Chapter 16

126 26 0
                                    

"I am here to let go of my tears And the pain inside my heart,i miss you so damn much Lira and i want to talk to you but i realized you don't want to disturb anymore so i guess this is goodbye"he said with a cracked voice.

Tumingin siya sa mga mata nito namumula ang mga yon.

Umiwas ulit siya ng tingin
Di niya kayang salubungin ang mga mata nitong tila ba nasasaktan.

That made her more broken than she really is.

"It's better to live our life without the presence of each other"sabi niya.

"Goodbye Leo"tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa office niya mabuti na lang wala siyang taong nasalubong sa hallway.

She cried her heart out.she don't understand why she's feeling this way
Maybe because she's still inlove with him.

Pinapahirapan lang ba niya ang sarili niya gayong nilinaw na ni Leo na hindi ito nagtaksil sa kanya?

Pero natatakot parin siya,masyado nang maraming nangyari.

Natatakot siyang pag nalaman nitong may anak sila ay magagalit ito sa kanya and he might take her son away from her.

Buong araw na ginugol ni Lira ang sarili sa trabaho.

Her phone rang.

"Hello"she answered when she saw the caller.

"Di ka ba talaga kakain?"it was Linda kanina pa siya nito kinukulit na bumaba at kumain,pero wala siyang ganang kumain.

"Hindi na,hapon na din naman kakain ako when we get home"sabi na lang niya para tantanan na siya nito.

"Sige pero papadalhan kita ng sandwich with drinks kainin mo ha"sabi nito at binaba na ang tawag at di na hinintay ang sagot niya.

Napailing na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Maya maya pa nakarinig na siya ng katok sa pinto.

"Come in"sabi niya at pumasok ang room service dala ang pagkain niya.

"Ilapag mo na lang dyan sa table.thank you"sabi niya dito.

Days and months had passed and she haven't seen Leo anymore.

Siguro nag move on na din ito o baka hindi totoo ang mga sinabi nito sa kanya.pero pakealam ba niya?magsama sila ng Bestfriend with benefits niyang gagamba.

"Next week is my birthday sana makadalo ka Lira"it was Leticia they are having a dinner right now.

Pinuntahan siya nito kung saan siya nagtatrabaho.

Hindi ito tumigil sa katatanong kung saan siya nakatira kaya sa kakulitan nito ay binigay na lang niya dito ang address ng pinagtatrabahuhan niya.

"Oo naman,i'll check my schedule"sagot niya dito napaangat naman ito ng tingin sa kanya na para bang may nasabi siyang mali.

"What?"nagtataka niyang tanong dito.

"You'll check your schedule?di ka pa sure na pupunta ka?"

"Okay pupunta ako"natatawa niyang saad,sobrang tagal nila hindi nagkita kaya pagbibigyan na lang niya ito.

"Kahit wag ka nang magdala ng gift basta makapunta ka lang"masaya nitong wika.

Di talaga ito nagbago napakabait parin nito maswerte siya na mababait ang mga kaibigan niya.

"Saan ang party?"

"Sa mansyon" sagot nito at uminom ng tubig.

"isama mo si Linda"dagdag pa nito.

Alam na din nito na magkasama sila ni Linda at alam din nito na ang huli ang tumulong sa kanya noon.

"Sige,sasabihin ko sa kanya."sabi niya pero di siya sure kung sasama ba ito.

"But i can't promise you she would come with me she's kinda busy"she added and continue eating her food.

Leticia just nodded.

"Bye Lira see you again"

"Mag iingat ka"she gave her a hug.

Hinintay niya munang umalis ang kotse nito bago siya sumakay sa kotse niya at pinaandar na pauwi.

Hindi nabanggit ni Leticia si Leo habang magkasam sila kanina,siguro iniisip nito na di pa siya handang pag usapan ulit ang tungkol sa kanila ni Leo.

When she got home she immediately searched for Linda.

She found her playing with her son in her room,her son's still awake he probably waiting for her.

"Hi baby"lumapit siya at binuhat ang anak.

"Mommyyy"tuwang tuwa nitong sigaw habang hawak niya.

"Miss mo si mommy?"hinalik halikan niya ito.

"Yes po i miss you"cute nitong sagot sa kanya,binaba niya ito at hinarap si Linda.

"Kumain kana ba?"tanong niya kay Linda kasi parang kanina pa ito dito sa bahay at baka di na naman ito nakakain dahil sa pag aalaga sa anak niya.

Jewel went back to manila months ago,at bumalik na rin ang yaya ng anak niya pero hindi ito sa kanila nakatira malapit lang naman ang bahay nito at pinapabantayan lang niya dito ang anak pag may pasok lang sila ni Linda.

"Yes i had dinner before i came home"Linda answered her.

"Okay,what time umalis si Jovi?"Jovi is her son's yaya.

"Pagkarating ko pinauwi ko na"at kinuha muli sa kanya si Baby Acel.
"Bihis ka muna"sabi nito.

Tumalikod na siya dito at pumunta na sa kwarto at nagbihis.

Iniisip niya ang pagbabalik niya sa lugar kung saan siya nanggaling simula ng umalis siya ay di na siya muli pang bumalik sa lugar na yon sa takot na baka makita siya ni Leo.

Namimiss na niya ang tatay niya,hindi na niya nadalaw ang puntod nito.
Sa pagkakaalala sa kanyang ama ay nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.

Pumasok siya sa bathroom at ginawa ang kanyang skin care night routine.

Bumalik siya sa kwarto ni Linda para kunin ang anak,mukhang inaantok na ang anak niya napapapikit na ito habang naka upo.

"Inaantok na oh"sabi ni Linda ng makita siya.

Kinuha niya ang anak pero bago siya umalis ay sinabi niya dito na iniimbitahan ito ni Leticia sa birthday nito.

"If  i will come with you how about Baby Acel?sinong mag aalaga sa kanya while you are away?"nag aalala nitong tanong sa kanya.

"There's Jovi"sagot niya di naman sila mag tatagal.

"You can go alone i'll stay here with baby Ace"naiisip niya na ok na rin yon na ito ang mag aalaga sa anak.

Kahit nga siya ay nagdadalawang isip kung pupunta o hindi.

kung hindi lang siyang nakapangako na kay Leticia at saka baka maghinala pa ang kaibigan.

"Sige ikaw ang bahala."sabi na lang niya at tumalikod na dito

Love me (COMPLETED )Where stories live. Discover now