Chapter 2

91 16 5
                                    

"Bakit nag-ti-tiis ka sa madumi at lumang bahay na 'to, ma? Pwede naman tayo mag-rent ng apartment, 'wag lang dito," Maarteng sabi ni Aileen mula sa living room ng bahay.

Maarteng tinignan ni Denice ang sariling sa hawak nitong cellphone, naiirita sa kapatid na naka-upo katabi ang ina.

Hindi maiwasang umikot ang mata ni Ciara sa maingay at maarteng boses ni Aileen. Pinagmasdan niya ang nililutong hotdog.

"I'm sorry my dear, as you can see—walang iniwang pera ang daddy mo, imbis pera ang iwan, mga utang!" Rinig ni Ciara ang pag uusap ng mag-iina. Hindi niya maiwasang mainis lalo na sa paninisi ng kanyang tita Matilda.

"At kasama pa namin ang anak ng pokpok!" komento naman ni Denice.

Iniwan ni Ciara ang nakasalang na hotdogs, kinuha niya ang box ng tsaa—kumuha siya ng tatlong tea-bags at nilagay ito sa tasa, sinalin niya dito ang maiinit na tubig.

"Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng paalisin ang batang 'yan—"

"But why? I hate her already! Sa histura niya palang, naiirita na ako. Mukha siyang white-lady. I hate that."

"Oh, stop that, my child. She's a good girl, we can use her as our maid." Nakangiti na binuga ni Matilda ang usok ng sigarilyo.

"And can you please stop smoking? Baka mag mukhang matanda ka!" aniya Denice.

"Whatever, whatever, mind your own business, bimbos." Iling ng matandang babae at nakangiti.

She missed her twins. Medyo gumanda na ang pakiramdam ni Matilda—tila gumaan ang mabigat na bagay sakanyang dibdib ng makita ang mga anak.

Kinuha ni Ciara ang supot na naglalaman ng tinapay. Nilagay niya sa tray ang mga tasa, kasama ang mga tinapay.

Nahihiya si Ciara sa kanyang ipapakin sa mga bisita, lalo na't anak pa ito ni Matilda, tinapay at tsaa lang ang mabibigay niya. Dahil hindi niya rin kaya bumili ng biscuit o anong pag kain na papantay sa panlasa ng dalawang babae, nag titipid ito dahil kaunting pera lang ang iniwan ng ama niya sakanila.

Lumabas si Ciara sa kusina at dumiretso sa living room.

Nag taasan ang mga balahibo niya ng makapasok sa living room, hindi niya maiwasang lamigin, parang may nakatitig sakanya.

Binaba niya ang mga tasa sa coffee table, sa harap ng mga naka-upong bisita, pinag mamasdan siya ni Aileen, "Yeah, 'ma. I agree..." Nakangiti nitong bulong.

"Hey, how old are you?" tanong ni Denice. Binaba nito ang cellphone sa lamesa at nag krus ang mga braso nito sa dibdib.

"Fifteen." Sagot ni Ciara.

Hindi pinansin ni Ciara ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Tila naiinis sa paninitig ng mag-iina. Naiinis siya din siya sa batang nasa sulok na nakatitig sakanya.

"Oh. Sixteen lang ako." Maarteng sagot ni Denice. "Sixteen lang din si Aileen. As you can see, we're twins."

Napalunok si Ciara at umiwas sa tingin ni Denice. Kinuha ni Aileen ang tasa. "Ew, napaka cheap naman 'to—really? Lipton? Wala bang—"

"A-Ayan lang ang meron dito, p-pasensya na."

'Wala kang kwenta, Ciara...' bulong bulong ng mga boses sa isip nito.

'Mamatay kana... wala kang kwenta...'

Ramdam ni Ciara ang pag taas ng balahibo nito, alam niya sa sulok ng kwarto, may nakatitig sakanya...

Mas lalo pa siyang kinakabahan dahil sa mga boses na naririnig niya. Saan galing iyon? Mukhang sa sulok ng kanyang utak.

'Mamatay kana... wala kang kwenta,' bulong bulong nito.

LoucuraOnde histórias criam vida. Descubra agora