Knowing You

23 4 0
                                    

Kyzea's PoV

Naramdaman ko talaga yung antok at inip habang nakikinig sa english teacher namin na kay boring magturo. Halos lahat ng mga kaklase ko ay inaantok at ang iba ay natutulog.

" Pssst! Pssst! Azzirk! Azzirk!,pagkabingi naman!.. Hoyyy bingi!" pabulong kong tinawag si azzirk.

"Keep quite class" striktang sinabi sa teacher namin habang malakas nyang tinapik ang mesa.

Boring ng guro namin at napakahigpit pa kaya pabulong kaming nag uusap ni Azzirk. "Psst! Pssst! Azzirk! Hoy! Hoy!"Bingi!.......bingi!..bingi nga talaga!"

Lumingon sya at nagtanong, "Ano?"

"Punta tayo ng CR, sabihan mo si Zilea na sya ang kumausap kay Madam." Pabulong kong sagot habang may pasulyap-sulyap pa sa teacher namin. Itong naman si Zion ay laging nagrereklamo dahil sa ingay namin at ito naman si Jhon ay natatawa dahil sa pagiging pakialamera ni Zion.

Binulong ni Azzirk kay Zilea yung plano namin, nasa harapan lang kasi ni Azzirk si Zilea.

"Excuse, Madam! Can.." confident na humingi ng pahintulot si Zilea.

" No, Just stay! Pagkatapos lang ng klase pwede kang lumabas." Parang galit na nagsasalita ang teacher namin, ni hindi pa nga nakatapos na magtanong si Zilea , humindi na agad. Umupo nalang ulit si Zilea na ang mukha ay parang nahihiya, at palingon-lingon pa sa gilid para makita nya kung ano ang reaksyon ng mga kaklase namin na pinapagalitan sya sa guro namin, then lumingon sya sa amin, sabay na itinaas nya ang kamao habang pilit naming tumawang walang boses.

After a while, nakahanap kami ng tiyempo na pumunta sa CR kasi nagsulat ang guro namin sa pisara, at habang kami naman ay dahan dahan na lumakad palabas ng room, paepal naman tong katabi kong baklang kalye, gusto nyang isumbong kami.

"Maaamm!" tinawag ni zion ang guro namin para magsumbong. Lumingon yung guro namin at nakita nyang nakatayo si Jhon na tinakpan ang bibig ni Zion, at buti nalang dali-dali kaming tatlo na lumupasay para magtago habang ang ibang kaklase namin ay suportado lang, si Zion lang ang panira. Nagtanong ang teacher namin kung bakit,at buti nalang mabait si Jhon at sumagot na, " Eh! kasi po ma'am, gusto nya na ako ang magsulat sa pisara."

"Bakit? Dahil ba pangit ang pagkasulat ko? Eh! di kayo ang magsulat sa pisara!" Napagalitan tuloy si Jhon dahil sa kalokohan namin.

"Joke lang po ma'am, sorry po" mahinahon namang sagot ni Jhon, at pilit na kinuha ni Zion ang kamay ni Jhon na nakatakip sa bibig nya at sumuporta kay Jhon at sinabing " Joke lang po talaga ma'am, sorry po. Ang ganda kaya ng pagkasulat mo ma'am, kagaya sa mukha mong maganda."

"Umayos nga kayo dyan, puro kayo kalokohan" ,galit na sinabi sa teacher namin.

Pagkatapos na mapagalitan sina Jhon at Zion, bumalik sa pagsusulat ang teacher namin kaya lumingon si Jhon sa amin at sininyasan na pwede na kaming lumabas, kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

"Thank you Jhon"

Jhon's PoV

Umupo si Zion sa upuan ni Kyzea dahil gusto nyang makipagdaldalan sa akin kaya pabulong kami na nag uusap ni Zion habang ang teacher namin ay nagsusulat sa pisara.

"Baho ng laway mo!" Pambibiro ko kay Zion habang inaamoy ko ang kanang kamay ko.

"Sino bang maysabi na itakip mo yang kamay mo sa bibig ko" sagot naman ni Zion na natatawa.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon