Life 1

14.2K 473 329
                                    


Habang nagluluto si Yaya Meding nang almusal, eh nandito lang ako sa living area. Hinihintay ko ang pagbaba ng asawa kong si Jimin.

Oo, sa ganitong murang edad ko na 'to, eh may asawa na 'ko.

Ako si Tiana Ryleigh Fernandez.  

At yung asawa ko naman na sinasabi ko ay si Park Jimin.

Speaking of him, andiyan na siya.


"Jimin, sabay na tayo mag-almusal. Nagluluto si Yayaㅡ" Nilagpasan niya 'ko. 

Wala namang bago. 

Palagi naman siyang gan'yan.


Kasal kaming dalawa. Pero never niya akong tinuring na asawa. Arrange marriage lang ang naganap sa'ming dalawa. Kasunduan 'yon nang mga magulang namin. Dahil simula pa lang talaga na bata ang magulang namin, napag-usapan na nila na ipapakasal nila ang anak nila. Nagpapasalamat daw sila dahil lalaki yung kay Tita. Babae naman yung kay Mama.


"Snob ka nanaman nang asawa mo." Narinig kong sabi ni Yaya Meding.

"Baka naman po nagmamadali lang. Hayaan na po natin."

"Nagmamadali. Ilang taon na kayong ganyan, Tin-tin. Ayaw talaga sa'yo ng asawa mo!" Aray ko naman. Masyado namang masakit yung sinabi sa'kin nito ni Yaya. Alam ko na nga, kailangan isampal pa?


Never kasi akong kinausap ni Jimin. Kung kakausapin niya 'ko, lagi siyang galit. Lagi niya 'kong sinesermunan. Napapansin niya lang ako kapag may nagawa akong mali.


Nawalan na 'ko nang gana. Pumasok na lang ako sa school. Nakita kong naghihintay pala si Tricia sa harap ng gate.

"Ilang minuto na 'kong naghihintay dito, girl. Ang tagal mo!" Arte talaga! Nakakainis.

"Sino ba kasing may sabi na hintayin mo 'ko?" Mataray kong tanong.

"Wala. Eh kasi naman, wala akong kakilala dito. Ikaw lang naman ang close ko."

"Tss! Tara na nga. Baka ma-late pa tayo sa first class." Saka ko siya hinila upang marating namin ang classroom. Sa awa nang Diyos, wala pa ang teacher/adviser namin.


Siya si Tricia Katherine Bautista. Bestfriend ko 'yan simula no'ng grade 1 kami. Hanggang ngayong high school, eh talagang hindi kami naghihiwalay.

Para ko na rin siyang kapatid.


"Kumusta na kayo ng asawa mo?" Tanong ni Tricia.

"Wala. Gano'n pa rin. Hindi na nga ata ako kakausapin non kahit kailan."


Lahat nang nag-aaral dito sa Red Bullet University ay alam na ang tungkol sa'ming dalawa ni Jimin. 

Halos lahat sila, ayaw sa akin.


Biglang umingay ang classroom. Nagtitilian ang mga babae.

Ah, alam ko na.

Dumating na sila Jimin pati mga kaibigan niya.


"Omg! Si Jimin-oppa! Ang cute cute niya talaga!"

"Hindi lang siya cute, ang gwapo niya pa kaya!"

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Where stories live. Discover now