KABANATA 21

51 2 0
                                    

FAMILY

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na kami sa kanilang bahay. Namangha naman ako sa laki nito. Akala ko kina Andrew na 'yong bahay na mamamangha ako pero ibang-iba ang ganda ng bahay nina Aki. Ang lawak pa at nakita ko rin ang magaganda nilang mga sasakyanna nakaparada sa gilid. Ipinark lamang ni Aki ang sasakyan at sabay na kaming bumaba.

Hawak-hawak niya ang aking kamay nang nakasulubong namin ang isang matandang babae.

"Asan si Thea, manang?", magalang niyang tanong.

"Nasa garden, iho", aniya pero may kakaibang tingin sa akin ngunit ngumiti naman siya ng kaunti at ibinalik ko naman ang ngiting iyon sa kanya.

Pagkatapos marinig iyon, pumasok na kami ni Aki sa kanilang bahay. Hindi ko na talaga matago ang aking pagkamangha nang nakita ko ang naglalakihang mga chandelier at malaking litrato ng kanyang pamilya sa sala. Luminga-linga pa ako sa aking paligid para purihin ang laki at ganda ng kanilang bahay nang biglang may sumigaw sa isang banda.

"KUYA!", sigaw ng isang babae na tumatakbo papunta kay Aki at niyakap siya kaya't nabitawan ni Aki ang aking kamay. Hindi naman ako umimik dahil ayaw ko ring guluhin ang moment ng magkapatid.

"I miss you", dagdag pa nito saka bumitaw sa yakap at tiningnan ako na parang may pagtutudyo.

"I miss you, too. By the way, Zaharrah, this is your ate Eona", pakilala sa akin ni Aki.

"Your?", usisa ni Zaharrah na may mapaglarong ngiti habang nakatingin sa kanyang kuya.

"Nililigawan, okay na?", sabi pa ni Aki na parang naiirita.

"Hi, Ate Eona. I'm Zaharrah", pakilala niya at ngumiti ng pagkatamis.

"Hi Zaharrah", nahihiya ko ring tugon at nginitian siya.

"Where's mom?", tanong ni Aki.

"Nasa garden. Kasama si ate Thea", sambit niya at naglakad na kami papunta sa kanilang garden.

"Si Kyronne?", tanong niya uli.

"Nasa kwarto niya, kuya, nag-aaral", usal ni Zaharrah.

"Ikaw? Hindi ka na naman ba nag-aaral?", mapang-asar niyang tugon.

"Nag-aaral kaya ako, kuya. Bumaba lang naman ako kasi kukuha sana ako ng tubig", paliwanag niya at nagpaalam na rin sa amin nang naihatid niya na kami malapit sa kanilang garden.

Kita naman namin ni Aki mula sa aming kinakatayuan na inaalo ng kanyang mama si Thea na humahagulgol. Hinawakan naman ni Aki ang aking kamay at hahakbang na sana papunta sa kanila ngunit pinigilan ko siya.

"Sa sala na lang ako, Aki", pakiusap ko.

"Why?", tanong niya habang nakasalubong ang dalawang kilay.

"Ah... eh... It's your family matter. I think na it's inappropriate na naroon ako", nag-aalangang sabi ko.

"You will eventually be part of our family so what's the problem with that?", sambit niya at hinila na ang aking kamay at tumungo na kaming dalawa kung nasaan sina Thea at ang kanyang mama.

"Hi, Ma", bati niya sa kanyang ina at bumeso.

"Hi rin anak", usal ng kanyang ina at lumipat ang kanyang mga mata sa akin.

"Hi po", sambit ko.

"Ma, this is Eona", pakilala muli sa akin ni Aki at nakita ko namang umangat ang ulo ni Thea mula sa pag-iyak.

"Hi, hija. Just call me Tita Carissa", aniya at ngiti lamang ang naging sagot ko at bahagyang yumuko.

"Maiwan ko na muna kayo at maghahanda muna ako ng pagkain", sabi ni tita at pumasok na muli ng bahay.

"Thea? What's the problem?", mahinahong tanong ni Aki at umupo sa tabi ni Thea. Pinaupo naman ako ni Aki sa kanyang tabi. Nanatili lamang akong tahimik.

"He left. Aki, he left me", humihikbi niyang litanya.

"What the fuck! Wala pa nga kayong isang taong kasal! Pumanaw pa ang unang anak niyo tapos iiwan ka niya lang ng basta-basta?!! Asan na ngayon ang magaling mong asawa? Ilang beses kitang tinanong kung sigurado ka na ba sa kanya noon, panay oo lang ang sagot mo!!! Ngayon, asan na ang ungas na 'yon, ha Thea", bulyaw ni Aki at halata sa kanyang tinig ang galit.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabing iyon ni Aki.

Iniwan ni Andrew si Thea. Pumanaw ang anak nila? Eh di ba buntis na siya noong nagkausap kami? Kaya nga hindi ko na ipinaglaban ang sa amin ni Andrew dahil iniisip ko ang kapakanan ng bata ng mga oras na iyon. Ayaw ko kasing nakakikita ng mga batang hindi buo ang kanilang pamilya. Alam ko kasing iba ang sakit nitong dulot at ayaw kong maranasan ng ibang iyon. Kaya rin siguro madali kong pinakawalan si Andrew. So, ibig sabihin ay nahulugan si Thea.

Napatingin naman agad ako kay Thea nang mapagtanto na maaaring tama ang aking hula.

"Sa... sabi niya, he needs time to think and time for himself daw", nahihirapang paliwanag ni Thea.

"Ay, gago! Bakit ka niya pinakasalan kung hindi pala siya sigurado sa'yo?! Dahil ba sa buntis ka ng mga panahong iyon, ha, Thea?!", galit na sigaw ni Aki at agad ko namang hinimas ang kaniyang balikat para kumalma. Hindi naman nakasagot si Thea at sa halip ay umiyak na lamang.

"I think he still love his ex", bulong ni Thea at agad na tumitig sa akin at nagulat naman ako nang nagtagpo ang aming mata.

"Ha?", nalilitong tanong ni Aki at tumingin na rin sa aking gawi. Napatunganga naman ako ng nakita ang mapanuring nilang mga tingin.

"Wait, I don't understand. Why are you staring at Thea like that?", naguguluhang aniya.

"Hindi mo sinabi?", bulong ni Thea. Umiling lamang ako at napayuko sa kahihiyan.

"Aki, magpapahinga muna ako", sambit ni Thea at pumasok na sa bahay.

Nanatili akong tahimik habang katabi si Aki na seryosong nakatingin sa kawalan. Bigla naman kaming inaya ng kanyang ina na kumain.

"Aki, sabayan nyo kaming mag dinner", aya ng kanyang ina at tumungo na sa loob ng kanilang bahay.

Tumayo naman si Aki sa aking harapan kaya napatingin ako sa kanya nang nakatingala.

"Aki...", naiiyak kong sabi.

"No, don't be sorry. Hindi ako galit sa'yo. I'm not forcing you to open up with me. Remember what I told you kanina? I will wait for you. Kaya, don't be guilty. Let's talk later after the dinner", pangungumbinsi niya sa akin at inilahad ang kanyang kama sa aking harapan.

"Tara? Alam kong busog ka pa kaya okay lang kung hindi ka kakain. Let's just join them.", sabi niya at tinanggap ko ang kanyang kamay. Ipinagsiklop niya naman ang aming mga kamay at sabay na pumasok sa kanilang bahay.

Across My ChoiceМесто, где живут истории. Откройте их для себя