Tinulungan niya akong isuot ang gown nang hindi nagugulo ang aking buhok at make up.

"Sa tingin mo nagwawala na kaya si Zeff sa simbahan?" Usal ko habang inaayos ang gown.

Narinig kong mahina siyang natawa sa likod ko dahil isinasara niya ang zipper ng aking gown.

"Malamang sa malamang kanina pa yun hindi mapakali. We're ten minutes late!"

Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Kanina pa pala kami late na late at kahit hindi ko makita ang itsura ngayon ni Zeff, namumutla na yun.

"Ayan, ayos na. Let's go."

Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya palabas. The gown isn't heavy. Malaki nga ito pero ang gaan-gaan namang dalhin. Tama lang para sa katulad kong buntis.

"Mabuti naman at tapos na kayo. Kanina pa daw nagwawala si Zeff sa simabahan." Salubong sa amin ni Louise nang makalabas kami sa hotel room na tinutuluyan namin.

Mas lalo akong napangiwi sa kanyang sinabi lalo na nang makita ko ang eksenang naganap sa simbahan.

Ka video call niya si Axle at nakaharap ang camera kay Zeff na pabalik-balik ng lakad.

"Fu—ugh! Where is she?! Is something happen to her?! Bakit late siya?! Bakit hindi parin siya dumadating?!" Na fru-frustrate na ani Zeff na balak sanang guluhin ang buhok ngunit hindi nito magawa dahil maayos na ito.

"Maybe because she realize that she doesn't love you." anang isang boses na mukhang kay Acxle.

Pain crossed on his eyes when I watch him. Napailing-iling na hinarap ko si Louise na siyang maghahatid sa akin sa altar.

He's like a brother to me. More on like a guardian. Kaya siya ang maghahatid sa akin sa altar.

"Mabuti pa umalis na tayo. Baka mahimatay ang asawa ko sa kahihintay sa akin."

Sabay silang natawa sa aking sinabi bago kami naglakad palabas ng naturang hotel.

May white limousine nang naka-abang kung saan ako sasakay.

"Don't be nervous, okay?" Paalala sa akin ni Juv bago siya sumunod kay Lou dahil iisa lang ang kanilang sasakyan.

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa bridal car. Napahigpit ang hawak ko sa boquet nang magsimula nang umandar ang limousine.

Ilang minuto pa ang lumipas ng paghihintay ko ay nakarating na din ang sinasakyan ko sa simabahan. Napahinga ako nang malalim. Ngayon ko lang napansin ang pamamawis ng kamay ko na hawak ang bouquet.

Pinagbuksan ako ng pinto ng driver bago ako lumabas. Sinalubong ako ng aming wedding coordinator na ngayon ay nakahinga ng maluwag.

"Mabuti naman at nakarating kana. Ghad! Kanina pa kami pinapagalitan ni father dahil nagmumura ang groom mo. Hindi mapigilan!"

Natawa ako. "Tara na. Baka hindi makapag timpi si father at hindi kami ikasal."

Hinila niya ako saka pinatayo isang gilid kung saan hindi ako makikita. Nakita ko pa ang tatlo kong mga kaibigan na nag thumps up sa akin.

Matamis akong ngumiti sa kanila. Narinig na namin ang mahinang tugtog ng theme song namin ni Zeff na 'Beautiful in white'.

Parang kidlat sa bilis na bumalik ang aking kaba nang magsimula nang naglakad ang ang mga abay.

Panay ang hinga ko nang malalim nang sinenyasan ako ni Analyn na siyang wedding coordinator namin na maghanda.

Naglakad ako sa sentro ng pinto at nanatiling nakatingin sa bulaklak. Nag-angat lamang ako ng tingin nang bumukas ang pinto at tumugtog ang kanta na aming napili.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon