Six

12 1 0
                                    

"Ha? So, pagkagraduate mo, aalis ka na? Paano ako?" si Himel ng matapos kong sabihin sa kanya yung plano ng parents ko. Nagkibit balikat na lamang ako at nagbuntong hininga. She knows how my Dad works and thinks. She's been there since day one of this family drama. Minsan naiisip ko kung napapagod na din sya sa mga kwento ko tungkol sa kanila kasi maski ako, pagod na.

"Yang Papa mo talaga, Maru. Kahit kelan talaga yan." she said in a low and said voice. "Basta you keep in touch with me okay na sakin yon. Paano na yan, iilang buwan na lang ang natitira satin bago tayo grumaduate. Dapat masabi mo na kay Yedam yung nararamdaman mo." napalingon na ako sa kanya. What? Hindi ko kakayanin yon sa totoo lang. Kung ako ang tatanungin, gusto ko hanggang sa makaalis ako dito hindi nya malaman. Para wala akong pagsisihan sa huli kasi baka mamaya ireject nya lang ako.

"Kailangan ba yon? Hayaan na lang natin sya baka bastedin pa ako non. Ayoko namang aalis ako ditong may masamang memorya tungkol sa kanya! Kaya huwag na lang, mas maganda na yung ibaon na lang natin yung nararamdaman ko para sa kanya mawawala din to." sagot ko pero hinarap nya ako sa kanya na siya namang ikinagulat ko.

"Bakit nasubukan mo na bang sabihin sa kanya?" tanong nya at diretso ang tingin sa mata ko. Iling lang ang sinagot ko dahil hindi naman talaga. "So paano mo s sasabihin ng ganon yung resulta gayong hindi mo pa naman sinusubukan magsabi sa kanya? Huwag mong pangunahan ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Walang masamang umamin. Kung ano man yung maging resulta, tanggapin mo and then you learn from it." sasagot pa sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng classroom namin at doon ay pumasok ang teacher namin para sa padalawang subject namin.




"May practice ka ba ngayon?" tanong nya habang naglalakad kami papuntang cafeteria. "Meron kasi diba next week na yong fest? Kaya ayun baka mag hanggang 6:00 kami ngayon." sagot ko sa kanya. Pagkaliko namin ng pinti, bumungad samin ang grupo nila Hyunsuk. Nagtama ang tingin naming dalawa at agad tumuwid ang upo nya ng makita si Himel sa gilid ko.

"Marupokchi!" bati nya sakin at binigyan ko naman sya ng malisyosong ngiti. "Oh boy tokwa?" asar ko naman sa kanya at nilingon ang buong table nila. Nakita ko ang nakayukong si Junkyu at binati. "Hi Junkyu! Enjoy your lunch!" sabi ko at mukha syang nahihiyang nataranta sa pagbati sakin pabalik. Nagkantiyawan ang mga kasama nya sa table at tinulak tulak pa sya nung Jihoon. Alam nyo, bet ko yung batang iyon kung hindi lang mas bata sakin, naku!

Hindi ko nakita si Yedam sa table nila. Nasaan yon?

Dun kami umupo sa table malapit sa kanila at nagsimulang kumain. Wala pa kami sa padalawang subo, agad na namang umextra ang Kuya nyo Hyunsuk sa mesa namin at mahabaging langit, sa tabi ni Himel umupo! Kelakas ng loob! Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pag-upo din sa tabi ko at nang lingonin ko ay nakitang si Junkyu iyon. Agad akong umusog para bigyan sya ng konti pang space at nginitian. "Kain!" alok ko at nginitian sya. I don't know but he feels like shy or what. Lagi syang nagkocomment sa mga post ko at pala-react. Nalaman ko din nung isang araw na kumakanta daw sya. Kaya chichikahin ko na lang muna para naman hindi sya maawkward.

"Sige lang. Tapos na." sagot nya sa alok ko. Nilalaro laro nya yung daliri nya at para talagng nahihiya sakin. I need to start a convo with him or else a gray atmosphere will appear. "So Junkyu.." panimula ko at medyo napaiktad sya sa sinabi ko. I find it cute. Well, he is cute din.

"Nalaman kong kumakanta ka daw?" patuloy ko sa pagsasalita. Kamot ulo syang sumagot sakin "Ah, oo. Pero di ako kasing galing ni Yedam." sagot nya sa akin. "Well, iba ina naman kasi tayo ng boses at quality. Yung kay Yedam lang talaga well developed na." komento ko. Tumango tango naman sya.Naririnig ko ng kinakaukausap ni Hyunsuk yung kaibigan ko at hinayaan ko na sila. Mamaya ko na lang tatanungin si Himel kung anong ibinibida ng ibinibida ni Hyunsuk sa kanya. Baka yung oagpiprito nya ng tokwa.

"Bakit hindi ka sumali sa club namin kung kumakanta ka? Kailangan kasi namin ng mga lalaking kumakanta sa club noon pa. Nagtry out ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ah nung time na yon, hindi ako naging willing mag audition sa club nyo tsaka nahila na din ako ni Mashiho sa Art Club kaya dun na ako nagsign up. Nung nalaman kong yun yung pinili ni Yedam na club, nanghinayang ako. Kasi nalaman kong ganon nga yung ginagawa nyo. Mas cool kesa sa club namin. Pero ayun, di din naman ako lugi kasi masaya naman sa club namin." sabi nya. Tumango tango ako and we keep the conversation going hanggang sa magbell na at bumik na kami sa kanikaniyang mga klase.


Hindi ko nakita si Yedam hanggang last period. Absent ata. Medyo nalungkot ako at nawalan ng ganang pumunta ng club today pero kailangan namin dahil malapit na ang presentation.

"Baklaaaa!!" nagulat ako kay Himel na halos tumakbo sa upuan ko. Nasa unahan kasi sya since dito sa last subject namin ay alphabetical order ang seating arrangement namin. Buong klase namin ng hapon, lingon sya ng lingon sakin dahil buong hapon din kaming nakaalphabetical order. Alam kong may gusto syang sabihin pero di nya masabi dahil nga magkalayo kami. Kanina namang after break, patakbo kaming pumasok dahil sabi ng kaklase namin ay nandoon na daw ang teacher namin. Naging kabayo tuloy kami eh kakakain lang. Hayyy.

"Oh?" umupo sya doon ng pabaliktad sa harapang seat at tinignan ako. "Alam mo ba, hiningi nung Hyunsuk yung number ko tsaka Line ID! Tsaka diba kakilala mo yon?" tumangi ako nilang sagot. Tinitigan ko ang mukha nyang nagraradiate ng aura na masaya sya pero at yhe same time puzzled. "Ang tagal ng walang nanghihingi ng mga ganoong bagay sa akin." medyo nagtataka pa sya. Gusto ko sang isaboy sa mukha nyang gusto sya nung unggiy na yon lero wag na lang. It's Hyunsuk's story to tell. Kaya hindu ko na eepalan pa. "Binigay mo?" yan lang ang naisagot ko.

"Oo. Pero yung Line ID lang yung number masyado ng personal e."

"Sana oati address na ng bahay nyo ibinigay mo diba? Sayang naman para may taga sundo ka na din." pang aasar ko. Natawa naman sya.

"Gaga feeling ko naman friendly lang talaga sya."

"Hmmm mabait naman yon tsaka matino. Medyo lokoloko nga lang minsan tsaka wag kang maingay na sinabi ko ah? Matatakutin yon!" sabi ko at nanlaki naman yung mata nya dahil sa nalaman. Nagtawanan kaming dalawa.

"Weh? Tangaaa HAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabi nya at umayo ng upo. "Maru.." she seem amused and happy at the same time.

"Ano?"

"Kunwari, ligawan nya ako, okay lang sayo?"

"Bakit mo ako tinatanong? Ako ba liligawan?"

"Gaga, siyempre tatanungin lang kita ganon."

"As if my answer or opinion matters. Girl, if you feel like you two vibe, then go! Why not? Kilala ko yung tao Himel. He can get along pretty well with you... I think." sagot ko. Isinara ko na yung bag ko at naghanda ng umalis para sa practice.

"Him, basta wag kang magmamadali. Kilala kita, pag linakitaan ka ng interest, akala mo fixed na. Ingat ka lang, maayos syang tao pero alam mo na. I just want you to be safe and not hurt. Madaming nagkakagusto dyan. I support you kung bet mo sya." I half laughed on the end of my line. Hinampas naman nya ako ng marahan.

"Baliw, nagbigay lang ako ng possibilities."

"Well, you always ask me that 'possibilities' kapag nagaganyan ka. Mamaya mabokya ka na naman." sa totoo lang, ayoko lang mabuko si Hyunsuk kaya sinasabi ko to pero on the other side, ganon talaga si Himel. Well, marupok.

"Haha, pero anyways, ingat ka! Pm mo ako ah pag nakauwi ka na!" sabi nya then waved goodbye. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso ng club room.

Pagdating ko doon, kumpleto na kaming tutugtog pero si Yedam ang wala. Hinarap ko si Yuki na drummer namin. "Yuk, si Yedam? Wala ba sya ngayon?" tanong ko habang inaayos ang pegs ng gitara ko. "Ay hindi mo alam? Nag-quit na sya tsaka lumipat na sya ng school ata?" napatigil ako sa narinig ko. Ano? Anong lumipat? Anong nag-quit?

Hindi agad ako nakapagsalita. Napatitig lang ako doon sa bass drum at pinipilit na iproseso lahat ng narinig mula kay Yuki. Bakit hindi ko alam yon?

"Maru?" napalingon ako kay Yuki na ngayon ay napakamot na ng ulo. "Sorry.. ano?" sambit ko.

"Iba na line up natin kako, tsaka iba na din syempre yung singer natin. Lower year." sabi nya at tumango lang ako.



Ramdam ko yung bigat ng dibdib ko. Malungkot? Oo eto ata yon.

Broken Melodies  ¦¦  TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon