Life 11

10.9K 335 176
                                    



Napabangon ako. Hanggang ngayon, eh nakayakap pa rin sa'kin si Jimin. Pero ngayon ay magkatabi na kaming dalawa.


Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko, bumangon ako. Tinignan ko ang clock sa side table niya. 5am pa lang ng umaga. Naalala kong sabado pala ngayon. So, ibig sabihin walang pasok.


Makakatulog pa ako ng mahabang oras. Lumabas ako ng kwarto ni Jimin, gugustuhin ko man na mag-stay pero alam kong 'pag gising niya tatanungin niya 'ko na, bakit ka andito sa kwarto ko?


Dumiretso ako sa kwarto ko. Diretso na ako sa kama saka nahiga. Antok na antok pa talaga ako.


Hindi pa masyadong malalim ang tulog ko, bigla naman akong may narinig.

"TIANA!" Si Jimin 'yon, ha? Agad akong bumangon sa kama saka ko binuksan ang pintuan ng kwarto ko.


Nakita ko naman na nasa sala si Jimin, "TIANA, ASAN KA BA?!" Sigaw niya. Bumaba naman ako.


"Jimin, ano nanaman bang problema?" Lumingon siya sa'kin, agad naman siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.


Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin.

"Thank God, you're okay." Pabulong niyang sabi. Humiwalay naman siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi.


"Ano bang nangyari, Jimin?"


"Salamat at okay ka, Tiana. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo." Naninibago ako kay Jimin ngayon.


Bakit parang alalang-alala siya sa'kin ngayon? Makikita ko pa lang sa mata niya nag-aalala talaga siya sa'kin.


"Nanaginip ka nanaman ba?"


Tumango naman siya. "Kinuha ka daw nila. Tapos pinatay ka daw nila....sa harap ko." Napakunot naman ang noo ko. "Nagpapasalamat talaga ako at panaginip lang 'yon." Muli naman siyang yumakap sa'kin.


Ang sarap naman sa pakiramdam na makayakap ang isang Park Jimin. Unang pagkakataon na yakapin niya ako. Sobrang saya ko.


"Bakit ka kasi nawala sa tabi ko kanina?" Nabigla naman ako sa sinabi niya. So, alam niyang katabi niya ako matulog buong magdamag?


Inakala ko na, ang alam niya si Jannina ang katabi niya.


"A-ah.." Hindi ako makapagsalita. Napakamot na lang ako sa buhok ko. "Antok pa 'ko, Jimin. Tulog na ulit ako." Sabi ko.


Umakyat na ako saka pumasok sa kwarto ko. Ang weird Jimin ngayon, siguro nakainom nanaman. Tsk!



PARK JIMIN'S POV



A Life With Him (Jimin Fanfiction)Where stories live. Discover now