Sa kalagitnaan ng aming pag-kain agad na nagsalita si Ysa, nagsisimula ng paguusapan.
"Jav," pagtawag nito sa'kin. "Kamusta? Progress kay Jagger?" Tanong niya.
Agad kong nasapo ang noo ko. Nalimutan kong mag chat sa kanya ngayong umaga. Halos isang linggo na ng simula ko s'yang kulitin.
Nagmamadali, hinalungkat ko ang bag ko. Kinuha ko nag cellphone at chineck ang twitter. My isang unread message. Galing ito kay Jagger! Dali-dali ko itong binuksan.
ThisJagger
Hala. Isang linggo lang? Awit may trial card.
Natawa ako sa nabasa ko. Agad akon nagtipa ng sagot.
GinoongJav
I forgot to message this morning :(. Stress sa student council. Hahaha.
Minutes passed. 'Di pa rin s'ya nag rereply. Baka offline or busy.
"Laki ng ngiti natin d'yan ah," pang-aasar ni Daphne.
I showed them our chat. Agad naman itong kinuha ng dalawa. Daphne and Ysabelle.
Humagikhik naman mag-isa sa gilid si Clara. She's holding her phone, siguro'y may ka-chat.
"Hoy!" tawag ko sa kanya.
"Huh?" she was shocked by my sudden call, she hurridly hid her phone like she did something bad.
Inilingan ko na lang s'ya. Agad naman s'yang nakigulo kila Ysabelle. Si Azalea sa gilid ko'y tahimik na kumakain.
"Hala Jav, ikaw ba 'yan?" 'di makapaniwalang sabi ni Ysabelle.
"Ikaw? Mag cha chat ng ganon karami?" Daphne said, holding her chest like she was shock.
"Ni hindi mo nga kami nirereplyan halos sa gc, tas ito tatadtarin mo? Mali 'yon," she said then laughed.
"Tingen," ani Azalea ng tapos ng magbasa ang tatlo. Muntikan n'ya pang mabuga ang kanin na nasa bibig yan. "Weh, 'di nga? Ikaw ba talaga 'yan?"
Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Imposible ba talagang 'di ko magagawa 'yon? 'Di ba halata na sweet ako sa kanila?
Pagkatapos ng ilang kwentuhan ay nag pasya na kaning umuwi. Papuntang terminal ng jeep nakita ko si Sir Rad, ang may hawak ng Student Council.
"Jav!" pagtawag n'ya sa'kin, sumasalubong.
Nang makalapit na si Sir agad naman akong nagmano. Trademark na ng school namin iyon. Ang magmano isang paraan ng pagbati.
"Nextweek nga pala, may kailangan akong reports. P'wede bang kuhanan mo'ko ng profile sa senior high? Busy na kasi sila Bianca."
"Sige po sir. Bigay ko po sa inyo before friday."
Tango lang ang natanggap ko. Hindi ko kasabay ngayon si Clara pa-uwi dahil doon s'ya sa may kabila dumaan.
Pagka-uwi ko ng bahay. Agad naman akong nagbihis, gumawa ng assignment. Mayroon akong assignment dito na 'di ko talaga maintindihan.
SAMAHAN NG MGA BOBONG INIWAN
Javier: Help
Ysabelle: Problema mo?
Javier: Yung assigment sa math
Ysabelle: Inaantay ko lang mag-send si Clara. Di ko din alam.
Ysabelle: Alam n'yo? @Daphne @Azalea
Azalea: Nag call kami ni Daphne kanina. Tulog na 'yon ngayon.
Clara: mga bwiset eto na sagot. *photo attachment*
Javier: Salamat Clar, sana lab ka ng crush mo!
Ysabelle: Thank you, Clar. Libre kita bukas.
Clara: nyenyenye
Nagreact kami ni Ysabelle ng-haha sa huling message ni Clar. Inaral ko kung paano ko nakuha ag sagot ni Clar. Tsaka ko ito sinagutan na talaga.
Pumasok ako sa school ng maaga. 'Di ko nadatnan ang tatlo. Si Azalea lang ang nandon.
"Nasan sila?" tanong ko.
"Si Ysa, nagpapractice para sa interschool muse. Yung dalawa may training, alam mo naman mga varsity." explain nito. "Ako lang walang ganap, may pupuntuhan ka?" tanong niya ng makita ang mga papel na hawak ko. Tinanguan ko s'ya. "Sama." she said.
"Tara," aya ko. "Sa senior high, kailangan ko ng mga data. Pinapakuha ni sir Rad." Tumango ito sa sinabi ko at agad namang sumunod sa'kin. Natapos na namin ang lahat ng strand, kila James na lang ang hindi.
Hindi ko ito sinadyang ihuli. Sadyang nasa dulo ng building ang room nila.
"Excuse po sa president," sabi ko, hindi tinitignan ang nagbukas ng pinto. Patuloy sa pag-hanap ng mga papel.
"Ako 'yung president." pamilyar na boses ang bumalot sa aking tenga. Agad akong napatingin kung sino ang nasa harapan ko.
Si James! S'ya ang president ng GAS!
----
05
YOU ARE READING
Between Distance (Between Series #1)
Teen FictionBetween Series #1 Javier has only one principle in his life, and that is. Forget and go on with life. Who would have thought a guy on social media could make him drop his principle? He go on with his life but he never forgot what happened since th...
CHAPTER 5
Start from the beginning
