Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Okay, fine." Tugon niya kaya nabuhayan ako ng loob.






"Talaga?" Maligalil ang boses ko at tila tuwang-tuwa sa desisyon niya.






"But wait for us there, sasama kami ni Kris sa'yo." Kondisyon niya.






Napasimangot ako, "'Di ba may trabaho ka pa 'dyan? Ba't aalis ka?" Tanong ko.






"I already finished my works here, I assigned everything and the city is at peace now so there's nothing for me to be worried of." Paliwanag niya.






"Sa lahat ng mayor, ikaw lang pinaka-chill na nakilala ko." Pagbibiro ko.






"'Wag mo 'kong bolahin, hintayin mo kami 'dyan at sasama kami sa'yo." Aniya. Natawa ako at napailing sa kasungitan niya.






"Sa mall na tayo magkita, hihintayin ko kayo ni Kris sa parking lot." Suwestyon ko.






"Fine, papupuntahin ko na sila Primo 'dyan para masamahan ka sa pagpunta." Aniya.






Pumayag na lamang ako upang wala nang pagtaluhan pa dahil alam ko namang hindi rin magpapatalo ang isang 'yon.






Naghanda na ako sa pag-alis, naligo lamang ako ng saglit at pagkatapos ay naghanap ng masusuot. Napili ko ang isang yellow dress na hanggang tuhod ko, pakiramdam ko kase ay bagay sa akin ang damit na 'yon dahil na rin sa paalon-alon kong buhok na may kahabaan.






Nag-sandals lamang ako at pagkatapos ay hindi na nag-abalang maglagay pa ng kung anong kolorete sa aking mukha, kuntento na ako sa kung anong mayroon ako.






Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto namin, "Ma'am Amber, nandyan na po si sir Primo sa ibaba." Wika ng isang kasambahay.






"Pakisabi pababa na." Tugon ko.






Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa habang palabas ng kwarto. Ito ang unang beses na makakalabas muli ako, daig ko pa ang nakakulong sa malaking bahay na 'to dahil hindi ako pwedeng lumabas.






Siguro kung wala nga si Kris at ang mga kasambahay ay talagang hindi ako makakatagal sa sobrang inip.






Nang makababa ako ng hagdan ay unang bumungad sa akin si Primo na nakaupo sa sofa ng sala, nang lumandas ang kanyang mata sa akin ay natulala siya kaya napatawa ako.






"Ma'am Amber, ang ganda niyo po." Wika niya.






"Salamat," nakangiting tugon ko.






"Tara na?" Tanong ko, nabalik siya sa wisyo at napailing sa sarili bago ako igaya papasok ng sasakyan, nasa likod ako habang siya ay nakaupo sa driver's seat.






May nakasunod sa amin na isa pang sasakyan at mayroon rin sa unahan na puro mga body guards ang nakasakay.






Halos lahat ay heavily tinted at bullet proof ang bawat salamin.






"Primo, ilan taon na nga yung panganay mo?" Tanong ko.






"Magti-three na po sa susunod na buwan, ma'am." Nakangiting sagot niya.






"Gano'n ba? Sige, dalhin mo siya sa bahay sa susunod na linggo." Utos ko.






"Sige po, ma'am." Tugon niya.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin