Five

9 1 0
                                    

Ilang oras na akong nakatulala sa kawalan habang nag-iisip kung ano bang pwede kong gawin sa susunod na activity namin sa Arts. Kailangan kasi naming gumawa ng portrait tapos ieexplain namin kung bakit iyon yung naisip naming gawin. Walang pumapasok sa isip ko kahit isa.

"Pucha.." mura ko sa sarili ng matapunan ko ng tubig yung kanina ko pang nakahandang drawing paper sa study table ko. Sayang yung adhesives!

"Oy, kakain na." si Kuya habang nakadungaw doon sa may pinto. Nilingon ko yung masungit kong kapatid. "Oo kuya susunod na ako linisin ko lang to.


Tapos na yung semester nila kaya nakauwi tong so pangit. Oo, may kuya ako. Pangit sya wag nyo ng alamin kung ano hitsura nya. De joke lang.

Ito sya sana hindi ka masuka.

Ito sya sana hindi ka masuka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"

MARUUUUU!" si Mama yon. Agad akong bumaba kasi baka ikilawin nya ako pag hindi pa ako bumaba.

Umupo na ako sa upuan ko at katapat ko naman yung kuya ko. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si Papa out of nowhere.

"Hon, nasabi mo na ba kay Maru?" napalingon ako sa tatay ko. Tinignan ko yung kuya ko kung magrereact ba sya pero hindi. Tuloy tuloy syang kumain doon.

"Ang alin po Papa?" my fave was puzzled at naghanap ng sagot sa nanay kong parang nag-aalangan. "Ma?" tawag ko.


"We're moving, Maru. Hanggang ngayon pa pala hindi mo pa nasasabi." si Papa habang umiiling iling. Napanganga ako. Wow, good morning.

Agad nagkagulo ang mga thoughts sa utak ko. Paano yung school ko? Yung mga kaibigan ko? Hindi ako dito gagraduate? Si Himel? Yung festival? Si Yedam?


"Po? Teka Ma, Pa, paano po yung school ko? Yung mga kaibigan ko?" taranta kong sabi. Naghaharumentado yung nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Gusto kong magalit dahil hindi muna nila ako tinanong kung gusto ko.

"Yung bahay? Yung garden? Paano yung mga bagay dito Ma? Dito ako lumaki!" nagrason na ako. Lahat na ng makita ko itinanong ko. Ayokong umalis. Andito yung buhay ko!

"You can visit them here, yung mga kaibigan mo. Tsaka hindi naman tayo agad lilipat ngayon. Tatapusin mo muna itong school year na to. Doon ka magkacollege, Maru." medyo nakahinga ako ng maluwag nung sabihin ni Papa iyon. Pero the fact na, hindi ako magkacollege kasama si Himel? Yun yung naging bother sakin. Paano na yung mga plano namin sa college? Yung iisa kami ng course dahil pareho naman kami ng gusto? Yung mga balak naming gawin? Si Yedam? Paano si Yedam? Hindi ko na sya makikita ☹️


Hindi na ako nakapagsalita. Kahit na sinabi ni Papa na dito naman ako gagraduate, iba pa din kapag hanggang college andito lang ako.

"Pwede po bang kayo na lang? Magpapaiwan po ako dito. Ayoko pong lumayo, Pa." my father's eyes was shifted on my direction. He look shocked and disappointed at the same time. Minsan na nga lang sya makauwi at makasabay kumain, ganon pa sasabihin nya sakin.

Broken Melodies  ¦¦  TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon