Pahina 18

14 0 0
                                    

𝙽𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚑𝚒𝚢𝚊

Hindi ko akalain na inisip ni Ate na merong kami ni Nick!

Matagal na kaming walang komunikasyon simula pa lamang, tapos ngayon ay nagpapapaniwala rin siya sa mga sinasabi ng mga tao sa school. Napaka-toxic naman doon.

"What's bothering you?" Nagulat ako nang makarinig ako ng boses sa aking likuran.

It was our MAPEH period, our teacher decided to take us inside the gymnasium para i-demonstrate ng maayos ang volleyball, rules ng game at kung anu-ano pa. Naka-upo lang ako sa tabihan, waiting for my turn since malayo-layo rin ako. My family name starts with "P" though.

Boring rin kasi dahil ang lamya ng mga naglalaro sa loob ng game.

"Hm?" Nang tumingin ako sa aking tabihan ay nakita ko si Rufus na nakatitig sa aking mga kaklaseng babaeng naglalaro.

Bumilis ang pintig ng aking puso, hindi ko alam ang aking gagawin noong una pero agad rin akong kumalma nang matanto kung gaano to katanga.

"You seem occupied. Anong nasa isip mo?" Tanong niya at saka tumingin sa akin.

Hindi ako makahinga sa lapit naming dalawa. Hindi ko na maalala kung kailan kami naging ganito kalapit. Parang pinipiga ang aking dalawang baga sa sobrang hirap huminga.

Kailan pa siya nagkaroon ng pakealam sa aking iniisip o sa kung ano ang bumabagabag sa akin?

"Wala." Walang buhay kong sinabi at inisip kung nasaan sina Primmy at Kris kung kailan ko sila kailangan.

Kita ko sa gilid ng dalawa kong mata na lumipat ang mata niya sa akin. "Wala? I haven't heard anything from you since... hindi ko na maalala kung kailan, actually." Aniya at kinamot ang batok.

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya'y sa kanya ang focus ng aking buong sistema. Wala naman talaga siyang maririnig sa akin dahil wala naman siyang ibang inatupag kung hindi si Ate.

Hindi naman sa nagagalit ako na si Ate ang kanyang inaatupag. Sa totoo lang ay masaya ako at mukhang seryoso siya sa Ate ko. Hindi lang mawala sa akin ang sakit na aking nararamdaman.

"Why are you here?" Tiningnan ko siya saglit. "Kailangan mo ng tulong kay Ate? LQ ba kayo at kailangan mo ng tulong? Kasi noong mga nakaraang linggo ay kayang kaya mo na naman siya e. Hindi ka na namansin matapos mo siyang makuha."

Damn, I know I sound bitter as soon as I said those words. Pero hindi ko na talaga mapigilan. Sa tagal ng aking pag-asa sa kanya ay nakuha ko na ang tunay at lagi niyang pakay sa tuwing siya'y lalapit sa akin. It was always for Ate.

Ang tagal kong umasa na ako ang lagi niyang pakay pero natuto na ako sa ilang beses na pagkabigo, never naging ako ang pakay niya.

Natahimik siya sa aking sinabi kaya tumayo na lang ako at iniwan na lamang siya doon. Sigurado akong tumakas na naman iyon sa kanyang sariling klase kaya malayang nakakagala sa gymnasium.

"Mayie, wait!" Mahina at malambing niyang sabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.

Tumalikod ako para harapin siya. "Bakit?" May kunot sa aking noo pero agad iyong nawala nang makita siyang marahan na nakatingin sa akin.

"Hindi si Arlo ang pinunta ko dito." Aniya na may silay ng ngisi sa kanyang labi.

Lumapat ang mata ko sa marshmallow na nasa kanyang kamay. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili na haklitin iyon sa kanyang kamay.

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking pupulsuhan at hinigit paupo muli sa kanyang tabi.

"Ano?" Dapat ay isa iyong protesta pero lumabas ito ng kay rahan sa aking bibig. Naiinis ako na ganito ako kalambot para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silently Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon