Chapter 3

765 29 0
                                    

"Babae ka lang!!! Kaya huwag kang umasta na parang lalaki! Babae ka!!" Sigaw ng aking kababa.

"Eh! Ano ngayon kung babae ako? Atleast ba babae mahina na? Hoy! Magpapakalalaki ako kung gusto ko! kaya huwag kang mangeelam isa ka lang hamak na maliit na bata! Na laging pinakapeelaman ang buhay ko!!" Sigaw ko pabalik sakanya. Sinubukan niya akong itulak pero agad akong nakaiwas. Muntikan na siya matumba pero hindi ko iyon pinansin.

Tumalikod na ako at hindi na ulit siya nilingon kahit paulit-ulit na niya akong tinatawag. Pitong taong gulang palang kami at sobrang napakaelamero ng batang iyon. Lagi akong inilalayo sa mga lalaki, I mean sa mga kaibigan kong lalaki.











Bata palang ako kasama ko na ang mga lalaki. Ngayon alam ko na ulit kung bakit ayaw ko sa mga lalaki. They think that the girl like me or like us is weak so weak. Now I want to show them that, I'm not the girl na sobrang hina dati.

Kahit may pagkaboyish ako ay medyo nahihiya parin ako dahil sa ikli ng palda ko at masyadong pitted sa katawan ko. Si tita angi ang nagpagawa nito, alam niya kasing boyish ako kaya halatang pinasadya niya ang ganito kong suot. Tita Angi or Angilyn Kim ang kapatud ng mommy ko na nagaruga saakin simula ng mawala ang mga parents ko. At siya lang ang nagiisa kong tita na may alam na lagi akong binubully ng pinsan ko at ang dahilan kung bakit nasa ospital lagi ang mga anak niya. Pumapatag siyang bugbugin ko ang mga anak dahil sobrang makukulit na rin kasi ang mga ito.

"Sino siya? Ang ganda niya."
"Oo nga, ngayon ko lang siya nakita dito."
"Chicks!"
"Ang cool niya bro!"
"Sexy!"

Mga naririnig habang naglalakad ako papalakad sa corridor para makarating sa aking classroom. Nagsuot ako ng aalamin bilog na parang pangkay harry potter o sabihin na nating pangkay harry potter nga pero hindi masyadong makapal.

Nakarating ako sa classroom ko na tahimik. A-2 ang pangalan ng section ko. Mukha mga matatalino ang mga kasama ko ah. Well, matalino din naman ako. Pagbukas palang ng pinto ay agad na sumalunong saakin ang sobrang daming mata.

"Hi!" Bati ng lalaking dumaan mula sa likod ko. "Alam mo kanina pa kita sinusundan at tumama akong dito ka papasok sa room namin. I'm Hunter Lee, ang President ng section at room na ito. Ginagalak kitabg makilala Miss?" Sabi nito at agad na inilahad ang kanyang isang kamay sa aking harapan.

"Maxine Han." Pagpapakilala ko habang hindi nakikipagkamay sakanya. Gulat ang isinalubong niya saakin ng sabihin ko ang aking pangalan. Nang tignan ko ang nga kaklase ko ay mga tulala din sila. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang mga tingin nila at parang gulat na gulat. Isa lang naman ang pamilya ko sa pinakamayaman na negosyante sa buong mundo. Pinapatakbo ko ang mga company namin with my own way. Hindi ko pa pala nasasabi na wala akong mga kapatid kaya ako lang ang nagiisang nagpapatakbo ng company namin. Wala kasi akong pinagkakatiwalaang kamag-anak kaya ako lang magisa. Pero may mga pinagkakatiwalaan naman akong mga empleyado.

"Ikaw?!! Wow!! Aking mga kaklase! Tumingin kayo sa babaeng aking nasaharapan.. Nandito at nasa harap natin ang pangalawa sa pinakamayaman na tao sa buong mundo. Si Maxine Han, ginagalak namin makilala Ms. Han. Tama sila maganda ka nga."

"Hindi ako yun. Kapangalan ko lang iyon at hindi ako iyon. Excuse me."

Well, ako nga pinakamayaman pero hindi ko iyon ipinamamalaki. Bakit ko naman iyon ipagmamalaki? Pera lang iyon.

"Huh? Kapangalan? Teka? Hindi nga? Maxine Han ka eh! Ikaw yun!" Pangungulit ni hunter.

"Sabing kapangakan ko lang iyon diba. Naiintindihan mo ba iyon."

"Ahh.. Oo, pero alam mo, sa tingin ko dapat hindi ka diyan umupo." Sabi nito na parang na nanakot.

"Tinatakot mo ba ako?"

"Hindi." Sabi nito at ningitian lang ako at umupo na sa harap niya kung saan sa harap ko lang. Umupo ako sa pinakadulong upuan kung saan walang nakaupo. May katabi pa akong upuan na wala nakaupo kaya kubg may nakaupo man sa pwesto ko dito na lang siya sa tabi ko.

"Excuse me. Excuse me? Diyan ako nakaupo, pwede umalis ka diyan."

Agad akong napalingon saaking likod ng mabosesan ko ang lalaking nagsasalita sa aking likuran. So, ayan pala ang itsura niya nakakainis lang dahil kamukha niya pa ang childhood friend ko.

"Miss? Umalis ka na diyan. Ms. Han." Tawag saakin nung hunter, nakikiliti ako ng konti dahil bumubulong siya malapit sa tenga ko.

"Sino siya Hunter?" Tanong nito sa president.

"Si Maxine Han ang may-ari ng Han company, Zach. Kung ako sayo diyan ka na lang umupo." Mabilis naman akong napalingon kay Hunter dahil sa mga sinabi niya. Ginagamit niya ba ang pangalan ko para hindi mapahamak? Well, sanay na ako sa mga ganoon bagay kaya hindi na niya kailangan sabi iyon. Ningitian lang niya ako saka kinindatan.

"Ok." Umupo na ang Zach saakin tabi at hindi na nagsalita pangmuli. Pero mali ata ako. "Alam mo pamilyar ang mata mo."

Nilingon ko siya ng kaunti at tinignan. Shit! Bakit... Bakit parang... Alam niyo yun... Teka?!! Nagwa-gwapuhan ba ako sakanya?!! Hindi... Hindi pwede... Hindi...

"Hindi." Mahinang sabi ko.

"Hindi? Hindiii pamilyar talaga abg mata mo. Pero sana hindi ikaw yun baka mamaya nasa ospitala na din ako." Ningitian niya ako tsaka tumingin sa harap.

Tumingin na lang ulit ako sa harap at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Geezz! Masyado bang madaling makabisado ang mga mata ko? Tsk. Tsaka... Hindi ako nagwa-gwapuhan sakanya!!

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now