[ 7 ] Death Is Undisguised

Start from the beginning
                                    

Lumapit ako sa table niya na nakangiti. A playful smirk arch on his lips when he finally saw me.

“At last, you finally manage to get here Kystella,” sambit niya.

“Good evening sir, pinapatawag niyo daw ako?” umusog siya ng kaunte and he patted the seat. Nawala bigla ang ngiti ko. Alam ko na kung ano ang gagawin ng manyak na ‘to. Gwapo nga, manyak naman. Ekis siya sakin.

“Sorry po sir pero hindi ako pwede eh. Medyo rush ako ngayon dahil maraming customers at hindi makayanan ng ibang staff dito.” Totoo naman na maraming customers ngayon. At wala akong tiwala sa lalaking ‘to. Tingin palang ay alam kong may gagawin ng masama sakin.

“Come on Kystella, noon pa kita hinihintay na makausap and today’s the right time. Come here and sit beside me.” He crossed his legs at ipinatong ang kamay sa sandalan ng pabilog na upuan. May talk talk pa siya d’yang nalalaman. Talktokin ko kaya ulo nito?

“Sorry po talaga sir pero hindi pwede, siguro sa susunod nalang kapag maluwag ang sched ko. Thank you po.” Nakangiting sambit ko sabay bow. Aalis na sana ako ng malakas niya akong hinila paupo katabi niya.

“I said sit with me,” he said in a husky low voice tone. Kinilabutan naman ako nung hinaplos niya ang legs ko. Hindi nga ako nagkamali. Manyak nga siya. Pucha naman kasi, bakit shorts pa kung pwede namang jeans? Irereklamo ko talaga ito kay Boss Paul.

“Sir, bitawan niyo ko.” Pigilan niyo ko. Masusuntok ko talaga ang lalaking ‘to.

“I just want to mingle with you,” he put traces of kisses from my ear down to my shoulder. Iniahas niya rin ang kamay niya sa bewang ko. Ahh, gusto mo pala ng ganito ha. Sige, pagbibigyan kita.

Humarap ako sa kanya saka hinaplos ang dibdib niya. Ipinatong ko rin ang legs ko sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti nung hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. Paano niya ko pipigilan eh nasasarapan pa nga siya sa ginagawa ko. Humiga ako saka siya hinila papalit sakin, sinimulan niya na ring halikan ang leeg ko.

Pucha, nakakadiri. First time kong gawin ito. Promise, nagsasabi ako ng totoo. Ganito pala ang feeling? Yikes, lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan.

Sinimulan ko na ring haplosin ang likod niya paibaba sa pants nang may nakapa ako.

W-what? Ano ‘to? What the—

“Tulong! S-sir! Wag po!”

“W-what the?”

“Tulong! Wag po sir! Please po!” agad-agad na lumapit samin si Boss Paul at isang bouncer. Walang kahirap-hirap na hinila ng bouncer ang lalaki.

“Get your fvcking hands off me!” galit na sabi niya. Dali-dali naman akong tumayo at niyakap ang sarili. Kunwari akong maiiyak, hinubad ni Boss Paul ang suot niyang blazer saka ito ipinatong sa magkabilang balikat ko.

Hah! Success! Ang galing ko talagang umakting.

“Ano nangyayari dito?” sabi ni Boss Paul. Nagpupumiglas naman ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya ng bouncer.

“B-Boss, pinapatawag niya daw a-ako. Gusto niya daw akong kausapin at makasama pero wala akong oras lalo na’t maraming customers. Mabait ko siyang t-tinanggihan pero nagulat ako nung hinila niya ‘ko pahiga at… at.” Naiyak na nga ako.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now