"Hmm?" Tanong niya.







"Pwede ba akong manghingi?" Tanong ko.






Kumunot ang kanyang noo, "Ng ano?" Tanong niya sa pagtataka.






Nag-iwas ako ng tingin dahil sa konting hiya, "Ng pera sana," tugon ko.






Narinig ko ang kanyang bahagyang pagtawa bago kumuha ng wallet sa kanyang bulsa, may kakapalan 'yon ng iabot niya sa akin.






"Here, take as many as you want." Utos niya.






Nagtataka ko siyang tinignan habang nasa palad ko ang kanyang wallet, "Hindi mo tatanungin kung saan ko gagamitin?" Pag-uusisa ko.






Bahagya niyang pinisil ang ilong ko, "What for? I told you, what's mine is yours too. You don't have to inform me if ever you want to buy something." Paliwanag niya.






Umiling ako, "Wala naman akong bibilhin." Sagot ko.






Nagtataka siyang tumingin sa akin, "Okay?" Aniya.






"Hindi mo talaga tatanungin kung saan ko gagastusin?" Pamimilit ko.






Umiling siya, "That's your privacy, but if you want me to ask you then... Where will you spend that money?" Tanong niya.






Tumawa ako at napailing, "Day-off nung dalawang labandera natin, gusto ko sana bigyan para naman makapag-enjoy sila." Tugon ko.






Napatango-tango siya, "Okay, tell them to enjoy." Bilin niya ng nakangiti.






Tumango ako at tumayo na upang magtungo muli ng kusina, pagpasok ko doon ay nandoon na ang dalawa.






Hawak-hawak ko pa rin ang makapal na wallet ni Klaus na may litrato namin ni Kris na nakalagay.






Ngumiti ako sa dalawa ay bumunot ng tag-limang libo upang ibigay sa kanila.






"Nako, ma'am, hindi na po..." Wika ng isa.






Umiling ako at pilit na inaabot sa kanila ang pera, "Tanggapin niyo na, tutal ay maayos naman ang mga laba ng mga damit at mababango pa." Tugon ko.






"Maraming salamat po, ma'am Amber..." Pasasalamat nila ng nakangiti.






Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakakita ng mga taong nakangiti ng dahil sa'yo, nakakagaan ng pakiramdam at ang sarap pagmasdan.






"Sige na, umalis na kayo. Siguraduhin niyong mage-enjoy kayo ah," Bilin ko ng pabiro.






Tumatawa islang nagpaalam na aalis na kaya sa huli ay ako na lamang ang natira sa kusina, dumating naman ang cook.






"Ma'am, anong gusto niyong meryenda?" Tanong nito.






Ngumiti ako at nag-isip, "Ah hindi na, 'wag ka ng magluto. Magpapadeliver na lang ako." Tugon ko.






Ngumiti ang cook sa akin, "Sige po, ma'am." Aniya.






Nagtungo ako sa likod kung nasaan ang Laundry area, nandoon ang dalawang basket na puro bed sheets at comforters.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now