Pahina 15

6 0 0
                                    

𝙵𝚘𝚛 𝚑𝚎𝚛

Magulo na ang buhay ko, lalo pang nagugulo dahil sa mga nangyayari ngayon. Napapansin kong hindi na si Rufus nalapit sa akin. Nakuha na kasi niya ang tunay niyang pakay sa akin.

Makukuha na rin niya tyak ang pakay nya kay Ate kalaunan. Ang makuha ang puso nya at mapa-oo ang ate ko. Bwisit kasi kailangan ko pang magustuhan ang Rufus na iyon bago ni Ate makilala siya.

"Mayie, tara na! Kanina ka pang nakatulala dyan." Ani Primmy habang umalis na si Kris at nasa pintuan na.

Huminga ako ng malalim at saka tumayo. Hindi ko alam kung bakit ganon ako kaapektado nang makita ko sila ni Ate sa hallway na nagtatawanan habang pinagdadala ni Rufus si Ate, dapat naman hindi. I mean- God, Mayie ang tanga mo.

Mahal mo nga si Rufus diba? Matagal ka nang umamin sa utak mo at parang nalilimutan mo ata. "Primmy, I want marshmallows." Mahina kong bulong sa katabi ko.

They let out giggles and walked ahead. Pumunta muna kami sa cafeteria dahil bibili si Kris ng burger bago kami bumisita sa Faculty para kumpirmahin ang pasa ng isang group project sa isa naming guro.

"Marshmallow nga po." Napatingin ako sa aking tabihan nang marinig ko ang boses na iyon.

And boses na matagal ko nang inaantay na marinig. Darn this heart for enjoying it much! Nakakainis dahil nae-excite ako ngayon na malapit si Rufus sa akin.

Hindi ko akalain na makukuha ko agad na siya ang may-ari ng boses na narinig ko. Ganoon siguro kapag sabik na sabik ka nang makita ang isang tao, ano? Lumunok ako sa sariling naisip at tumingin na lamang sa sahig.

Mapansin man niya ako, swertehan na lang at kung hindi ay talagang nakakaawa na ako. Nayayamot ako sa pakiramdam na ito! Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito ako kahumaling sa isang lalaki.

Tumingin na lamang ako sa mga kaibigan kong malumanay na nakatayo habang nag-aantay ng kanilang mga binili, hindi napansin si Rufus na nasa malapit lamang. Bakit ba naman nila mapapansin? Tss!

"Isa sayo..." Napa-iktad ako nang maramdaman at marinig siya sa aking tabihan.

Tindigan ang aking mga balahibo dahil sa pamilyar na saya na aking nararamdaman. Ang mga paru-paro na nagsisimulang gumawa ng kung ano sa loob ng aking tiyan ay hindi na maitatanggi.

Bumaba ang mata ko sa inaaro niyang marshmallow. I gulped and looked up to him again. Kanina ko pang gusto ng marshmallow. I miss the marshmallow or I miss him? Can't pick.

My breath hitched.

He's glowing. Dahil ba iyon sa isang katotohanan na masaya na siya kay Ate? Argh! Mas tumingkad ang kanyang mukha. No stress lines. Nakakatuwa siyang tingnan sa ngayon. I will enjoy staring at him the whole day. I would love to kiss every inch of his face.

"Ayaw mo?" Umangat ang kanyang kaliwang kilay sa kanyang pagkumpirma.

Kinagat ko ang aking labi at mabilis na kinuha ang marshmallow. "No! I love free foods!" I smiled and opened it immediately.

He let out a chuckle making my heart burst out of my chest. I couldn't handle the strong beating of my heart. Natatakot ako na baka sa kanya lang ito tumibok ng ganito katindi. Nakaka-iyak na nakakatuwa, hindi ako makapili kung alin.

I tried to keep it cool. Na hindi ako naaapektuhan na hindi na niya ako masyadong kinukulit, I tried. Pero hindi na rin siguro kinaya ng aking labi. Bumaba na ito at hindi na ako nakangiti.

Pero hindi niya iyon napansin. After that, tinapon niya ng pabiro sa akin ang kanyang sariling balat ng marshmallow saka kumindat at umalis sa aking harapan. With that, naka-alis na siya dala dala ang puso kong hindi nya pinapansin.

Nang tumingin ako sa kanyang pinuntahang lamesa sa loob ng cafeteria, nakita ko si Asta na naka-upo roon. Nagtama ang aming mata dahilan ng paglaki ng kanya dahil sa gulat.

Mabilis niyang ibinaba ang kanyang mata sa kaba dahil masyado siyang halatang kabado. Marahan kong kinain ang marshmallow, sumabog ang sarap ng chocolate sa unang kagat. Ang sarap sarap nya.

Nag-uusap silang dalawa ni Rufus. Hindi ko kita ang ekspresyon ni Rufus dahil nakatalikod siya sa akin pero kitang kita ko ang kay Asta. She's blushing really hard at nakita ko ang tatawa tawang si Rufus sa kanyang harapan.

Nahihiya siya sa hindi ko malamang dahilan. Kung ano man ang kanilang pinag-uusapan, wala akong pakealam. Dapat ay hindi niya pinaglalaruan ng ganoon si Ate. Akala ko ba'y si Ate ang gusto niya?

Bakit ngayo'y iba na ang kanyang kasama?

Kunot ang aking noo sa galit, hindi ko na napansin ang pag-aaya nina Primmy sa akin dahil nagdire-diretso na ako papunta sa lamesa nina Rufus. Kita kong muli ang gulat sa mata ni Asta.

Mukha nang nerd pero mukha rin namang malandi, hindi lang masyadong halata dahil sa kanyang mga inaasta.

Nang makalapit ako sa kanilang lamesa, nakuha ko na ang atensyon ni Rufus dahil sa tagal ng tingin sa akin ni Asta sa kung sino man ang nasa likod nya. He had a smirk on his face na gustong gusto kong sampalin. Sino naman siya sa kanyang tingin na kayang paglaruan kami ng ate ko?

He's making my Ate fall for him just how he did with me. Now he's hanging out with this nerd?

"Oh Mayie you want more marshma-"

"Where's Ate?" Naka-angat ang aking kilay nang tanungin ko sya. "Bakit hindi sya ang kasama mo at itong si... Anastacia?"

Nagpakawala si Rufus ng isang marahang tawa. Kahit na ganitong nalobo na ako'y nagagawa pa rin ng katawan kong mag-react sa kanyang mga kinikilos. Nagugustuhan pa rin ito ng katawan ko.

Anong pinakain nito sa akin?

"Mayie I'm sorry. I just- gusto ko lang naman syang-" Naputol ko ka-agad ang kanyang pagsasalita.

"We're not talking here." Sabi ko sa kanya at hinarap si Rufus who still had his smirk on.

"Baby chill..." Ani Rufus at mabilis na hinaplos ang aking braso. His thumb, forming circles on it. Nanlaki ang mata ni Asta, kitang kita niya ang lahat ng nangyayari at gulat na gulat siya.

Mabilis kong hinawi ang kamay ni Rufus at kunot noong nakatingin sa kanya. Ano ba ang nillalaro nya? Mamaya lamang ay kung anu ano na ang pinag-uusapan ng mga tao tungkol sa akin.

"Siraulo ka ba?" Tanong ko kay Rufus. "You liked my Ate and you should only like her." Sabi ko at tumaas ang kilay ni Rufus sa sinabi ko.

"I like her and only her, Mayie. May iba ka pa bang alam na gusto ko dito na hindi ang Ate Arlo mo?" Napalunok ako.

Hindi ko alam pero medyo nag-blurry ang aking mata. Mabilis ko iyong kinisap. Hindi ko alam na ganoon kasakit ang marinig iyon mula sa kanya. Maipagduldulan niya iyon sa akin.

Naiinis ako sa sarili kong nakialam pa ako sa kanila mg Ate ko. Pero, ate ko yon at ayaw kong masasaktan si Ate. Ako ang magiging dahilan ng kanyang mararamdamang sakit dahil ako nagreto at tumulong kay Rufus na mapalapit sa kanya.

Hindi na maikaila ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I'm hurting, very badly.

"As far as I know, no." Mahinahon kong sabi at ngumiti si Rufus sa aking sinabi at tumango.

"Good.." Aniya na parang pinupuri ang kanyang aso. Nakakainis na parang totoo ngang aso nya ako.

Hahabol-habol na parang tanga. Hindi lamang parang, sadyang tanga. Kaya nakakatawa lang ako dito sa harap ng isang gulat na Asta at walang pakealam na Rufus.

"Hindi mo ako masisisi Rav. She's my sister at gagawin ko ang lahat para protektahan sya. Even if that means it'll hurt you and your feelings." Binulong ko sa kanya.

Ngumiti lamang siya sa akin at kinagat ang kanyang labi. Damn it, ako ang naaapektuhan. Hindi ko sya kayang saktan!

Silently Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang