CHAPTER THIRTY-FOUR

Magsimula sa umpisa
                                    
Napapitlag ako nang maramdaman ang mahinang pag-ugoy sa katawan ko.

“Nananaginip ka.”

Nasapo ko ang aking noo. Sino ba ang Kathy na yon? Sino ba siya sa buhay ko?

“Siguro’y dapat ko siyang hanapin.” Pero paano? Hindi ko siya kilala.

“Ha?”

“W-wala. Maliligo na ko. I’ll be late for school.”

Nagmamadali akong tumayo ako para maligo. Naiwan si Julia na nakaupo sa kama.

Sino si Kathy? Isa ba siya sa mga babaeng lumapit at bumati sa akin noong isang araw? Sino siya? Hindi ko maalala ang mukha niya. Hindi ko maalala na nagkakilala kami. Pero kung sino man siya o kung ano man ang papel niya sa buhay ko, kailangan ko siyang makita at makausap.

“Papasok ka na?” Tanong ni Julia sakin.

Tumango lang ako.

“D-Damon?”

“Hmmm?”

“Bakit ang cold mo sakin? May nagawa ba akong hindi mo gusto?”

“Wala ... wala naman.”

“Bakit ganyan ka?”

Hindi ako sumagot.

“Damon ...”

“Ano ba? Sinabi nang wala eh!”

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Julia sa inasal kong yon. Hindi ko din alam. Parang nawalan ako bigla nang pasensiya sa kanya.

“S-sorry. Pasok na ko.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. “Bye.”

There’s something in me that I need to find out.
At wala akong sinumang pwedeng pagkatiwalaan ng tungkol dito maliban sa sarili ko.

Habang nagda-drive ako ay bigla na lamang may kung anong bagay ang paulit-ulit na gumugulo sa isip ko.

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

Paulit-ulit iyon.

Madaming beses.

Hindi ko alam kung sino ang nagsabi noon o kung saang parte nang utak ko nanggagaling iyon. Ipinilig ko ang ulo ko sabay hampas sa manibela.

“ANO BA! TIGILAN MO NA KO!!!”

Pinaharurot ko ang kotse. Gusto kong makarating agad sa school. Hindi ko palalagpasin ang araw na ito nang hindi siya nakikilala.

“Kathy ... sino ka ba?”

[KATHY’S POV]

Natapos na ang klase ... tulala akong lumabas nang classroom. Iyon na yata ang magiging routine ko araw-araw. Gumising. Pumasok. Umuwi. Matulog. Unti-unti ko ng inaalis si Damon sa sistema ko. Hindi dahil sumusuko na ako kundi dahil hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon