, sya pala ang sinasabi mo Rheynan?" Sabi ni Cassandra'ng libagers kay Abnormal. So Rheynan pala pangaln nya huh? Parang renolium. HAHA!

"Shut up Cassandra." Sabi naman ni Renolium. Este ni Rheynan pala, umirap naman bigla si Cassandra. Ano ba pinag uusapan nila?

Psh. Maka alis na nga. Iniwan ko na sila dun, maaga pa naman kaya naglakad nalang ako. Tipid din sa pamashe. Sayang din yung 7.50 no! Malapit lapit lang din naman yung university na pinapasukan ko.

Pagdating ko ng school nakita kp agad ang bestgriend kong baluga na si Jasmine.

"Besttt!" Nakita naman nya ata agad ako at lumapit agad sya sakin.

"Besttt! Namiss kita! Hindi ako nakakapunta sainyo. Busy din kase sa bahay. Madami pang ginagawa sa katinderya namin. So, kamusta?" May karinderya sila Jasmine. Madalas kami umutang ng ulam dun kapag walang wala kami. Parehas kaming scholar at anal mahirap. Kaya nagkakasundo kami.

"Eto maganda padin! What's new? Oo nga pala best. Baka pwede mo kong tulungan." Sabi ko nman sakanya.

"Sure. Saan naman best?" Sana matulungan ako ni Jasmine.

"Best may mga paninda ko ngayon. Mga bra at panty. Bka gusto mo um-order? Tska tulungan mo na din akong i-alok sa iba." Oo. From now on magtitinda tinda na ko, sideline ba! Syempre ang magaganda, madidiskarte din sa buhay no! Kailangan ng extra budget. Kaya maaga din akong pumasok para makapag alok alok.

"Oo naman best! Yun lang e. Patingin mamaya ha. Tska pwede ba jan utang?" Aba. Buena mano utang agad? Hell no!

"Gago ka ba! Hirap hirap magtitinda uutang ka!" Inirapan ko sya sabay lakad. Papasok na ko sa room. Baka mautangan pa ko ng balugang to. Mahirap na!

"Best! Mamaya huh! May papakilala ko sayo! See you!" Pagpapaalam nya. Hindi ko na sya nilingon. At sino na namang ipapakilala nya? Psh.

Habang papalit na ko sa room may biglang nagtakip ng mata ko mula sa likod. Fuck!

"Hoy! Sino ka?! Kita mong naglalakad ako eepal ka? Get off your hands!" Galit kong sabi.

Pero kinilabutan ko ng bumulong sya sa tenga ko ng "Imissyou my loves!" Tska ko lang nakilala kung sinong talipandas ang may gawa nun. Si Anthony.

"Ano ba Anthony?" Sarap irap sakanya tska ko dumiretso ng room at naupo sa upuan ko. Mabilis maglakad si Anthony kaya nandito na sya sa tabi ko. Magkatabi kasi kami ng upuan.

"Namiss kita my loves! Isang linggo kong hindi nakita ang future girlfriend ko." Sabay kindat. Shocks ba't parang may kakaiba kong naramdaman nung sinabi nya yun? Psh. Gutom lang to Mica!

"Anthony kay aga aga, tigilan mo pambobola mo. Please?!" Pagtataray ko sakanya. Maaga pa naman kaya wala pa yung prof namin. 7:15 palang ng umaga kaya konti palang kaming tao dito sa room.

"Hindi naman ako nambobola Mica. Wag kang manhid. Please lang." Tumingin sya sa mata ko. Nagkatitigan kami at kitang kita ko sa mata nya ang sinaseridad. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam. Shit! Hindi na ko magpapalipas ng gutom.

"Alam mo Anthony ang drama mo! Tigilan mo nga kaka-nood mo ng MMK! Hahaha." Natawa naman sya sa sinabi ko.

Natapos ang 1st subject ko ng maayos. Nagkaron kami ng quiz. Syempre, ako ang highest. Partida suprise quiz pa yun ah! Im so brainy talaga like OMG!

Break time namin kaya pumunta muna ko sa powder room para mag retouch. Pink lips ako ngayon, konting face powder at blush on. Perfect! With or without make up talaga Im so dyosa!

Paglabas ko ng powder room nagtama ang mata namin ni Chloe. As usual masama tingin nya sakin. The hell I care, kaya tinaasan ko lang sya ng kilay. Buti naman at wala syang ginawa sakin. Dahil talagang malilintikan sya!

Pabalik na ko ng room ng may naka-bangga sakin. "Aray! Tss! Uso tumingin sa dinaranan!" Pagmamataray ko.

"Look, I'm sorry. Hindi ko sin-- naputol ang sasabihin nya ng magtama ang mga mata namin.

"IKAW?!"

Sabay naming sabi. I rolled my eyes on him.

"Sinusundan mo ba talaga kong abnormal ka?!" Pasigaw ko sakanya. Wala kong pakelam kung madaming magtitingin. Epal tong lalaking to e!

"Small world my destiny." Ngumiti sabay kindat sya sakin. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko sa sinabi nya. What the hell he called me? Destiny? Oh god.

"Stalker talaga kita no? Pwede ba. Tigilan mo ko!" Tss. Pinipilit akong magtaray nitong lalaking to e!

"Chill lang Mica. Dito ko nag aaral, kaka-enroll ko lang kahapon. I did'nt know na we're on the same university. Im sorry kung nabangga kita. Pero hindi ko talaga alam na dito ka din pala nag aaral." Nakaramdam naman ako ng awa. Totoo naman siguro ying sinasabi nya. Kaya hindi ko nalang sinagot ang sinabi nya at inirapan ko nalang sya at tumungo sa room ko.

"Bye my destiny!" Sigaw pa nya. Hindi nalang ako lumingon at baka mamula na naman ako.

--
Ano kaya role ni Rheynan? Hahaha. Abangan! :*

Four letters, one word (ON-GOING)Where stories live. Discover now