Chapter 12

143 40 3
                                    

Ilang buwan pa ang lumipas at masaya siya na nasusubaybayan ang pag laki ni Acel.

Kaarawan na nito sa susunod na buwan.

Mag 3 years old na ito.

"Baby Acel namiss kita"tumatakbo si jewel papunta sa kinaroroonan nila kapatid ito ni Linda at ngayon lang umuwi dahil nasa maynila ang trabaho nito.

"Come to tita baby,i missed you so much"sabi nito at kinuha sa kanya si Acel at pinaghahalikan.

"S-stop tita"sabi ng anak niya dahil nakikiliti ito.

Magtatatlong taon pa lang ito pero matatas na itong magsalita kaya di sila nahihirapan na intindihin ito.

"Ayaw mo ba kay tita?di mo ba ako namiss?"sabi ni jewel na parang nagtatampo.

"Namiss po"

"Mamaya tabi tayo matulog ha"

"Anong sa tabi mong matutulog"awat niya dito dahil di parin nito tinitigilan ang anak niya.

"Ate naman pagbigyan mo na ako,namiss ko lang ang baby Acel ko"nakasimangot nitong wika.

"Nag papaawa pa..!sige na sa tabi mo na siya matulog pero mapupuyat ka"natatawa niyang saad.

"Okay lang sanay na ako"sagot nito at dinala na palayo sa kanya si baby Acel.

Napailing na lang siya sa sobrang kulit nito,malayong malayo ang ugali nito kay Linda.

"Nandito na naman si jewel sigurado akong aagawin niya sayo si baby Acel"natatawang sabi ni Linda na hila hila nito ang bagahe ni jewel na basta na lang nitong iniwan pagkakita sa kanila sa bungad ng bahay.

"Hayaan mo na bihira lang naman siya umuwi dito kaya sobra-sobra ang pagka miss kay acel."sagot niya at tinulungan itong i-akyat ang mga gamit ni jewel,humingi si jewel sa boss ng isang buwang leave kaya isang buwan din nila ito makakasama.

Sobrang saya niya na dumating sa buhay niya ang magkapatid,di na iba ang turingan nila sa isa't-isa,tinuturing na siya ng mga ito na kapatid.

"Ang gwapo talaga ng baby acel ko"
Sabi ni jewel na pinaggigilan na naman ang anak niya.

"Syempre mana sa nanay"sabat niya dito.

"Hindi ate,di mana sayo di kayo magkamukha"

"Eh saan yan mag mamana kundi saakin?"

"Sa tatay kanino pa ba?"

"Pangit ang tatay niyan"

"Wag mo namang sabihang pangit ang baby Acel ko"

"Tatay niya sinsabihan ko hindi si baby Acel"sagot niya sa kakulitan ni jewel.

"Parehas lang yon,sinabihan mo ng pangit ang tatay nito ibig sabihin sinabihan mo din ng pangit ang baby acel ko.bad ka ate"sabi nitong nakairap pa sa kanya.

"Tumigil ka na nga jewel"saway ni Linda dito.

"Si ate Lira kasi"

"Tumigil kana,at saka gwapo naman talaga ang tatay ni baby Acel bitter lang talaga si Lira"sabi nito.

"Bitter ka lang pala ate Lira"nang aasar na wika ni jewel.

Aba't pinagtutulungan pa talaga siya ng mga ito.akala niya sinaway nito ang kapatid kasi kakampi ito sa kanya.

"Dyan na nga kayo"sabi niya at pumasok sa kuwarto niya at naglinis ng katawan saka lumabas ulit.

"Hahaha pikon"dinig niya pa ang halakhak ni jewel.

"JEWEL ang milk ni baby Acel nasa kusina before siya matulog padedein mo muna"

"Okay ate"sagot nito,saka siya umalis ng masiguro nang maayos ang anak niya.

Malaki ang tiwala niya sa magkakapatid pagdating sa pag aalaga sa kanyang anak.kung tutuusin mas bihasa pa ang mga ito mag algae kesa sa kanya kasi halos ang mga ito na ang nagpalaki sa anak niya.

Kinabukasan maaga siyang gumising para pumasok sa trabaho.

Kumatok siya sa kwarto ni jewel para humalik sa anak at umalis din kaagad.

Since nandito ngayon si jewel at isang buwan ito dito ay binigyan din niya ng pahinga ang nag aalaga kay baby Acel pag may pasok sila ni Linda sa trabaho.

"Goodmorning maam Lira"

"Goodmorning"sagot niya sa isang staff ng resort na bumati sa kanya ng makasakubong siya nito.

Sumakay siya ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang office niya bilang manager.

Tsinek niya ang mga papeles na nakapatong sa mesa niya at pinirmahan ang dapat pirmahan.

Nang matapos ay lumabas na siya ng office niya at tsinek niya ang nasasakupan ng kanyang trabaho.

Nadaanan niya si Linda na mukhang kararating lang di kasi sila sabay ng oras ng pasok kaya nauna siya dito.

"Okay ka lang dyan Linda?"

"Yes maam,i'm fine"lihim siyang napairap ayaw niyang tinatawag siyang maam nito kahit pa mataas ang posisyon niya dito ang awkward kasi.

Pero sabi nito para fair daw walang kai-kaibigan.

"Good"

"What time ang Lunch break mo?"tanong niya dito maaga pa naman kaya pwede pa sila mag usap wala pang masyadong tao.

May tiningnan ito saka nag angat sa kanya ng tingin.

"11:40 am"

"Sige puntahan mo ako sa taas ha"

"Okay"sabi nito at umalis na din siya at naglibot-libot na ulit.

Nang mapagod ay bumalik na siya sa office niya.

Sumandal siya sa upuan niya at binuksan ang computer niya at tiningnan kung may bagong email ba siyang natanggap at sinagot ang mga email na dapat sagutin.

Pagkatapos phone naman niya ang tiningnan kung may email din ba siya kasi minsan ang mga kliyente ay sa personal niyang email nagse-send ng email.

Napakunot noo siya ng makita ang isang email galing sa familiar na pangalan.

I've been looking for you Lira.

Galing ito kay Leticia.kinabahan siya nahanap na ba siya ng mga ito?

Hindi siya nagreply sa email nito.
Paano kung nahanap na nga talaga siya ng mga ito?

Love me (COMPLETED )Onde histórias criam vida. Descubra agora