Nine

18 1 0
                                    

Busy akong nag-aayos ng kwarto ni Mel dito sa bahay nila. Kasabwat ko yung mga kapatid at Papa nya. Birthday nya today and I want to surprise her.

Isinabot ko ang huling polaroid na prinint ko. It's our first ever photo. Ang dugyot namin dito nakakapikon. Retrica tsaka B612 days 🤮

"Tito yung cake nya po! Nagtext na po sakin yung rider papunta na daw po sya dito. Gaano pa po ba sya katagal sa palengke?" tanong ko. Hinila sya ng nanay nya sa palengke kahit alam naming lahat na ayaw na ayaw nya doon. Kasabwat din namin yung mama nya para naman palong palo itong gagawin namin. Hindi kami magkandaugaga ni Janel kakadesign ng kwarto nya. Pihadong namamaga na yung mukha noon sa inis dahil pinilit na naman syang gawin yung mga bagay na ayaw nya. Haha, konting tiis ka lang dyan madam.

"Ay sige neng, baka mamaya pa yon. Masyado kayong magaling ni Janel sa pag-aayos ha? Patapos na ba kayo nyan?" tumango kami bilang sagot. Iniabot ko kay Janel ang isang malaking picture ni Minho ng Stray Kids doon sa may tapat mismo ng H sa Happy Birthday nya. Nilagyan ko pa ng party hat si minho. Jusko tagal kong nag-edit para doon. Inayos ko na din ang stand ng gitara ko para sa pagkanta ko ng favorite song nya na Beautiful Scars.

Nanginginig akong nagchat sa isang groupchat naming magkakaibigan. Which is bago dahil nga isusurprise namin tong si Mel for her birthday.

"Tapos na. Papunta na ba kayo? Bilisan nyo baka maabutan nya kayo." sunod sunod kong chat. Naseen naman ng mga bakla. Nilingon ko si Janel na ngayon ay tumatawag sakin. "Yes?" sagot ko. Sinenyasan nya akong lumapit. "Ate, mukhang matatagalan pa daw. Ang haba daw ng pila sa supermarket." sabi nya at gumilid sakin. "Tsaka ate, galit na galit daw si ate sinusungitan daw kanina pa si Mama." natatawa nyang sabi. Natawa din ako dahil biglang sumulpot sa utak ko yung hitsura nya ng galit. Mamaya mawawala din yon.

Tumunog ang messenger ko kaya chineck ko iyon. Nagsend si Junkyu ng picture nila na on the way na. Naggreact na lang ako ng thumbs up. "Okay ingat kayo." sabi ko sa chat. Bigla kong naalala yung isang gabi. Yung sa bahay nila Yoshi.

After non, he became distant sakin sa school. Although hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan yung sinabi nya. Kinausap ko na din si Junkyu na wag na naming ituloy iyon. He sounded sad nung pumayag sya pero he still assured me na if I need anything I should just ask him. Pumayag naman ako doon. We chatted almost everyday and we've grown closer. Minsan nagvividcall din kami. Junkyu is so nice. I like him around me. Dati daw hiyang hiya sya sakin dahil crush nya ako. I told him not ime lilipas din yon. Pero sabi nya baka daw hindi kasi matagal na daw nya akong crush. I was taken aback that time pero sabi nya kalimutan ko na lang daw na sinabi nya iyon and he want us to be close. Hindi naman ako nailang sa kanya cause he's too good. I want to keep him.

"Ateeeee!!!! Pauwi na daw sila Mama!" nagulat ako sa sigaw ni Janel sa pinto. Nataranta ako tuloy at napachat. Sakto namang pagkasend ko ng "Nasaan na kayo?" dumating na yung mga bugok.

"Hi po Tito!!!" rinig na rinig ko silang lahat. Ramdam ko na din ang mga tabag ng paa nilang papasok dito sa kwarto ni Himel. Fesling ko malalaglag itong second floor nila sa lakas ng tabag ng paa nila. Akala mo mga tulisan ampoknat.


"Ano ba yang martsa nyo? May papatayin kayo?" reklamo ko. Tawang tawa na naman si Hyunsuk sakin. Agad naman akong tinabihan ni Junkyu. "Hmmm, sungit naman ng Prinsesa ko." pabulong nyang sabi. Nilingon ko kaagad sya at sinamaan ng tingin. Natawa sya sa ginawa ko. Pagtingin ko sa unahan, nakangisi sakin si Jeongwoo. Tinaasan ko tuloy sya ng kilay. He laughed about it. Lokong bata to ah. Konting tulak pa guys jojowain ko na 'to. Joke HAHAHAHAHAHA

"ATE MALAPIT NA DAW SILA!!!" si Janel. Agad kaming pumwesto. Dumating na yung cake kasabay ng pagdating nila kaya nung umakyat sila, dala na nila. Isinara na ni Janel yung ointo at pinatay yung ilaw. Sabi nya ichachat nya na lang daw ako pag paakyat na yung ate nya. Nagbalik na silang mag-ama sa baba.

Pinatahimik ko si Jihoon dahil hindi na naman matigil yung bunganga nya sa pagdaldal. Kita ko naman sa anino nila na binatukan sya ni Hyunsuk para manahimik. Ito talagang maliit na to napakamapanakit.


Nagvibrate yung phone ko at agad iyong chineck. Binabaan ko din yung brightness. Nasa likod ako para di ako makitang nakahwak sa phone dahil maiilawan silang lahat. As predicted, she was going upstairs.


Wala pang limang minuto, nagbukas ang ilaw at kitang kita naming lahat na nakabusangot ang kanyang mukha pero agad iyong nawala ng makita kami.


"SURPRISE!!!! HAPPY BIRTHDAY MELLYYYYYY!!!!!"



Napaupo sya sa gulat at agad syang naiyak. Tinulungan syang tumayo ni Hyunsuk at agad namin syang kinantahan ng Happy Birthday. Nakasulpot na din yung mama at papa nya sa gilid nya. Agad ko syang vinideohan. After nyang magblow ng cake umiyak sya ulit habang nagtethank you samin. At ang kuya nyo hyunsuk niyakap sya. Agad naman syang hinila ni jihoon. Aba't ang tapang HABAHAHAHAHAHAHA NANDUN YUNG TATAY TEH ANO KA?

Nang nakascatter na kami, doon ko lang napansin na wala na naman si Yoshi. Hinagilap ko ang pinakamalapit sakin si Haruto at binulungan. "Nasaan si Yoshi?" tanong ko. Nagkibit balikat sya, "Busy daw sya noona. Chinat na lang daw nya si Himel. Babalik na ata silang Japan eh kasi nagkasakit yung Papa nya. Kailangan sila doon lalo na sya. Yung business nila diba?" paliwanag nya sakin. I don't know why there's a heavy feeling in my heart. I tried to shake it off since ayokong masira ang celebration ni Himel ngayon.

"Ah ganun ba?" sabi ko na lang at tumango sya pero agad ding napakunot yung noo. "Bakit noona? Miss mo na sya?" he said that in a serious face. Agad akong umiling. "Naninibago lang ako kasi hindi nya ako pinapansin lately tapos di na sya sumasama satin. Ngayon gets ko na kung bakit. Thanks sayo." sagot ko. He just stared at me and bitterly smiled. "You don't know noona?" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "I don't know what?" puzzled with his sudden question, I dragged him in a corner. But not that kind of drag, but a gentle drag.

"What do you mean?" I said. Napakamot sya sa ulo at nilingon yung iba. Lumingon din ako at nakita si Mashiho na nagyayaya na pababa. Sumenyas ako ng saglit lang at hinarap ulit si Haruto.

"Noona.." sabi nya at bumuntong hininga. "Mas maganda kung galing kay Hyung at hindi sakin." sabi nya at pakamot kamot ng batok.

"Sabihin mo na." utos ko.

"Gusto ka nya noona. Matagal na. Pero gusto mo si Yedam hyung at gusto ka ni Junkyu hyung. Ang haba ng buhok mo noona sarap gupitin." sabi nya at natawa ng konti pero at the same time shook.

"Teka ano? Di maprocess sa utak ko teka lang." sabi ko pero iniwan na nya ako doon sa kwarto at bumaba. Doon ko lang napansin na nasa baba na pala silang lahat.


Damn.

Broken Melodies  ¦¦  TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon