Prologue

886 32 2
                                    


Sa mura kong edad halos lahat na ata ng problema ay naranasan ko na. Hanggang sa dumating ako sa point na magtangka akong wakasan ang sarili kong buhay.

Ang nais ko lang naman ay mabuhay ng payapa, maayos at matiwasay. Pero pinagkait sakin iyon ng tadhana.

May pamilya naman pero kahit kelan di nila ako tinuring na kaanak. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit nakakaisip ako ng mga ganong bagay.

Marami na akong naririnig tungkol sa suicide, karamihan naglalaslas, nagbibigti pero iba, iba ang nais ko. Gusto ko bago ako mamatay makita ko kung gaano kaganda ang city lights.

Nasa dulo na ako ng bangin at kita ko mula rito ang ganda ng city lights, mga ilaw mula sa umaandar na sasakyan. Inihanda ko na ang aking sarili upang tumalon kaso nga lang merong isang tinig ang pagpahinto sa nais kong gawin.

" sigurado ka na ba? "
Tanong nito.

Sigurado na nga ba ako? Handa na ba talaga akong mamatay? Sa kabila ng mga katanungang iyon bigla nalang tumulo ang mga luha ko at duon ay naliwanagan ako .
Nang dahil sa isang tao nagbago ang persepsyon ko sa buhay. Pinaintindi niya sakin ang kahalagahan nito kaya malaki pasasalamat ko sa kanya.
At gagawin ko ang lahat para lang makabawi ako dito.

We're both strangers to each other but there's something inside me saying I need him and we both need each other.

Strangers ( BxB ) Where stories live. Discover now