"I've seen you on television at masasabi kong maganda ka talaga!" puri niya. "Kaya ang dami mong endorsements! May billboard ka nga na malaki doon sa plaza."

"Salamat po. Kayo rin po maganda," sagot ko naman. Tumawa siya at halatang natuwa sa mga binitawan kong mga salita.

It's true though. Even with her age, masasabi kong maganda pa rin siya at halatang inaalagan niya ang sarili.

"As expected, magaling ka ring pumili. Sana ganyan din si Hughes," aniya na parang dismayado.

Nilapitan kami ni Fire at iginiya papunta sa dining area kung saan rinig na namin ang pag-aayos sa hapag.

"Hayaan na po natin siya Lola."

"Hmp! Kung pumayag lang siya sa engagement edi sana hindi na sumakit pa ang ulo ni Theresa."

Anong meron sa babaeng gusto ni Hughes? At engagement? Hindi ko alam yun, ah. The Prietos own Aria Academy where we studied at kung may balita man tungkol sa mga mamamahala non in the future, sana at nalaman ko.

Hindi na nasundan pa ang usapan tungkol doon nang umupo sa kabisera si Senyora Cassandra. Titig na titig siya sa akin habang nakangiti. I feel slightly awkward.

"What conditioner do you use hija? Ang ganda ng buhok mo," tanong niya. I told her the local brand I am endorsing, noong bata pa lang ako ay iyon na ang gamit ko. "Ah, really? Akala ko imported brand. Parang gusto ko tuloy bumili."

Nagmamadali ang mga kasambahay sa paglapag ng mga pagkain sa mesa. This is the first time I've seen this many house helpers in one time.

May ibang hindi tumutulong pero nakasungaw lang ang mga ulo sa kusina at nagbubulungan.

"G-Good afternoon po," pabulong na bati sa akin ng isa na mukhang teenager pa lamang.

Ngumiti ako at babati rin sana kaso kinuha uli ni Senyora Cassandra ang atensyon ko.

"Dalawang taon na kayo ni Fire. Wala pa ba kayong balak na magpakasal?"

Sa gulat ay muntik nang mabitawan ng kasambahay na bumati sa akin ang hawak niya. Her face reddened because of her mistake and hurriedly left.

"Si Alfred at Ysabelle ay wala pang isang taon, kinasal na. Tignan mo ngayon ay may anak na," she said as a matter of fact but Fire looks like he's having none of it. Abala lang ito sa pagpili ng ulam na iaalok sa akin.

"Gusto mo nito?" inilapit niya ang sa tingin ko ay tokwa't baboy. Tumango ako at nilagyan niya ang pinggan ko. Hindi ko na siya pinigilang gawin iyon dahil parang nakagawian na.

His grandmother hid her smile while sipping her water.

"Hay," then she sighed. "Si Fiona ay mas abala sa business at mas gustong makasama muna ang asawa niya bago magka-anak kaya matagal pa bago ako mabigyan ng apo mula sa kanya. Kayo ba Fire baka meron na?"

Muntik na akong masamid! Inabot ko ang table napkin at pinunasan ang bibig ko.

Senyora Cassandra smiled at me as if she likes my reaction. Her eyes gleamed then she stared at her grandson who is still ignoring her words.

"Gusto mo ng juice?" alok sa akin ni Fire.

"Fire, iabot mo ang kanin sa akin," utos ni Senyora Cassandra.

Inuna siya ni Fire. Ang kasambahay na nasa gilid ni Senyora ang naglagay ng kanin sa pinggan niya.

"Hindi pa ba nagtatanong sina Jaine at Charlotte tungkol sa kasal niyo Ziana?" malambing niyang tanong.

Why is she so excited about it?

"Uhmm. Nagtanong na po.."

Senyora leaned forward, looking interested. "Then? Anong sabi?"

Pink SkiesWhere stories live. Discover now