"Tricia, papagalitan ako ni Mama nito. Anong gagawin ko? Unang beses kong makakuha nang gano'ng score." Pagmamaktol ko na parang bata.



"Shh. Maiintindihan ka naman niya eh. Ako bahala sa'yo, pupunta ako lagi sa bahay niyo. Tuturuan kita." Niyakap ko naman siya.



"Thank you, Tricia." Niyakap naman din niya 'ko.



--



Nasa library kami ni Tricia, tinuturuan niya ako sa Physics. Meron ng bagong topic, sobrang naguguluhan na talaga ako.



Okay pa ako sa tinuro sa'kin ni Mark, pero meron pa palang ibang formula ang tinuro niya sa'kin.



"Basahin mo na muna 'yan, Ryleigh. Tapos kung medyo 'di mo gets, sabihin mo sa'kin. Gagawa na 'ko nang reviewer mo para sa next grading. Para rin makapag-advance reading ka na." Kinuha ko naman ang book sa Science, saka ko sinimulang basahin.



Juice colored. Nakakahilo po, opo. Medyo 'di kaya ng utak ko 'to. But for the sake of grades, I'll study hard.



Habang si Tricia, nagsusulat. Basa lang ako nang basa. Hindi ko tinitigilan ang isang equation hangga't hindi ko siya nage-gets.



KRING KRING



"Oh, lunch na 'yon." Sabi ni Tricia.



"Kain na muna tayo?" Aya ko.



"Oh sige. Hiramin na muna natin 'tong libro." Lumabas kami nang library. Diretso kami sa canteen.



"Basahin mo muna habang bumibili ako ng pagkain."



"Wait lang, Tricia. Yung pera koㅡ"



"Ako na lang. Libre ko na. Mag-aral ka na diyan. Bilhan na lang kita ng galaxy chocolate para mabilis mong ma-memorize." Saka na siya tumakbo papunta sa bilihan nang pagkain.



Bumalik na ako sa pagbabasa. Bigla naman natanaw nang mata ko ang table kung saan nakaupo ang BTS.



Nagulat ako nang bigla akong tinignan ni Jimin. Hindi na maalis ang tingin niya sa'kin. Gusto ko iiwas ang tingin ko sakanya pero parang meron siyang sinasabi sa'kin na sa mata niya nanggagaling.

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Where stories live. Discover now