A chance to chase you

13 1 0
                                    

Jheyd's PoV

Hindi talaga sumakay sa kotse si Kyzea kahit anong pilit ko sa kanya kaya hinayaan ko nalang syang maglakad kasi pagpinasakay ko siya sa sasakyan iiyak sya ng sobra kaya sinundan ko nalang sya habang nakasakay sa kotse. Natatawa ako na pinagmasdan sya dahil sa kanyang kabaliwan, iiyak tas tatawa din .

"Kyzea! pssst! sumakay ka na nga!"—sigaw ko sa kanya habang dahan dahan na nagmamaneho sa kotse na sinusundan sya pero di nya talaga ako pinakinggan kasi nagsasalita sya mag-isa.

"Bakit iniwan nyo ako Azzirk? Tingnan nyo mag-isa nalang ako, tas naglalakad nalang ako, nakakapagod naman!"—lasing na kumakausap sa kanyang sarili habang umiiyak.

"ahh! Hahaha! ito palang boots ko!"—kumakausap sa kanyang sarili habang nakayuko na nakatingin sa kanyang sinusuot na boots tas bigla nyang hinubad ang kanyang boots tas tinapon sa gilid ng kanyang dinadaanan tas nagpatuloy sa kanyang paglalakad, tas maya-maya bigla syang huminto.

"hala! sayang yung boots!" —kumakausap sa kanyang sarili habang umiiyak tas bumalik sya sa lugar kung saan nya itinapon ang boots nya para kunin nya ulit.

"Hoy! saan ka ba pupunta?"—huminto ako tas pasigaw na nagtanong sa kanya tas bigla syang lumapit sa akin na habang ako ay nasa kotse .

"ahh! sino ka ba? ahh ikaw pala myluvss ang gwapo mo talaga, pakiss nga ang cuteeeee cute mo!"—lasing na sinabi nya sa akin habang ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa aking pisngi ko na habang ako ay nasa kotse, open kasi ang bintana kotse ko, tas bigla nyang sinukaan ang mukha ko.

"Yucksss!"—lakas ng sigaw ko habang tinatawanan nya lang ako.

"haha! ang cute mo talaga!"—natatawa sya sa akin tas kinuha nya ang boots tas nagpatuloy sya sa paglalakad habang dali dali kong nilinisan ang mukha ko at buti nalang may wipes at alcohol sa kotse ko, tas sinundan ko ulit sya hanggang tinakot ko sya.

"hoy! pssstt! hoy! Kyzea, get on! may white lady"—pasigaw ko na sinasabi sa kanya.

"white lady? White lady?"—takot na kumausap sa sarili tas biglang syang tumakbo, akala ko sasakay na sya, yun pala tatakbo lang pala sya kaya binilisan ko din ng konti ang pagmamaneho para sundan sya, habang sinusundan ko sya may napansin ako na isang tao na naka hoodie jacket na sumusunod din sa kanya tas bigla akong nangamba para kay Kyzea kaya huminto ako at bumaba sa kotse tas binigla ko syang binuhat at hinigpitan ko sya ng paghawak tas pinasakay ko sya sa front seat ng sa sasakyan at nang isinara ko ang pinto ng kotse at habang ako ay nasa labas pa na papunta sa driver seat biglang syang umupo sa driver seat tas nilocked nya ang pinto ng kotse tas pinaandar nya at pinatakbo ng mahina.

"Kyzea! please stop, I'm not making fun of you, I said stop!"—sigaw ko sa kanya habang tumatakbo na sumunod sa kanya tas di sya nakinig sa akin hanggang nabangga sya sa poste at buti nalang walang damage kasi mahina lang ang kanyang pagmamaneho, di pala sya marunong magdrive.

"Kyzea, open the door! Let me in."—naiinis na sinabi ko sa kanya tas binuksan nya ang pinto ng kotse tas pumasok ako agad.

"Look at what you did, you almost ruin my car! At pasalamat ka na hindi natumba yung poste kundi lagot tayo nito."—seryosong sinabi ko sa kanya tas bigla syang umiyak.

"Ba't mas care ka pa sa car mo? Ni hindi mo nga ako tinanong na okay ba ako, sana naging kotse mo ako kasi inaalagaan mo at napakaconcern mo! Kasal-anan mo naman kasi ikaw nagpasakay sa'kin dito."—lasing sya na nagsasalita sa akin habang umiiyak and that moment I just stared at her na nakokonsensya sa ginawa ko sa kanya and suddenly I hold her nape and I couldn't stop myself from kissing her on the forehead habang nanlaki ang mata nya dahil sa gulat tas pumikit din sya,it's about a 20 seconds that I kissed her but after that I felt sorry for her kasi lasing sya sa time na yun at baka di nya gusto of what I did to her.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon