HAVE MERCY

3 1 0
                                    

「𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐟𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 🖇 𝐄𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐡𝐞𝐚𝐝」

          · · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

❝Why are you so ugly? 'di naman ganiyan ka-panget si dad. Siguro mommy mo yung kamukha mo noh?❞ panunukso sa akin ng aking step brother na siyang ikinainit ng ulo ko.

Ayos lang sa 'kin na lait-laitin niya ako pero ang mommy ko? magkakamatayan kami. I mean it.

❝Subukan mo pang laitin ang mommy ko---❞ banta ko dito.

❝Ano ang gagawin mo?❞

Oh! andito na pala ang feeling reyna kong step mother. This bitch! Akala niya ata'y hindi ko alam na pera lang ang habol niya kaya pinakasalan niya si daddy.

I don't have anything against daddy but he's so stupid. I tried to explain to him na pera lang ang habol ni Milagros sa kaniya pero hindi siya naniwala. Masyado talagang nakakabulag ang pag-ibig.

❝Wala kayong ideya,❞ saad ko sa kanila at umakyat na para pumasok sa aking silid.

Matagal-tagal na rin akong nagtitiis sa mga panglalait nilang dalawa sa mommy ko. Hindi ko matatanggap na ang katulad nilang mga dukha pa mismo ang manglalait sa aking ina.

Sino ba sila? Pinulot lang naman si Milagros sa bar. Imagine kung anong klaseng babae siya? Ni hindi nga ni daddy alam yung pinanggalingan niya tapos may lakas pa siyang siraan ang mommy ko?

I can't take this anymore. Hindi na ako papayag na may masabi pa silang kahit na ano sa mommy ko.

Lumabas ako ng aking silid at agad na dumiretso sa bodega. Dito kasi ni daddy nilalagay ang mga gamit niya.

Pinagmasdan ko ang paligid nito. Dalawang sako naman ang nakapukaw sa aking atensyon kaya kinuha ko na agad ito. Sakto namang may martilyo na nakalapag sa sahig kaya kinuha ko na rin ito.

Pagkalabas ng bodega ay agad akong nagtungo sa kusina at kinuha ang gunting.

Tignan natin ngayon kung makapanglait pa kayo.

Matapos kong kunin ang lahat ng kailangan kong kunin, pumasok na akong muli sa silid ko at pinagplanuhan nang maayos ang gagawin ko sa mag-ina.

Wala pa mang limang minuto ay kumatok na agad ang napakabait kong step brother sa aking pinto. ❝Hoy! Buksan mo nga ito. Siguro may tinatago ka diyan!❞

Oops! Wrong move, darling. Planado ko na ang buhay ninyo. Wala na kayong magagawa.

Dinampot ko ang martilyo at itinago ito sa likod ko bago buksan ang pinto. Nakangiti ko naman itong sinalubong na siyang ipinagtaka nito.

Don't worry, huling ngiti ko na naman 'to na makikita mo.

❝Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?❞ dudang tanong nito habang nakapameywang.

Nginitian ko lang ito at sinenyasang pumasok sa silid ko na sinunod din naman nito kaagad.

Napakadali talagang manipulahin ang mga ganitong klaseng tao.

❝Aning ka ba? Dapat 'tong malaman nila mommy at daddy,❞ sambit nito nang makita ang pamatay na ngiti sa aking labi at akmang  lalabas na sana ng silid ko ngunit bago pa nito magawa ang binabalak, napalo ko na agad ng martilyo ang likod nito.

Sa lakas ng palo ko ay bumagsak ito sa sahig na lumikha ng malakas na galabog.

Gusto ko silang pahirapan kaya hindi ko mamadaliin ang pagkamatay nila. Mararamdaman nila ang sakit ng mga plinano kong gawin sa kanila. Gusto kong maghirap muna sila bago malagutan ng hininga. Gusto kong magmakaawa sila sa harap ko.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now