Pahina 9

18 1 0
                                    

𝙵𝚊𝚕𝚕

"Okay everyone listen up!" Sigaw ko sa loob ng aming silid. Tapos na kaming lahat mag ayos at mamaya lamang ay magsisimula na ang unang game kaya naman heto kami.

"I just wanted to congratulate everyone because we all did a good job!" Palakpak ko at ganoon rin naman ang kanilang ginawa.

Hindi ko na mapigilan ang mangiti. I'm looking forward for the next performances with them. Hindi naging ganoon kadali sa akin ang naatas na posisyon pero hindi rin naman naging ganoon kahirap.

"Bago tayo sumalang sa labas, gusto ko muna kayong mag-smile. Because we are made to look beautiful! We are the faces of this school kaya keep smiling!" I cheered at nakisali sila sa akin. Tumango ako sa kanila at nagpunta na kami sa gymnasium.

Nasa unahan ako, I smiled seeing the massive audience. Nasanay na ako sa mga taong nanonood sa amin noon. Noon nama'y hindi ko alam kung may nakakapansin ba sa akin o wala.

Pero ngayon ay ako na ang captain ng cheerleading squad ng school namin kaya natitiyak ko na na makikita nila ang magiging mali ko.

Napangiti ako nang makita ko si Kris at Primmy sa crowd. Sinabi nila sa akin ang kanilang magiging eksaktong posisyon. Sabi nilang kung sakali man na ako'y kabahan, tumingin lamang ako sa kanila.

Day 1 ng event and it's very hyper. Everyone gathered in different places inside the school. Booths, sports, plays, and so much things are packed for the students of the MU.

Our admin is very hands-on with the school's needs and student's satisfaction. Eleanor Marshon is making sure students will remember and treasure every detail of our stay here, Mom once said they're friends.

Bago kami magsimula ay sinuyod ko ang mga tao. Pilit na hinahanap ang isang tao, lalaki in particular, Rufus in short.

Napalunok ako nang malapit nang magsimula ay hindi ko pa din siya nahahanap. Ano ba naman Mayie?! Bakit talagang inisip mong papanoorin ka ng lalaking iyon?

Even though I don't feel happy, I pulled out a winning smile and not so soon, tumunog na ang aming cue.

Time to shine!

I smiled and did my best. I am the prettiest and I made sure of that. Dahil ako ang captain ng squad na ito at kaya ako ang pinakamataas ay dahil doon, ano pa ba?

I smiled and danced to the beat. I made sure I outdid the performance. Nasisiguro kong magiging maayos ang lahat, alam ko rin na kayang kaya ng aking mga kamiyembro ito.

As we receive so much applause from the audience, hindi ko na maiwasan na tingnan silang lahat isa isa.

Habang sinusuyod ang mga manonood, napadaan ang aking mata sa kung saan naroon si Rufus. Hindi ko muna ito napagbigyan ng pansin dahil bigla na lamang akong inangat.

Bigla akong nagulat dahil sa sobrang bilis, hindi ko na namalayan na nandito na pala. Napalunok ako at ngumiti muli sa harapan namin, tinatago ang katotohanan na hindi naging ganoon kaganda ang aking tayo.

Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero kadalasa'y hindi maganda ang kinalalabasan ng mga ganitong sitwasyon.

Nagbalik muli ang aking mata kay Rufus at sa babaeng kasama niya. Napalunok ako nang mapansin ang kausap niyang babae.

Hinding hindi ko ba kailanman nakuha ang atensyon nya? Mas lalong sumikip ang aking paghinga dahil sa sariling naisip.

Ngayong andito na ako sa harapan niya, bida ng lahat ng ito. Bakit hindi pa rin niya ako mapansin? Kahit ganitong panoorin lamang ako'y hindi pa din?

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now