30

1.2K 32 8
                                    

Nicole's POV

Sinadya kong magising ng maaga para ipagluto si Sean pero 5:30 am palang at wala na kaagad si Sean. I think lumipat na siya sa condo niya since magkaharao lang naman condo unit namin. umuwi na kasi kaninang madaling araw sila Magui dahil ayaw daw nila kaming maistorbo. ewan ko sakanila napaka green ng mga utak.

Naligo muna ako at nagsuot lang ng white statement shirt at maong pants.

lumabas nalang ako ng kwarto para kumuha ng coffee since wala naman si Sean wag nalang akong magbreakfast.

"Hey love," I was shocked when I heard a familiar voice from my kitchen kaya sinilip ko agad ito.

"You are still here?....akala ko pumunta kana sa condo mo."

"I cooked breakfast for you," he said at hinila ako paupo sa dining table.

May nakahapag na pancakes, eggs, bacon, and hotdogs perfect for breakfast.

"Magluluto pa naman sana akong breakfast para sayo kaya lang akala ko umalis kana kaya diko na tinuloy." pagpapaliwanag ko sakanya sabay subo ng pagkain ko.

"No need, I don't want you to get tired. I'll cook every single day for you."

"Baliw, OA mo naman." natatawa kong sagot sakanya.

"I'm serious, I'll do the cooking, laundry, cleaning, and everything," he said in a serious face.

"Ano namang gagawin ko?" nakataas ang isang kilay ko sakanya.

Tinignan niya ako panandalian at tumawa ng nakakaloko.

"Love," he said at hinawakan ang baba ko.

"The only thing you have to do is to achieve your dream and to love me. That's it." he gave me a deep kiss.

Habang mas lumalalim ang halik niya napapausog ako paatras dahilan para mapahinto kami dahil muntik na niya matapon ang pagkain sa harapan namin. Ano ba yan! Nakakabitin naman! Don't get me wrong hindi ako uhaw sa halik pero kapag siya kasi parang gustong gusto ko lagi siyang hinahalikan.

Ewan ko ba, parang naging comfort na ang mga halik niya sa'kin.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad sa may gilid ko.

"What?" taka kong tanong sakanya dahil nakatingin lang siya sakin at hindi gumagalaw.

"Uhh...uh.." nauutal niyang sabi kaya inunahan ko na siya.

"Nabitin ako," nakayuko at nahihiya kong sabi.

"What did you just say?" ramdam ko sa boses niya ang gulat.

"Sabi ko nabitin ako." pag ulit ko pa.

"Same here," he whispered at mabilis akong hinalikan. At first soft kiss lang ang mga halik niya pero ng tumagal lumalalim at lumalalim ito.

Nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko at habang ang isa naman ay nakahawak sa mukha ko.

Natigilan lang kami ng biglang may kumatok sa pinto kaya hingal na hingal kaming bumitaw sa isa't isa.

"Istorbo," hinihingal niyang bulong at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan kung sino man iyon.

"Sean, sino ya--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko sila mommy at dad na nakatayo sa may pinto.

"Dad, mom, anong ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong sakanila.

"You are such a disappointment Nicole Kazaya," Dad said.

"Hindi ka man lang nahiya! Ikaw pa mismo ang umaakit sa sarili mong professor para pumasa!" sigaw ni Mommy.

"Siguro dahil kayo nanaman ng lalaki to no!" sabay turo niya kay Sean na masama ang tingin sakanila ngayon.

I Love You Regardless Of Your Past (Love Series #2)Where stories live. Discover now