UNEXPECTED KILLER

2 1 0
                                    

❝ 𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 🖇 𝐄𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐡𝐞𝐚𝐝 ❞

"Ano nang gagawin natin? Maski ang mga police ay hindi mai-solve kung nasaan at anong nangyari kay Zebastian. What should we do about that?" alalang tanong ni Kate.

Hanggang ngayon ay wala pading nakakaalam kung nasaan at anong nangyari kay Zebastian. Huli kasi namin siyang nakita ay no'ng nag-sleepover kami dito sa bahay. Alas tres na no'n nang magpaalam siya sa amin na lalabas siya para manigarilyo pero lumipas na ang isang araw hindi parin siya bumabalik.

"Baka naman nag-travel lang?" usal ni Ella.

"Are you dumb? Seriously? travel nang naka-pajama tapos iniwan ang mga gamit?" hindi makapaniwalang ani ko kay Ella.

Tumungo naman ito nang ma-realize niya ang sinabi niya.

"Alam niyo, what if gumising tayo ng madaling araw tapos doon na tayo maghanap," suhestiyon ni Angel.

"Bakit kailangang madaling araw pa?" taray ni Ashana dito.

Hindi niya ba naisip na mas mahirap maghanap kapag madilim ang paligid?

Anyway, hindi naman ako gaanong concerned sa pagkawala ni Zebastian dahil ito ang dahilan kung bakit bumaba ang grades ko sa English. Sinabi niya kasing galing sa google ang essay ko which is not true. Gano'ng klaseng kaibigan ba ang nararapat?

"Sa tingin ko gawin nalang natin yung suggestion ni Angel," pagbibigay ni Jorge ng opinyon.

"Oo nga!" sigaw ni Sean.

Inirapan ko nalang ito. "Do I have a choice? Tatlo kayo, isa lang ako."

May kumatok naman sa kwarto ko kaya tumayo ako at pinagbuksan ito.

"Hi! Meryenda muna kayo," nakangiting alok ni mama sa mga kaibigan ko habang hawak niya ang isang tray na may mga baso ng juice at cookies.

"Thanks po tita!" ani Kate at kinuha kay mama ang tray.

Isasara ko na sana ang pinto ngunit binulungan ako ni mama na sumunod sa kaniya.

Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago sumunod kay mama.

"Hindi ko gusto ang plano ng mga kaibigan mo," ani mama habang nakatalikod at hinihiwa ang karneng kakainin ata namin mamayang gabi.

"Kung ako sa inyo, hayaan niyo nalang ang mga pulis. Mamaya't ma-pa'no pa kayo," dagdag pa nito.

Hindi naman ako natatakot dahil lumaki akong matapang.

"Don't worry, ma. Ako ang bahala," tugon ko dito at bumalik na sa kwarto.

---

"Are you guys ready?" nakangiting tanong ni Luis.

"Yes, mag-ghost hunting na rin tayo!"

Napatingin naman ako kaagad kay Erich sa sinabi nito. Puro nalang kasiyahan ang gusto nila, 'yon ang problema sa kanila kaya hindi nila kayang mag-handle ng problema.

"Let's go!" sigaw ni Kate kaya naman nagsilabasan na kaming magkakaibigan.

Andito kami sa bakuran namin na puro puno at halaman. Maghilig kasing magtanim si mama.

"Wala bang engkanto dito?" takot na tanong ni Ashana na ikinatawa ko.

"Wala, mamamatay tao lang," biro ko dito.

Napatingin naman ito sa akin at hinampas ako. "Idiot! 'Wag ka ngang manakot!"

Tumawa nalang ako sa naging reaksyon nito. Para kasi siyang batang takot na takot makakita ng multo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon