CHAPTER THIRTY-FOUR

Start from the beginning
                                    

“I-Ikaw ba si Kathy?”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali. Hindi ako pwedeng mag-kamali.

“D-Damon?” Dahan-dahan akong lumingon.

Mangiyak-ngiyak ako habang pinagmamasdan ko siya. Naaalala na kaya niya ako?

“Ikaw ba siya?” Muli niyang tanong sakin.

“A-anong kailangan mo sakin?” Nagkakandautal kong tanong sa pagitan ng paghikbi ko.

“Pwede ba kitang makausap?”

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na iyon naitago pa sa kanya. Iniisip ko pa lang na siya si Damon, yung lalaking nangako na sasamahan ako hanggang sa huli at hindi ako iiwan, ay sobra-sobrang sakit na kaagad ang nararamdaman ko. Nagpapanggap man siya o totoo na nakalimutan niya ako, parehong masakit para sakin. Sana’y pinatay na lamang nila ako.

“Kathy?”

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako huminga ng malalim. “Pasensiya ka na.”

Iniabot niya ang isang panyo sa akin. “I need to ask you things. And I need an honest answer.”

“S-saan tayo mag-uusap?

Kinuha niya ang mga librong hawak ko. “Sa kotse ko.”

Habang naglalakad kami patungo sa pinaparadahan ng sasakyan niya ay palihim ko siyang ninanakawan ng tingin. Oh, God knows how much I miss him.

“D-Damon?”

“Hmmm?”

“Hindi mo ba ... hindi mo ba talaga ako natatandaan?”

Huminto siya saka siya humarap sa akin.

“I really don’t remember you. Hindi ko alam kung bakit mo ako kilala. O kung bakit kilala ako ng mga tao sa paligid ko.”

“I’m sorry … sorry kung kinulit kita noong nakaraang nagkita tayo.”

“It’s fine. Do you mind?” Saka niya ako pinagpatuloy sa paglalakad.

Marahan naman akong tumango habang nakangiti sa kanya.

Nang makarating kami sa sa kanyang sasakyan ay agad naman niya akong pinagbuksan ng pintuan at pinapasok sa loob. Naupo siya sa driver seat at humarap sa akin.

“Matagal na ba tayong magkakilala?” Panimula niyang tanong sa akin.

“H-ha?”

He bit his lower lip before he looked away. “I just don’t understand what’s happening. I don’t know what happened to me. Hindi ko alam kung bakit napapanaginipan kita. Kung bakit palagi kang nasa isip ko.”

“D-Damon …”

“Now, you have to tell me the truth … who am I?”

Hindi ko na na-kontrol pa ang emosyon na naipon sa dibdib ko. Yung ilang araw kong pangungulila sa kanya. Yung mga araw na hindi ko siya nakita, nayakap … nakausap. Walang anu-ano’y niyakap ko si Damon. Mahigpit na mahigpit. Wala akong pakialam kung itulak niya ako palayo.

“Sana’y maalala na nang puso mo kung sino talaga ako. At kung sino ka talaga. Nakakalungkot lumaban mag-isa Damon.”

Lalo akong naiyak nang maramdaman kong unti-unti siyang yumakap sakin.

“Ako si Kathy Bernardo, Damon. Ako yung babaeng mahal na mahal mo.”



“KATHY!”

Itinulak ako bigla ni Damon palayo nang bulabugin kami ng sunud-sunod na katok mula sa labas. Inaninag ko kung sino ang gumawa noon. At laking-gulat ko nang makita ko si Sthep at si Erick na nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Damon.

Isang sampal ang bumungad kay Damon mula kay Sthep nang bumaba ito ng sasakyan. Dali-dali akong lumabas upang pigilan siya sa maari niya pang magawa dito.

“Sthep!”

Tumayo ako sa pagitan nilang dalawa.

“Ang kapal din naman nang mukha mo, ano! Ang kapal nang mukha mo!” Galit na galit niyang sabi.

“Tama na!” Sigaw ko sa kanya.

“Tama na? Ikaw ang tama na!” Sabay duro niya sa akin. “Ilang beses mo pa bang gustong masaktan? Ha? Kathy? Ilang beses pa?!”

Sasagot pa sana ako kaso biglang nagsalita si Damon habang sapo pa rin ang pisngi niyang nasampal ni Sthep. “Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa’yo o kay Kathy. Kaya please lang ... wag mo akong akusahan sa kasalanan na kayo lang ang nakakaalam.”

“Umuwi ka na.” Sabat naman ni Erick.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang tatlo. Anong nangyayari?

“Napakagaling mo talagang manggago ng tao! Pero hindi mo ako maloloko, Damon. Wag ako!” Nanlalaki ang mga mata ni Sthep habang sinasabi iyon.

“Please Chum, tama na.” Pakiusap ko sa kanya.

Hinawakan ni Sthep ang kamay ko. “Halika na!”

Hinila niya ako palayo.

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Simple lang ang salitang iniwan ko kay Damon. Simple, pero sana maramdaman niya iyon. Sana maalala niya ako. Sana’y hindi ako mapagod na ipaalala iyon sa kanya.

The Devil's SonWhere stories live. Discover now