Step - 9.

2.7K 94 44
                                    

"Be back here after two hours," bilin niya nang bumaba ako sa sasakyan. "I'll wait for you in the parking area. I'll just grab some coffee."

"Okay, I will. Thank you," ngiti ko bago ko isinara ang pinto ng sasakyan niya.

Pumasok na ako sa ospital pagkatapos kong magpaalam sa pinsan ko. Pumunta agad ako sa front desk at tinanong ko ang staff kung anong room ng daddy ni Kiel.

"Excuse me, miss. Saan po ang room ni Mr. Kiefer Vega?" tanong ko at agad naman niyang tinignan ang papel na hawak niya.

"Sino po sila?" tanong niya sa akin bago siya magbigay ng impormasyon.

"Kaibigan po ako ng anak niya," sagot ko.

"She's with me. It's okay."

Napatingin ako sa kanan ko nang may nagsalita. Nakita ko si Kiel sa tabi ko, may hawak siyang dalawang bote ng mineral water at plastic ng convenient store na may lamang pagkain.

"She's with me," sabi niya ro'n sa staff kaya tumango na lang ang babae at hinayaan na niya kami.

Medyo naiilang pa rin ako kay Kiel pero inisip ko na lang na nandito ako para kumustahin siya at ang daddy niya.

Broken family sila at hindi na close ang parents niya kaya alam kong kailangan niya rin kami ng barkada ngayon.

"Kumusta?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"I'm not okay. But I'm trying to be," sagot niya. "Ayoko na pati sa akin, mag-alala sila. 'Di ba kaya kayo nga pinapunta ng kuya ko rito? Dahil nag-a-alala sila sa akin?"

"Kanina ka pa raw kasi tahimik. Of course, everyone is worried about you," sabi ko naman.

"I can handle this. You guys don't need to worry about me. This happens," walang emosyon niyang sabi.

"Kiel..."

"Paralyzed na ang right side ng katawan ni Daddy," diretso niyang sabi. "I don't know what to feel. Everything just crumbled in front of me, of my family. Paano na kami? Paano na si Daddy?"

Assistant dentist si Tito Kiefer noon sa ibang bansa at ngayon ay may clinic na siya sa Manila. Hindi pa rin siya nakatira kasama sina Kiel pero siya pa rin ang provider nila.

"I'm sorry about what happened..."

"You don't have to feel sorry for me. I don't need your pity," mariin niyang sabi at sinubukan ko namang hawakan ang kamay niya.

"Kiel, you don't have to face this alone. You don't have to hurt on your own. We're here," sabi ko naman at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Aly..." basag ang tono ng boses niya at naramdaman ko na lang umiiyak na siya sa balikat ko. "Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko maintindihan kung bakit kay Daddy pa 'to nangyari. He doesn't deserve this."

"No one does," mahina kong sabi habang hinahaplos ko ang likod niya. "I know that you're trying to be strong but I know that it's also hurting you to see him like that. Alam kong nalulungkot ka sa mga nangyayari. And that's okay. Don't keep it all inside. Mas masasaktan ka lang. Kaya nga nandito kami para sa'yo."

"Hindi mo ako iiwan?" parang bata na tanong niya at tumango naman ako habang pinupunasan ko ang pisngi niya.

"Hindi," sagot ko. "We're friends, right? I'm here for you."

Bumukas na ang elevator sa floor kung nasa'n ang daddy ni Kiel kaya lumabas na rin kami pagkatapos niyang magpasalamat sa akin.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon