Chapter 1

156 19 6
                                    

Nandiyan lang siya.


Nasa tabi tabi...


Masayang nakangiti si Ginoong Christoper Fernandez sa kanyang litratong nasa picture frame, katabi non ay ang urn na nag lalaman ng kanyang abo.


Binaba ni Matilda Fernandez ang kopita na nag lalaman ng mamahaling alak, kinuha niya sa lamesa ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa, nilagay niya ito sa kanyang bibig at sinindihan. Bakat sa pisngi nito ang mga natuyong luha na naging itim na dahil sa eyeliner na suot.


Kahit may katandaan na si Matilda'y halata sa hitsura nito ang pagiging maganda noong dalaga pa ito. Binuga niya ang usok sa harap ni Ciara Mariano na nakatayo sa harap nito.


"What do you want?" tanong nito at sinandal ang sarili sa upuan.


Sumisigaw ng karangyaan ang mga alahas na suot ni Matilda, kasing puti ng mga ulap ang perlas na kwintas na suot nito, ang buhok niya-ultimo isang dayuhan dahil blonde ito.


Ang suot na mamahaling itim na damit ay tila mas mahal pa sa buhay ng tao, ang presyo nito ay ginto dahil may tatak ito at galing ibang bansa.


"Alam kong n-nasasaktan kayo sa pag kawala ni papa, pero 'wag niyo naman patayin ang sarili niyo sa alak."


Napuno ng pag aalala ang mga mata ni Ciara, hindi niya alam ang gagawin sa madrasta nitong nagpapakalasing.


Hindi sumagot si Matilda at tumawa lang ito.


"Your father was the stupidest, ugliest, selfish man I've ever met," sabi nito.


Hindi nakasagot si Ciara, tila nagulat sa sinabi.


Kamamatay lang ng kanyang ama, pero bakit ganto mag salita ang asawa nito sa kanyang papa?


"I can believe I'm wearing the same dress I bought for my mother's funeral, hindi man ako nakabili ng bago dahil kulang ang iniwan niyang pera saamin!" Nagsimulang umiyak ito.


"He said he will buy me diamonds, my child. Pero anong ginawa niya? Nag pakamatay ang bobo mong ama!"


"He killed himself para makatakas sa mga utang na iniwan niya! Iniwan niya saakin!"

Tila isang kidlat ang tumama sa ulo ni Ciara ng naalala niya ang nakita sa opisina ng kanyang Papa, parang sinasaksak ang puso nito at dinudurog.


Wala na atang mas sasakit pa sa nakita ni Ciara.


Ang pinaka minamahal na ama'y nakitang nakabigti sa isang kwarto, walang buhay.


Hindi alam ni Ciara kung ano ang sasabihin. Natulala ito sa harap ng kanyang ina.


"Anong tinitingin mo?" namumula ang mga mata ni Maltida, masama itong tumingin sa anak.


"I hate you! Nakikita ko sa mga mata mo ang ama mo! Nakakainis! Lumayas ka!" Sigaw nito


Tila nagulat si Ciara sa inasta ng kanyang madrasta, nanlaki ang mata nito at tila hindi nakilala ang kausap na matanda.


"Are you deaf? Alis!" naluluhang sigaw ng madrasta, dahil sa inis ni Matilda sa dalaga'y kinuha nito ang kopita at binato kay Ciara, buti nakaiwas ang babae, dahilan para bumagsak ito sa sahig at mabasag.


Nanginig si Ciara.


'Anong nangyari sakanya?' isip ng babae.


Nagulat din si Matilda sa ginawa nito, pinunasan niya ang kanyang mga luha. "Kung hindi ka pa aalis, baka sa mukha mo na tumama ang susunod na baso." Seryosong sabi nito.


LoucuraWhere stories live. Discover now