Pahina 16

7 0 0
                                    

𝚂𝚎𝚕𝚘𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚎𝚕𝚘𝚜 𝚊𝚑

After a couple of days na lumipas, madalas ko silang nakikitang magkasama. Akala pa nga ata ni Ate ay natutuwa ako na nagkaka-ige sila.

Well, iyon ang pakita ko pero sa totoo lamang ay hindi talaga. Hinding hindi at nakaka-awa naman ang ate kong sobrang bait sa akin. Wala na yata akong nagawang maganda para sa kanya.

I sighed heavily habang tinutulak ang aming front door matapos akong mapagbuksan ng mga gwardya sa gate. Nagulat ako sa pinaka-unang bumungad sa akin sa sala ng aming bahay.

Hindi pa ako nakakatuntong sa mismong loob ng bahay ay agad akong nasalubong ng malalakas na tawa.

It was Ate and Rufus.

Napalunok ako sa aking naramdaman sa loob ng aking tyan. Nakaka-inis kasi hindi ako natutuwa sa agarang pagliyok nito. Kumain na naman ako a?

Agad na napatingin ang dalawa sa akin at parehong may ngiti sa kanilang mga labi dahil sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Hindi alam ng ate ko pero sinaksak na niya ako diretso sa aking puso.

"Mayie? Lika! Gumawa kami ni Rufus ng nachos!" Alok ako ng ate kong naka-upo sa sofa katabi niya si Rufus na naka-uniporme.

Kinagat ko ang labi ko sa sobrang sakit. Ang kanilang distansya sa isa't isa'y hin... teka? May distansya pa ba sila? Sobrang lapit ng kanilang katawan sa isa't isa na kulang na lamang ay kumalong na ang ate ko sa kanya.

I hissed at the thought. Makakapamura kung madadatnan ko sila dyan sa sofa namin. Hinding hindi na muli ako makakatingin dyan ng walang naiisip!

Snap out of it Mayie!

Nag-iimbento na naman ako ng mga scenario na hindi naman mangyayari. Paniguradong hindi dahil kilala ko ang aking ate. She's decent and that's the least thing she'll do or at least do it and try not to get caught.

Either way, I respect her and she will not gain that respect for herself just to break it after. Ngayon lamang siya sa tanang buhay namin nagdala ng lakaki rito sa bahay.

Papakilala nya kaya kay Mommy? Gosh, no way! Magiging legal pa ata sila kung sakali! Ni minsan ay hindi ko ata nakita ang David na iyon dito sa loob ng aming bahay o kahit noon ay hindi ko napapansing kasama ni Ate.

Nainis ako dahil wala na ang mabilisang pagtibok ng aking puso nang marinig ko si David o maalala. Noo'y nangyayari pa iyon. Hinga ng malalim Mayie.

"Mayie?" Tawag sa akin ng ate ko.

Hindi ko alam na nakatanim na pala doon ang aking paa. Ang tagal ko nang nakatayo doon at si Ate na lamang ang nakatingin sa akin habang si Rufus ay panay ang titig sa aking ate.

Kumalabog ang aking puso sa nasaksihan. Kung paano sumilay ang kanyang mata habang pinapanood si Ate na makipag-usap sa akin, napakasarap siguro sa pakiramdam na makitang may ganoong taong natingin sayo ng ganoon kalalim.

Kahit na mas gustuhin si Ate ng mga nakakatanda, ni minsan ay hindi ko hiniling na maging siya at magpalit kami. Pero ngayon, parang nababago na ang lahat.

Gusto ko nang maging si Ate. Gusto ko nang maging si Charlotte at hindi si Chinmayie. Kasi ang mga titig ni Rufus? Gustong gusto ko.

Sa paglakad ko papunta sa kanila, parang nakamagnet ang aking mga paa sa sahig sa sobrang hirap nitong ikilos. Parang ang bigat bigat ng paa ko at ang hirap hirap nitong i-angat mula sa sahig.

"Sis ayos ka lang?" Natatawa si Ate sa akin.

Napatigil ako sa aking paglalakad. Mukha ba akong tanga simula pa kanina? Kaya ba hindi na ako tiningnan ni Rufus dahil nagpipigil na siyang tumawa?

Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa aking paglalakad sa kanila. Hindi ko na alam ang aking hitsura doon kung nakasimangot ba ako o hindi.

Basta ang alam ko na lamang ay naka-upo na ako sa sofa'ng katabi ng kanilang inuupuan. Napalunok ako at hindi makatingin sa kanila, focused ang mata sa nachos na kanilang ginawa.

Mukha tuloy sigurong takam na takam sa kanilang pagkain. Grabe Mayie! Patay gutom ang peg mo dyan!

"Kuha ka na.." Sabi ni Ate habang marahang ibinibigay sa akin ang lalagyan nito.

Napatingin ako paangat sa kanila at agad kong napansin ang kamay ni Ate sa hita ni Rufus habang ang buong braso naman ni Rufus ay nakapatong sa likuran ni Ate.

Nag-init ang aking buong katawan. Ramdam ko ang aking pamamawis. My jaw clenched in anger and jealousy. Hindi ko akalain na magiging ganito ka-intense ang aking nararamdaman.

"Ate?" Nang mapansin niya ang aking mata sa kanyang kamay ay agad niya iyong inalis.

"Hmm?" Aniya.

"Kanina pa kayo dito? Wala bang klase si Rufus?" Tanong ko sa kanila pero kumuha lamang si Rufus ng nachos at tumingin kay Ate.

Inaantay ang magiging sagot ng aking butihing kapatid. "Uhm, s-sabi nya wala na raw ang kanilang teacher?"

Ah, okay alam ko na. Nag-cut class sya. I know Ate's schedule at maaga ang kanyang labas ngayon. Ngayon na maaga ang kanyang labas ay nakuha iyon ni Rufus na pagkakataon para makipag-hang out kay Ate.

Mautak, hindi ko akalain na kailangan nya pa ng tulong ko gayong kagaling na niya duma-moves kay Ate. Ang braso nya nga oh, andon, ang sarap ng tayo.

Fyi! Hindi pa kayo!

Whatever, idiin ko nga. "Sino ba, si Mrs. Solano? Sya lang ang wala sa faculty e, buntis nga diba." Sabi ko sa kanila na parang alam na alam na naman nila talaga iyon.

Same school kami at same pa kami ng Grade ni Rufus. Our teachers are all present today. Grabe naman Ate, how could you cover for him? Hay nako, buti na lamang at hindi ako ang nasa kinatatayuan nya. E di sana'y ako ang nagsisinungaling ngayon.

"Hmm? Talaga ba?" Sabi sa akin ni Ate pero ang mata niya ay na kay Rufus. Halata sa kanyang mukha na alam na niya ang aking sinabi.

Hindi ko naman akalain na napatol pala si Ate sa kahit sinong may gusto sa kanya.

Shit!

Ano ba ang pinagsasasabi ko?! Napalunok ako sa sariling naisip at tinitigan ang dalawang nasa harapan ko. Kinagat ko ang aking labi at binaling ang mata sa pagkain sa harap bago kumuha para aliwin ang sarili.

Napangiwi ako nang malaman na malambot na ang aking nakuha. Agad ko iyong ibinalik. Hindi pala nila hiniwalay ang mga lahok at ibinudbod na sa ibabaw.

Grabe naman! Kanina pa akong nakatingin doon ay hindi ko man lang napansin!

"What's wrong?" Tanong ni Rufus sa akin.

Eto na naman ang maraming kung ano na naramdaman ko sa loob ng aking tiyan. Pano ba malimutan ang lahat ng ito? Kasi kahit na masarap sa pakiramdam ay talagang dinudurog ako nito. Hindi nakakatuwa, kailangan na itong matigil.

"N-Nothing.. Malambot na pala. Nabasa na siguro ng kamatis or nung pipino." Bulong ko sa aking sarili dahil matapos akong matanong ni Rufus, parang hindi na nya ako muli nakita.

Andito po ako?

Focus na focus si Rufus kay Ate na nanguya ng nachos. "Hindi naman a! Pili ka lang.." Ani Ate at ngumiti habang sinasabi ito.

Naiinis ako sa aking inis para sa aking ate. Hindi ko dapat ito nararamdaman! Kung hindi lamang dahil sa Rufus na iyan ay magiging ayos ako. Ako sa ate ko na walang kaalam alam.

My poor lovely Ate, si Rufus ang may kagagawan nito. I should avoid him. As much as possible ay dapat ko na siyang iwasan. I need to move on and forget these feelings that I'm feeling.

"Ah, oo nga." Nag-try ako ng isa para sa aking ate at sinubo ito. Tumunog ito sa lutong, okay.

Napaling muli ang mata ko kay Rufus na mahusay ang hitsura sa uniporme ng school. Kagaya noon ay may kaunting hindi nakabutones sa kanyang pang-ibabaw.

Mariin akong napapikit sa aking nasilayan. Chinmayie Prim! Gumising ka naman sa katotohanan! Hindi siya para sa iyo at sya'y sa Ate mo!

I need to move on.. wait. Hindi naman naging kami e.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now