First Thing I Did

25 0 0
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Ang una kong ginawa noong nalaman ko na nasa loob ako ng wattpad world ay nagbasa.

Tama.

Nagbasa ako.

Nagbasa ako ng maraming love stories since romance ang genre kung nasaan ako ngayon.
Ginawa ko yun para malaman ko yung mga sitwasyon na matutuloy sa romance at kung ano yung mga characteristic ng mga taong madaling magkaroon ng lovelife dito sa wattpad.
Nagdecide ako na basahin yung mga kwentong medyo malapit sa kung ano yung nasa paligid ko. Hindi ko na binasa yung mga fantasy, o kaya yung mga mafia boss, billionaire, etc. dahil malamang sa malamang ay hindi ko naman makakasalamuha yung mga yun at hindi rin naman sila magkakainteres sa akin. KEKEKEKE

May isang bagay lang akong inaalala, bukod sa mawawala yung virginity (nabasa ko sa mga pang 18+ na love stories), may nabasa rin akong mga kwento na may pinapatay na characters.

Magiging okay lang kaya si Alexis?

Anyways, back to reality. Naglalakad ako ngayon papunta sa grocery store dahil inutusan ako ni mama na mamili.

Sa tingin ko naman ay peaceful itong lugar namin kahit na may mga tao rin ditong mukhang siga, yung mukhang mga gangster dahil sa pananamit nila, mga hikaw, tattoo at sa kung paano sila kumilos.

Pero para sure na safe akong makakauwi sa bahay ay mas mabuting iwasan na lang sila.

Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong siga sa daan. Hindi tae ang tinutukoy ko.

Grabe sya maglakad, parang kanya itong daan.

Gwapo.

Matangkad.

May mga hikaw sa tainga.

May maliit na tattoo sa kanang braso.

Walang duda!

Hindi ito isang extra, siguradong magkakaron ito ng love story dito sa wattpad.

Mabilis akong naglakad sa tabi ng daan at iniwasan ang taong makakasalubong ko.

"Aack!" boses ng isang babae.

Hmm? May babae palang naglalakad kasunod ko kanina?
At maganda sya ha.

Mukhang hindi nya nakita yung siga dahil nasa unahan nya ako, e medyo matangkad ako.

"HOY! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANA---"

"Excuse me, pero ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo blah blah blah"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko habang nagsasagutan yung dalawa sa daan.

Kaya you should never ever in your entire life bump into them...

or love could begin.

Ganyan yung mga love story na nagsisimula as enemies to lovers.

Extra's Point Of ViewWhere stories live. Discover now