Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya. Ngumiti siya sa'kin, pero kinunutan ko lang siya ng noo.

"Ano'ng konek nun sa mata ko?" Pabarang tanong ko kaya bahagya siyang natawa at napakamot sa ulo niya.

"What I want to say is, Kahit gaano pa kalaki ang problema mo ngayon, darating at darating ang araw na malalampasan mo yan, just trust his plan" naangiting aniya.

"Tch...as if you know my problems" pabulong na sabi ko na narinig naman niya dahil nilapit niya ang niya sa'kin.

"Then tell me, I'll listen, kahit abutin pa tayo ng umaga dito, hindi kita iiwan" matamis na ngiti ang binigay niya sa'kin bago umayos ulit ng upo para makinig sa kwento ko.

Hindi iiwan. Scam yang salitang yan. Tch.

"Inaantok na ako, next time na lang" tamad na sabi ko bago ako tumayo at pinagpag ang likod ng pajama ko.

Nalungkot naman ang itsura niya, pero tumayo narin siya at hinabol ako ng mag-umpisa na akong maglakad.

"Adi, hintayin mo'ko" sigaw niya habang tumatakbo palapit sa'kin.

"Ang bilis mo namang maglakad" reklamo niya ng makahabol na sa'kin.

"Mabagal ka lang" sagot ko bago ako nagpamulsang naglakad ulit.

"Goodnight" aniya ng makapasok na kami ng mansyon at naglakad na papunta sa mga kwarto namin.

"Geh" tinanguan ko siya bago ako umakyat na ng hagdan.

Naligo muna ako bago ako natulog, pero mukhang hindi pa ako inaantok. Ilang minuto na akong pagulong gulong sa kama ko, pero hindi talaga ako makatulog.

11pm na, pero eto parin ako, gising na gising. Bakit ba ako hindi makatulog?

Tumayo ako at kinuha ko si Kakashi bago ako lumabas ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Kuya Magnus na siyang katabi ng kwarto ko.

"Kuya" tawag ko mula sa labas. Narinig ko naman na tumayo siya at pinagbuksan ako.

"Yes, baby?" Tanong niya pagkabukas niya ng pinto. Pumasok agad ako at pabagsak na humiga sa kama niya.

"Can I sleep here?" Nakangiting tanong ko at ngumiting napailing na lang siya.

"Hindi ka nanaman ba makatulog?" Tanong niya habang sinasara ang pinto at naglakad na pabalik sa kama.

Sa tuwing hindi kasi ako makatulog ay pumapasok ako sa mga kwarto nila at doon matutulog. Nagpapakwento ako sa kanila tungkol sa mga magulang namin at sa mga nangyari nung mga bata pa sila, hanggang sa makatulog ako.

"Tumawag na ba si Kuya Ryan?" Tanong ko ng naupo na si Kuya sa tabi ko.

"Hindi pa, mahirap daw i locate ang hacker" sagot niya bago kinuha ang kumot at kinumutan ako.

"Sa tingin mo kuya, sino kaya sila? Another organization na kasabwat ng Red phantom?" Tanong ko ulit.

Hindi muna sumagot si Kuya at mukhang nag-isip pa. Sumandal siya sa headboard ng kama at hinawakan ako sa ulo ko.

"Wag mo na munang isipin yan ngayon. Matulog ka na, para maaga kang magising bukas. May pupuntahan pa tayo bukas, sabi nina tito" malambing na sabi niya kaya ngumuso ako at niyakap si kakashi.

"Eh hindi pa nga ako inaantok eh" natawa siya dahil sa sinabi ko at ginulo gulo ang buhok ko.

"Magpapakwento ka na naman ba?" Natatawang tanong niya kaya nakangiting tumango tango ako.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon