CHAPTER 8

33 5 0
                                        

Pinagpapawisan na'ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Jagger. Tapos na ang araw at 'di ko parin alam ang gagawin ko.

"Hoy, kumain ka na," tawag pansin sa akin ni ate.

Tulala ako ngayon. Sobrang bothered ako sa nangyayari.

Pa'no kung hiwalayan n'ya ako? Dahil may communication pa ako sa ex ko?

Nababaliw na'ko! Hindi ko rin alam kung dapat ko ba tong sabihin sa Samahan!

No, Jav. H'wag mong gagawin 'yon. Kaya mo 'to!


Javier: Wala akong magagawa, si Sir ang pumili non.


Iniisip ko 'yung tinipa ko. Hindi, mali. Ang childish.

Itinulog ko na lang lahat. Hindi ko kasi talaga alam. Mag hihisteryo na'ko rito!

Nasa room na'ko ngayon, A.P. namin. Nagpapanood lang sa'min si Sir ng isang pelikula. Ang babae sa tabi ko at sa harap ko, si Clara at Daphne. Mahimbing ang tulog. Mukhang pagod, kakatapos lang ng morning training nila. At  A.P. period ang naabutan nila.

Tapos na ang second period. Recess na at lumabas akong mag-isa. Yung apat ay tulog, pago na pagod sa nangyaring interschool.

Naglalakad na ako sa hallway ng senior high. Pinagbubulungan na nila ko, sanay naman na'ko.

"Balikan na ba sila ni James?"

"'Akala ko ba, lahat ng ex niya 'di n'ya na babalikan?"

"Hindi ba may jowa na siya? Yung sa twitter?"

Yumuko na lang ako. Not minding all the shits they say. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha 'yung mga impormasyon napinagkakalat nila.

"Javier,"

Tawag ni James, paglabas niya ng room nila.

Tinignan ko lang ito, not giving my full attention.

"Galing mo sa speech," comment niya.

"Salamat," tanging sinabi ko at tuluyan ng bumaba ng hagdan.

Dumiretso ako sa Cafeteria. Bumili ako ng pwedeng kainin. 

Sa monday, birthday na ni Ysabelle. Pupunta na kami ng SM.

Sobrang busy naming magkakaibigan sa month na ito. Sina Clara at Daphne ay pusposan ang practice. Si Ysabelle na puro rehearsals. Si Azalea na ubusan ang oras sa sports magazine. At ako na sobrang busy sa Student Council.

Nasa S.C. Office ako ngayon, inaasikaso ang lineup events for the next days. Grabe ang sports schedule ngayon. Sobrang nakakapagod ang mga ginagawa ng athletes namin.

Ako unang umuwi sa'min. Dumiretso ako sa Mcdo, all time favorite.

Bumili ako ng burger, fries, and iced coffee.

Nag-check ako ng social media accounts ko.

Walang message, walang tweet, walang dm na galing kay Jagger.

Ano pa bang aasahan ko? Hindi ako nagreply sa kaniya. Natural 'di niya ako kakausapin.


Javier: Sorry. Hindi ko na lang siya papansinin at kakausapin.


With that, I hit send.

Muntikan ko ng mabato ang cellphone ko ng magreply agad ito.

"What the hell," tanging nasabi ko ng mabasa ang message niya.


Jagger: Sorry lang ang inaantay ko sa'yo. I love you, Jav.

Between Distance (Between Series #1)Where stories live. Discover now