Ang mga alikabok na nanggagaling sa tambutso ng jeep ay napupunta sa aking mukha. Ginamit ko ang kamay at iwinagayway upang ito ay humupa. Anong oras na ay nandito pa'rin ako sa sakayan ng jeep.
"Ano ba naman 'yan, sobrang tagal ng mga jeep. Init na init na ako," reklamo ni Clara sa tabi ko.
"Sabi ko kasi sa'yo, may rally nga ang mga jeep ngayon. Dapat ay inagahan natin ang pag-alis sa South." inirapan ko s'ya. May rally ngayon, ibig-sabihin, konti lang ang bumabyahe at punuan pa ang pag-alis ngayon. Kung alam nya lang ang tagal ng hinintay namin sa Mcdo para lang makita ang crush nyang tropa lang ang tingin sa kanya.
"Alam mo namang minsan lang 'yon kumain sa labas 'no!" pagsusumao pa nito.
Pagkaraan ng limang minutong pag-iintay sa sakayan ng jeep ay nakasakay na 'rin kami.
"Bayad po," pag-abot ni Clara ng bayad naming dalawa. "Ayan nilibre na kita, salamat nga pala sa pag-sama sa'kin hehe." Nahihiyang anito.
"Okay lang sis," sagot ko at tinignan na ang followers ng twitter account ko.
GinoongJav
Following:830 Followers:5.6k
"Huy, anlago na nyang twitter mo ah?" Puna ni Clara ng makita ang profile ko.
"Hindi ko 'rin expect na lalaki ng ganto yung account ko. Pero alam mo?" Pagbibitin ko sa sasabihin.
"Ano?" na-eexcite na tugon nito.
"Gusto kong mangyari ay yung ma-featured sa FTTM yung tweets ko," sabi ko. Hindi naman sa antaas ng pangarap ko, gusto ko lang talaga maging sikat yung mga tweets ko. Hindi naman ito puro landian lang, nagbibigay 'rin ako ng mga aral sa tweets ko.
Sa pamamagitan ng social media platform na ito ay nakakapag-bigay aral ako sa mga kabataan. Masasabi ko na 'rin na malaki ang account kaya ganto na lang ang pag pursigidong gamitin ang mga boses ko para mamulat ang mga tao sa nangyayari sa ating bansa.
"Kaya mo 'yan! Ikaw pa!" Pag-encourage ni Clara sa'min. Si Clara ay yung tipong klase ng tao na kayang mag-patawad, suportahan, mahalin ang iba pero ang sariling siya ay hindi nya kaya.
"Malapit na pala tayo sa San Diego," pag puna ko ng makita ko na ang Metrobank. "Eto nga pala yung tula natin, medyo may binago ako sa ginawa mo pero nandoon pa'rin yung thought. Hindi ko nga 'rin pala pinatay yung bida, masyadong masakit." komento ko sa ginawa nyang tula.
Sa totoo lang, magaling gumawa ng tula si Clara ang kaso sobrang lalim ng mga ginamit nya na salita hindi nag-tugma sa edad namin, pinalitan ko ito para madali kong makabisado.
"Oo nga pala, sa Tuesday na pala presentation nito," ani ng maalala kung anong petsa na. "Sige, kakabisaduhin ko na ito mamaya. Practice tayo bukas sa Gym," Sabi nya at bumaba ng jeep. Tango lang ang itinugon ko rito.
Hindi ganoon kalayo ang binabaan ni Clara sa babaan ko, kaya hindi nagtagal ay bumaba na 'rin ako. Dumaan ako sa likod ng Puregold kung nasaan ang terminal ng tricycle papuntang sa'min.
Nang makarating ako sa bahay, nagulat na lang ako ng may nag DM sa akin. Hindi na normal ito sa'kin. Ang ikinakagulat ko ay hindi babae ang nag DM sa'kin kundi ay isang lalaki.
Picture lamang ito na naka white sweatshirt sya at naka-cap na beige. May caption ito na 'Hey, wanna talk?'
Hindi ko ito pinansin. Una dahil ang weird bigla-bigla na lang sya magse-send ng picture, at pangalawa hindi ko naman sya kilala.
Dumating ako sa school, as usual. Sobrang-aga. Kasam ko sa classroom ang isa sa mga magaganda naming kaklase, si Ysabelle. Best friend sila ni Clara at Daphne elementary pa lamang. Kakaumpisa pa lang ng klase at si Clara pa lang ang nagiging close ko dahil last year, sya yung leader sa booth na ginawa namin.
YOU ARE READING
Between Distance (Between Series #1)
Teen FictionBetween Series #1 Javier has only one principle in his life, and that is. Forget and go on with life. Who would have thought a guy on social media could make him drop his principle? He go on with his life but he never forgot what happened since th...
