CHAPTER 1

50 5 0
                                    

A/N: Hello Zscarlets!!!
So her,s my first ever short story.
Hope you support this story of mine too.
Expect typos, wrong grammar and spelling
Feel free to comment your thoughts ^_^
Happy Reading My Zscarlets!!! ^_^

Chapter 1

Century

May isang babae na pasuray-suray na naglalakad sa gitna ng kalsada. Sinigurado niyang naisuot niya ang lahat. Mula sa damit hanggang sa sapin sa paa. Pati na rin ang kulay ng kaniyang buhok ay hindi niya pinalampas. Mabuti na lamang at kulay tsokolate rin ang kaniyang mga mata kaya hindi na siya nahirapan pa. Ang nasa isip lamang ng babae ay makarating sa gusali kung saan nakatira ang lalaking pinaka-mamahal niya.

Isa lamang iyong lumang gusali kaya hindi na siya nahirapang pumasok nang makarating siya doon dahil wala namang guwardiya na haharang pero ang mga batang nagtatakbuhan ang sumalubong sa kaniya. Agad siyang umakyat sa hagdanan upang makarating niya ang ika-apat na palapag at puntahan ang pintuang may nakalagay na numerong 213.

Nang makarating ay abot-abot ang kaba niya ng kumatok sa pintuan. Sa wakas ay makikita na rin niya ang lalaking mahal niya. Pigil ang hininga niya ng unti-unting bumukas ang pintuan. Tumitig lamang siya sa mukha ng lalaking bumungad sa kaniya. Kung alam niyo lang kung gaano pinipigilan ng babae ang sarili niya na dambahin ito ng yakap dahil sobrang miss na miss na niya ang lalaki.

Kahit na makapal na ang bigote at nag-aabot na rin ang balbas at patilya nito ay kita pa rin ang kagwapuhan ng lalaki. Magulo man ang buhok at mukhang ilang araw ng hindi naliligo ay siya pa rin ang pinakamagandang nilalang sa mga mata ng babae. Amoy na rin mula sa kinatatayuan niya ang hininga nitong amoy alak pero ayos lang. Ganoon siguro talaga kapag nagmahal ka. Ano mang kapintasan mayroon ang taong mahal mo ay handa mong tanggapin.

"Lucas." Iyon ang salitang lumabas sa bibig ng babae. Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang gulat sa mukha ng lalaking mahal niya.

Hindi na siya nabigla nang hatakin siya nito papasok sa kwarto. Naramdaman na lamang ng babae na isinandal siya ng lalaki sa pintuang ngayo'y nakasarado na kasabay ng paglapat ng mga labi nito sa labi niya. Sa simula pa lang ay alam na niyang posibleng mangyari ang bagay na ito ngunit hindi maiwasang kabahan ng babae sa kung saan maaring mapunta ang mga kasalukuyang panyayari.

Ngunit natalo ng isiping iyon ang katotohanang hinahalikan siya ng lalaking mahal niya ngayon. Nakita na lamang niya ang sariling tumutugon na sa mga halik nito. Kahit na nalalasahan niya ang alak mula sa bibig nito. Naramdaman na lamang niya na tinatanggal na nito ang pagkakabutones ng kaniya blusa.

Nadadala siya sa init na nararamdaman na hindi niya alam kung saan nagmumula. Sa kagustuhang mawala ang init na iyon ay hinayaan niyang hubarin ni Lucas ang suot niya. Nagbabaka sakaling maramdaman niya ang lamig ng ihip ng hanging pang-gabi. Ngunit tanging damit panloob na lamang ang suot niya ay mukhang mas lalo lamang nag-liyab ang init na dayuhan sa kaniyang pakiramdam.

Ang mga halik nito ay hindi na pumipirmi sa kaniyang mga labi. Bagkus ay pati sa kaniyang leeg ay nararamdaman na niya iyon. Nararamdaman niyang bahagya pa nitong kinakagat ang parting iyon ng katawan niya. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod sa ginagawa ng lalaki. Walang alinlangan niya ikinawit ang kaniyang mga nanginginig na kamay sa batok ng binata para kumuha ng suporta.

Ang mga kamay ng lalaki ay naglilikot na sa kaniyang katawan na mas lalong nagpapaliyab ng init na nararamdaman ng babae. Halos wala ng damit ang babae samantalang ang lalaki ay balot na balot pa na nagbigay ng kakaibang inis sa babae. Inabot ng babae ang laylayan ng damit ng binata at dahan-dahang itinaas iyon. Huminto ang lalaki sa ginagawa ng maramdaman iyon. Tinitigan niya ang mga mata nito.

"Century." Bulalas ng lalaki. Hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa mukha ng kaharap. Nagdulot iyon ng kaunting kirot sa puso ng babae. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng sakit na nadarama.

WaterlilyWhere stories live. Discover now