Chapter 18

224 12 0
                                    

MAXINE'S P.O.V

Nasaan na yung lalaking yon? Bakit wala pa siya? Kanina pa ako sa parking lot ng school at kanina niya pa sinasabing malapit na siya. Geez. Building lang ang layo namin pero napakatagal niya.

Habang naghihintay ay isang kulay blue na Aston Martin. Nagkusang bumukas ang pinto banda saakin at bumungad doon ang mukha ni Zach na nakasilip saakin.

"Pasok na." Sambit niya tsaka ako ningitian.

"Tsk." Kahit na naiinis sa kaartehan ng lalaking ito ay pumasok na lang ako, agad akong nagseatbelt pagkapasok.

"Nagpaalam ako kay Mommy na hiramin ang kotse niya at pumayag siya basta daw ay magiingat lang ako at huwag magpapahuli."

"Dapat lang na huwag kang magpahuli, 19 palang tayo."

"Ok. Sana pala tayo pupunta?"

Napatingin ako sakanya dahil sa itinanong nito. Paano ba isuprise ang lalaking ito?

"Oy! Saan ba talaga tayo pupunta?! Maxine! Magdahan-dahan ka! Baka mahuli tayo! Sandali! Baka may humahabol ng pulis saatin!!! Whaa!! Maxine!" Sunod-sunod na sigaw ni Zach. "Bakit ba ako pumayag na ikaw ang magdrive? Naman!"

"Manahimik ka na lang dyan, pwede? Malapit na tayo."

"Hayst."

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila Joshua at Rizon. Habang nagpapark ako ng kotse ay bigla akong napapreno sa tanong ni Zach.

"What the?!"

"Why? May problema ba sa kiss? Hindi mo ba nagustuhan yon? Malambot naman yung labi ko ah?" Painosente niyang tanong.

"Yah! Kapag hindi ka tumigil sisirain ko ang kotse ng mommy mo." Pananakot ko sakanya.

"Sabi ko nga bababa na ako, nasaan ba tayo?" Iniwasan niya ang masama kong tingin at bumaba ng kotse.

Tinanggal ko muna ang seatbelt ko at bumaba na din ng kotse. Naabutan ko naman siyang naglalakad papunta sa pinto ng bahay. Sinundan ko naman siya agad at mabilis na nagdoorbell. Nililibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid na may pagtataka sakanyang mukha.

"Parang pamilyar saakin itong lugar?" Sambit niya.

"Naman. Nandito tayo kila Shua." Sambit ko. Nang bumukas ang pinto ay pumasok na ako. "Ano? Papasok ka ba?" Nilingon ko siya at tila tulala ito.

"A-ah... ahmm... bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong niya.

"Reunion."

"What? Reunion?"

"Oo, ano? Susunod ka ba?"

***

"Maxine!" Pagtawag saakin ni Shua nang makapasok ako na ako sakanilang bahay.

Nasa likod niya si Rizon na kinakawayan ako. Lumapit silang dalawa saakin at nagapir kaming tatlo.

"Kamusta ka na?" Tanong ko kay Shua.

"Ayos naman." Sagot naman niya.

"Mabuti na lang at hindi marunong sumaksak ng malalim ang pinsan mo at hindi napuruhan ang kapatid ko." Sambit ni Rizon.

"Nga pala Maxine, sabi mo ay may isasama ka? Nasaan na siya?" Tanong ni Shua.

"Yung kasama ko? Umalis na ata."

"Umalis--" Shua.

"Wah? Zach?" Rizon.

"Zach?" Shua. "Anong?"

Nilingon ko si Zach mula saaking likuran at lumapit saamin. Tumabi siya saakin habang taas noo niyang tinitignan ang kanyang pinsan.

"I-insan... Zach... anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Rizon.

"Siya ang kasama ko. Welcome naman ata siya dito, noh?" Tanong ko sakanila.

Sinulyapan lang ako ni Shua at tsaka sinenyasan si Zach na lumapit sakanya. Lumapit naman si Zach kay Shua at may binulong dito. Ewan ko kung bulong ba iyon dahil rinig na rinig ko.

"Loko ka. Kung wala lang akong saksak na patay na kitang gago ka." Bulong ni Shua kay Zach.

"Huwag kang magalala, may tama din ako." Zach.

"Parehas kayong may tama?" Tanong ni Rizon sa dalawa. "Wow! Max! Napakaastig ng mga pinsan mo! Ibig sabihin ba nito tayo lang dalawa ang magwa-walwal ngayon?"

"Rizon, bawal magwalwal may pasok bukas lunes na lunes magwawalwal? Ok ka lang?" Sambit ko.

"Ayshhh! So ano? Kakain lang tayo?" Rizon.

"May pagkain na?" Tanong ko kay Rizon tsaka naglakad papuntang kusina. Ngunit papasok palang ako ng kusina ng biglang may magdoorbell sa bahay nila Shua.

Lahat kami ay napatingin sa isa't isa at sabay sabay na tumingin sa pinto.

"Ako na ang magbubukas." Pagpipresinta ni Rizon at tumakbo papuntang pinto at lumabas.

"Mauna na tayo sa kitchen doon na lang natin hintayin si Rizon at kung sino man ang tao sa labas." Sambit ni Shua na sinunod naman agad namin ni Zach.

Madaming pagkain sa hapag kainan. Nauna na akong umupo dahil sa gutom. Ang sasarap tignan ng mga pagkain, shit. Baka hindi ako makapagdiet. Kukuhain ko na sana ang kubyertos saaking harapan ng may marinig akong boses na nagpairita saakin.

"Kakain ka na agad Maxine? Hindi mo ba ako hihintayin? O ayaw mo ako makasabay?" That voice.

"Jennie! Diba sabi ko hindi ka pwede dito? Wala namang nagimbita na pumunta ka dito ah?" Sigaw ni Rizon habang pinipigilan si Jennie.

That girl. Siya yung leader ng archery kung nasaang club si Ericka ngayon. Anong ginagawa niya dito?

Inalis niya ang pagkakahawak ni Rizon sa braso niya at tsaka lumapit kay Zach na katabi ni Shua. Nakita ko ang konti gulat ni Zach na agad ding nawala.

"Hi Zach my loves~" malanding pagkakatawag niya kay Zach. My loves daw? Yuck!

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now