Worthless - Noah Reigan Elizalde

1.7K 56 25
                                    

Worthless - Noah Reigan Elizalde

Isa rin 'tong taong 'to. Naku. Naku. Parang nalamangan niya ang kapatid niya sa puso ko (Naks! Joke lang. HAHAHA) Unang-una palang, naiinis ako kay Noah. Yung tipong sumusobra na ang pagiging cold na niya, 'yung gusto mo ng itapon sa Bermuda Triangle dahil sa sobrang sama niya.

Unti-unti siyang nag-open up kay Megan. Unti-unti siyang naging sweet at tang'nang Elizalde 'yun, pinapakilig ako gabi-gabi sa mga simpleng linya niya lang. 'Tas nasabi ko: Saan ka makakabili ng ganitong lalaki?

Imagine, nung note passing nila ni Megan. Ang M. Marfori, pinalitan ng M. Elizalde. Darn!

Pero nung umalis si Megan, dun na siya naging cold ulit. Pagbalik ni Megan, she pursued Noah, but then, Noah turned into the Cold Hearted Beast he was, and drove Megan away. Dito ako sobrang naawa kay Megan, gusto kong rebaskin si Noah!

'Yun ngang nagpakita ng tats ni Meg sa isang lalaking whatever, hindi ko na matandaan, biglang nagalit ang Zeus. Mga masasakit na salita ang sinabi nila kay Megan at inis na inis ako kay Warren at Joey nun. Hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan ni Megan at hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanila. Jk! HAHAHA.

Hanggang sa Kabanata 35, dun na nag-iba ang lahat, nung bumalik na si Ysmael. Noong una, 'nung mga panahong pinagtaboy ni Noah si Megan, gusto kong pumunta si Azi sa kwento. Oo! Si Azrael Ian Montefalco III, pero syempre, hindi 'yun magkakatotoo, ano 'yan, crossover? Montefalco to Elizalde story? HAHAHA. At dun nabuo ang pagiging AziMeg shipper ko, ngunit alam kong hanggang imagination lang 'yun. HAHAHA. Eh, anong magagawa ko? Ayaw ko kay Noah nung mga panahong 'yun. Nako. Nako.

Anyway, sa Kabanata 35, bumalik si Ysmael at nagtrabaho si Megan sa company ni Ysmael. Dun ko na pinagtulakan si Megan papunta kay Noah. Di ko feel si Ysmael. Mas feel ko si Noah nung mga panahong 'yun. HAHAHA.

Yung pagtawag ni Noah ng "Miss" kay Megan. Takte. Kahit na para sa iba ay pormal 'yan, takte, kinikilig ako! 'Yung pagsundo niya kay Megan at mas napagulong ako sa kama nung nasirahan si Noah at hinalikan niya ang tats ni Megan! Oo, dun! Nakakakilig 'yun!

Coat and tie vs. faded jeans and black leather jacket. Of course, boto ako kay Faded Jeans and Black Leather Jacket. Kumbaga nga #TeamYabang, #TeamFadedJeansAndBlackLeatherJacket at #TeamNoGan.

"Nung narinig kong may kahalikan ka sa ibang bansa, halos mabaliw ako..." Chu chu, nakalimutan ko na ang rest. Tinatamad akong mag-type at tinatamad akong mag back-read pero dahil wala akong magawa, ito ang ginagawa ko. Gets? HAHAHA. Anyway, sa Chapter ng first SPG ng Nogan, Kab51, ewan ko pero tawa ako ng tawa sa mga comments at mukhang nawindang ata ang mga Royal Reader ni Queen J at naging baliw sa SPG. HAHAHA. Tawa ako ng tawa dun ngunit kahit na walang SPG ay maganda pa din ang takbo ng storya, kumbaga spice ang SPG. Joke. HAHAHA.

Hindi ako mahilig sa on-going. Mas trip ko ang completed dahil tinatamad (kailan pa ba hindi?) akong maghintay ngunit gabi-gabi ko hinihintay ang update ng Worthless at gabing-gabi ako natutulog na kinikilig.

Worthless by jonaxx, a book worth reading, a book worth publishing, a book worth my time :>.

Characters Worth RememberingWhere stories live. Discover now